Check out the new design

Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) - Centro Rowad * - Índice de tradução

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Tradução dos significados Surah: Al-Baqarah   Versículo:
وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوۡنَ مِنكُمۡ وَيَذَرُونَ أَزۡوَٰجٗا يَتَرَبَّصۡنَ بِأَنفُسِهِنَّ أَرۡبَعَةَ أَشۡهُرٖ وَعَشۡرٗاۖ فَإِذَا بَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا فَعَلۡنَ فِيٓ أَنفُسِهِنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aantabay ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung [araw kung hindi nagdadalang-tao].[61] Kapag umabot ang mga ito sa taning ng mga ito ay walang maisisisi sa inyo sa anumang ginawa ng mga ito sa mga sarili ng mga ito[62] ayon sa nakabubuti. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
[61] at kung nagdadalang-tao naman ay hanggang sa makapanganak
[62] Ibig sabihin: kung muling mag-asawa.
Os Tafssir em língua árabe:
وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا عَرَّضۡتُم بِهِۦ مِنۡ خِطۡبَةِ ٱلنِّسَآءِ أَوۡ أَكۡنَنتُمۡ فِيٓ أَنفُسِكُمۡۚ عَلِمَ ٱللَّهُ أَنَّكُمۡ سَتَذۡكُرُونَهُنَّ وَلَٰكِن لَّا تُوَاعِدُوهُنَّ سِرًّا إِلَّآ أَن تَقُولُواْ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗاۚ وَلَا تَعۡزِمُواْ عُقۡدَةَ ٱلنِّكَاحِ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ ٱلۡكِتَٰبُ أَجَلَهُۥۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ فَٱحۡذَرُوهُۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٞ
Walang maisisisi sa inyo sa ipinahiwatig ninyo na isang pag-alok ng kasal sa mga babae o kinimkim ninyo sa mga sarili ninyo. Nakaalam si Allāh na kayo ay babanggit sa kanila [nito] subalit huwag kayong makipagtipan sa kanila nang palihim maliban na magsabi kayo ng isang sasabihing nakabubuti. Huwag kayong magpasya ng kasunduan ng kasal hanggang sa umabot ang takdang panahon sa taning nito. Alamin ninyo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga sarili ninyo kaya mag-ingat kayo sa Kanya. Alamin ninyo na si Allāh ay Mapagpatawad, Matimpiin.
Os Tafssir em língua árabe:
لَّا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ إِن طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ مَا لَمۡ تَمَسُّوهُنَّ أَوۡ تَفۡرِضُواْ لَهُنَّ فَرِيضَةٗۚ وَمَتِّعُوهُنَّ عَلَى ٱلۡمُوسِعِ قَدَرُهُۥ وَعَلَى ٱلۡمُقۡتِرِ قَدَرُهُۥ مَتَٰعَۢا بِٱلۡمَعۡرُوفِۖ حَقًّا عَلَى ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Wala maisisisi sa inyo kung nagdiborsiyo kayo sa mga maybahay hanggat hindi pa kayo sumaling[63] sa kanila o hindi pa kayo nagtakda para sa kanila ng isang tungkuling [bigay-kaya]. Magpatamasa kayo sa kanila – sa nakaluluwag ayon sa kakayahan niya at sa naghihikahos ayon sa kakayahan niya – ng isang pampalubag-loob ayon sa nakabubuti bilang tungkulin sa mga tagagawa ng maganda.
[63] Ibig sabihin: hindi pa kayo nakipaagtalik
Os Tafssir em língua árabe:
وَإِن طَلَّقۡتُمُوهُنَّ مِن قَبۡلِ أَن تَمَسُّوهُنَّ وَقَدۡ فَرَضۡتُمۡ لَهُنَّ فَرِيضَةٗ فَنِصۡفُ مَا فَرَضۡتُمۡ إِلَّآ أَن يَعۡفُونَ أَوۡ يَعۡفُوَاْ ٱلَّذِي بِيَدِهِۦ عُقۡدَةُ ٱلنِّكَاحِۚ وَأَن تَعۡفُوٓاْ أَقۡرَبُ لِلتَّقۡوَىٰۚ وَلَا تَنسَوُاْ ٱلۡفَضۡلَ بَيۡنَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ
Kung nagdiborsiyo kayo sa kanila bago pa kayo sumaling[64] sa kanila at nagsatungkulin na kayo para sa kanila ng isang tungkulin, ang kalahati ng isinatungkulin ninyo [ang ibibigay] maliban na magpaubaya sila [na mga babae] o magpaubaya ang [lalaki na] nasa kamay niya ang kasunduan ng kasal. Ang magpaubaya kayo ay higit na malapit sa pangingilag magkasala. Huwag kayong lumimot sa kabutihang-loob sa pagitan ninyo. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
[64] Ibig sabihin: hindi pa kayo nakipaagtalik
Os Tafssir em língua árabe:
 
Tradução dos significados Surah: Al-Baqarah
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) - Centro Rowad - Índice de tradução

Tradução realizada pela equipe do Centro de Tradução Rowwad em cooperação com a Associação de Chamada em Al-Rabwah e a Associação para o Serviço do Conteúdo Islâmico em Idiomas.

Fechar