Check out the new design

Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) - Centro Rowad * - Índice de tradução

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Tradução dos significados Surah: An-Nur   Versículo:
۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّبِعُواْ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ وَمَن يَتَّبِعۡ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِ فَإِنَّهُۥ يَأۡمُرُ بِٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۚ وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ مَا زَكَىٰ مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ أَبَدٗا وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يُزَكِّي مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
O mga sumampalataya, huwag kayong sumunod sa mga bakas ng demonyo. Ang sinumang sumusunod sa mga bakas ng demonyo, tunay na siya ay nag-uutos ng kahalayan at nakasasama. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, walang bumusilak [mula sa pagkakasala] kabilang sa inyo na isa man magpakailanman; subalit si Allāh ay nagbubusilak ng sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
Os Tafssir em língua árabe:
وَلَا يَأۡتَلِ أُوْلُواْ ٱلۡفَضۡلِ مِنكُمۡ وَٱلسَّعَةِ أَن يُؤۡتُوٓاْ أُوْلِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينَ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ وَلۡيَعۡفُواْ وَلۡيَصۡفَحُوٓاْۗ أَلَا تُحِبُّونَ أَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
Huwag manumpa ang mga may kalamangan kabilang sa inyo at kaluwagan na [hindi] magbigay sa mga mayroong pagkakamag-anak, mga dukha, at mga tagalikas sa landas ni Allāh. Magpaumanhin sila at magpalampas sila. Hindi ba kayo umiibig na magpatawad si Allāh sa inyo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Os Tafssir em língua árabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَرۡمُونَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ٱلۡغَٰفِلَٰتِ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ لُعِنُواْ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Tunay na ang nagpaparatang sa mga nakapag-asawang nalilingat na babaing mananampalataya ay isinumpa sa Mundo at Kabilang-buhay. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat,
Os Tafssir em língua árabe:
يَوۡمَ تَشۡهَدُ عَلَيۡهِمۡ أَلۡسِنَتُهُمۡ وَأَيۡدِيهِمۡ وَأَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
sa Araw na sasaksi laban sa kanila ang mga dila nila, ang mga kamay nila, at ang mga paa nila sa dati nilang ginagawa.
Os Tafssir em língua árabe:
يَوۡمَئِذٖ يُوَفِّيهِمُ ٱللَّهُ دِينَهُمُ ٱلۡحَقَّ وَيَعۡلَمُونَ أَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ ٱلۡمُبِينُ
Sa Araw na iyon, maglulubus-lubos sa kanila si Allāh ng totoong pagtutumbas sa kanila at makaaalam sila na si Allāh ay ang Totoo, ang Tagalinaw.
Os Tafssir em língua árabe:
ٱلۡخَبِيثَٰتُ لِلۡخَبِيثِينَ وَٱلۡخَبِيثُونَ لِلۡخَبِيثَٰتِۖ وَٱلطَّيِّبَٰتُ لِلطَّيِّبِينَ وَٱلطَّيِّبُونَ لِلطَّيِّبَٰتِۚ أُوْلَٰٓئِكَ مُبَرَّءُونَ مِمَّا يَقُولُونَۖ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ
Ang mga karima-rimarim ay ukol sa mga [taong] karima-rimarim at ang mga [taong] karima-rimarim ay ukol sa mga karima-rimarim. Ang mga kaaya-aya ay ukol sa mga [taong] kaaya-aya at ang mga [taong] kaaya-aya ay ukol sa mga kaaya-aya. Ang mga [taong kaaya-ayang] iyon ay mga pinawalang-sala mula sa sinasabi ng mga [naninirang-puring] ito. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana.
Os Tafssir em língua árabe:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَدۡخُلُواْ بُيُوتًا غَيۡرَ بُيُوتِكُمۡ حَتَّىٰ تَسۡتَأۡنِسُواْ وَتُسَلِّمُواْ عَلَىٰٓ أَهۡلِهَاۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
O mga sumampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo hanggang sa nagparamdam kayo at bumati kayo sa mga naninirahan sa mga ito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.
Os Tafssir em língua árabe:
 
Tradução dos significados Surah: An-Nur
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) - Centro Rowad - Índice de tradução

Tradução realizada pela equipe do Centro de Tradução Rowwad em cooperação com a Associação de Chamada em Al-Rabwah e a Associação para o Serviço do Conteúdo Islâmico em Idiomas.

Fechar