Check out the new design

Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) - Centro Rowad * - Índice de tradução

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Tradução dos significados Surah: Yunus   Versículo:
وَإِذَآ أَذَقۡنَا ٱلنَّاسَ رَحۡمَةٗ مِّنۢ بَعۡدِ ضَرَّآءَ مَسَّتۡهُمۡ إِذَا لَهُم مَّكۡرٞ فِيٓ ءَايَاتِنَاۚ قُلِ ٱللَّهُ أَسۡرَعُ مَكۡرًاۚ إِنَّ رُسُلَنَا يَكۡتُبُونَ مَا تَمۡكُرُونَ
Nang nagpatikim Kami [sa mga tagapagtambal] sa mga tao ng isang awa matapos na ng isang kariwaraan na sumaling sa kanila, biglang mayroon silang isang pakana sa mga tanda Namin. Sabihin mo: “Si Allāh ay higit na mabilis sa pakana.” Tunay na ang mga [anghel na] sugo Namin ay nagsusulat ng anumang ipinakakana ninyo.
Os Tafssir em língua árabe:
هُوَ ٱلَّذِي يُسَيِّرُكُمۡ فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا كُنتُمۡ فِي ٱلۡفُلۡكِ وَجَرَيۡنَ بِهِم بِرِيحٖ طَيِّبَةٖ وَفَرِحُواْ بِهَا جَآءَتۡهَا رِيحٌ عَاصِفٞ وَجَآءَهُمُ ٱلۡمَوۡجُ مِن كُلِّ مَكَانٖ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُمۡ أُحِيطَ بِهِمۡ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ لَئِنۡ أَنجَيۡتَنَا مِنۡ هَٰذِهِۦ لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ
Siya ay ang nagpapalakbay sa inyo sa katihan at karagatan; hanggang sa nang kayo ay naging nasa mga sasakyang-dagat, naglayag ang mga ito kasama sa kanila sa pamamagitan ng isang hanging kaaya-aya, at natuwa sila rito ay may dumating sa mga ito na isang hanging umuunos, dumating sa kanila ang mga alon mula sa bawat pook, at nagpalagay sila na sila ay pinaligiran. Dumalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon, [na nagsasabi]: “Talagang kung paliligtasin Mo kami mula rito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat.”
Os Tafssir em língua árabe:
فَلَمَّآ أَنجَىٰهُمۡ إِذَا هُمۡ يَبۡغُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّۗ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّمَا بَغۡيُكُمۡ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۖ مَّتَٰعَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ ثُمَّ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُكُمۡ فَنُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Ngunit noong pinaligtas Niya sila biglang sila ay nananampalasan sa lupa nang walang karapatan. O mga tao, ang paglabag ninyo ay laban sa mga sarili ninyo lamang, bilang natatamasa sa buhay na pangmundo. Pagkatapos tungo sa Amin ang babalikan ninyo saka magbabalita Kami sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa.
Os Tafssir em língua árabe:
إِنَّمَا مَثَلُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَآءٍ أَنزَلۡنَٰهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَٱخۡتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلۡأَرۡضِ مِمَّا يَأۡكُلُ ٱلنَّاسُ وَٱلۡأَنۡعَٰمُ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَخَذَتِ ٱلۡأَرۡضُ زُخۡرُفَهَا وَٱزَّيَّنَتۡ وَظَنَّ أَهۡلُهَآ أَنَّهُمۡ قَٰدِرُونَ عَلَيۡهَآ أَتَىٰهَآ أَمۡرُنَا لَيۡلًا أَوۡ نَهَارٗا فَجَعَلۡنَٰهَا حَصِيدٗا كَأَن لَّمۡ تَغۡنَ بِٱلۡأَمۡسِۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Ang paghahalintulad sa buhay na pangmundo ay gaya ng tubig lamang na pinababa Namin mula sa langit, saka humalo dito ang mga halaman ng lupa, na mula sa mga ito kumakain ang mga tao at ang mga hayupan; hanggang sa nang kumuha ang lupa ng palamuti nito, nagayakan ito, at nagpalagay ang mga naninirahan dito na sila ay mga nakakakaya rito, ay pumunta rito ang utos Namin sa gabi o maghapon saka gumawa Kami rito bilang aning para bang hindi ito lumago kahapon. Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.
Os Tafssir em língua árabe:
وَٱللَّهُ يَدۡعُوٓاْ إِلَىٰ دَارِ ٱلسَّلَٰمِ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Si Allāh ay nag-aanyaya sa Tahanan ng Kapayapaan at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid.
Os Tafssir em língua árabe:
 
Tradução dos significados Surah: Yunus
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) - Centro Rowad - Índice de tradução

Tradução realizada pela equipe do Centro de Tradução Rowwad em cooperação com a Associação de Chamada em Al-Rabwah e a Associação para o Serviço do Conteúdo Islâmico em Idiomas.

Fechar