Check out the new design

Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu. * - Ishakiro ry'ibisobanuro


Ibisobanuro by'amagambo Isura: Al Im’ran   Umurongo:
قُلۡ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا وَمَآ أُنزِلَ عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطِ وَمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَٱلنَّبِيُّونَ مِن رَّبِّهِمۡ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Sumampalataya kami kay Allāh bilang Diyos. Tumalima kami sa Kanya sa anumang ipinag-utos Niya. Sumampalataya kami sa kasi na pinababa Niya sa amin, at sa anumang pinababa Niya kina Abraham, Ismael, Isaac, at Jacob, sa anumang pinababa Niya sa mga propeta kabilang sa mga anak ni Jacob, sa anumang ibinigay kina Moises at Jesus, at sa mga propeta sa kalahatan na mga kasulatan at mga himala mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa pagitan nila para sumampalataya sa iba at tumangging sumampalataya sa iba pa. Kami ay mga nagpapaakay kay Allāh lamang, na mga sumusuko sa Kanya – pagkataas-taas Siya."
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَمَن يَبۡتَغِ غَيۡرَ ٱلۡإِسۡلَٰمِ دِينٗا فَلَن يُقۡبَلَ مِنۡهُ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Ang sinumang naghahanap ng isang relihiyong iba pa sa relihiyong kinalugdan ni Allāh, ang relihiyong Islām, ay hindi tatanggap si Allāh niyon mula sa kanya. Siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi para sa mga sarili nila dahil sa pagpasok nila sa Apoy.
Ibisobanuro by'icyarabu:
كَيۡفَ يَهۡدِي ٱللَّهُ قَوۡمٗا كَفَرُواْ بَعۡدَ إِيمَٰنِهِمۡ وَشَهِدُوٓاْ أَنَّ ٱلرَّسُولَ حَقّٞ وَجَآءَهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Papaanong magtutuon si Allāh sa pananampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya sa mga taong tumangging sumampalataya matapos ng pananampalataya nila kay Allāh at pagsaksi nila na ang inihatid ng Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay totoo at dumating sa kanila ang mga patotoong maliwanag sa katumpakan niyon? Si Allāh ay hindi nagtutuon sa pananampalataya sa Kanya sa mga taong tagalabag sa katarungan, na mga pumili sa pagkaligaw sa halip ng patnubay.
Ibisobanuro by'icyarabu:
أُوْلَٰٓئِكَ جَزَآؤُهُمۡ أَنَّ عَلَيۡهِمۡ لَعۡنَةَ ٱللَّهِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ
Tunay na ang ganti sa mga tagalabag sa katarungan na iyon, na mga pumili sa kabulaanan, ay na sa kanila ang sumpa ni Allāh, ng mga anghel, at ng mga tao nang magkakasama sapagkat sila ay mga ilalayo sa awa ni Allāh, mga itataboy,
Ibisobanuro by'icyarabu:
خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ
bilang mga mananatili sa Apoy; hindi sila makalalabas doon. Hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa roon ni sila ay ipagpapaliban upang magbalik-loob sila at makapagdahilan sila.
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ وَأَصۡلَحُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
Maliban sa mga bumalik kay Allāh matapos ng kawalang-pananampalataya nila at kawalang-katarungan nila at nagsaayos sa gawain nila sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بَعۡدَ إِيمَٰنِهِمۡ ثُمَّ ٱزۡدَادُواْ كُفۡرٗا لَّن تُقۡبَلَ تَوۡبَتُهُمۡ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلضَّآلُّونَ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila at nagpatuloy sa kawalang-pananampalataya nila hanggang sa natanaw nila ang kamatayan, hindi tatanggapin mula sa kanila ang pagbabalik-loob sa sandali ng pagdating ng kamatayan dahil sa pagkawala ng oras nito. Ang mga iyon ay ang mga naliligaw palayo sa landasing tuwid na nagpaparating tungo kay Allāh – pagkataas-taas Siya.
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَمَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٞ فَلَن يُقۡبَلَ مِنۡ أَحَدِهِم مِّلۡءُ ٱلۡأَرۡضِ ذَهَبٗا وَلَوِ ٱفۡتَدَىٰ بِهِۦٓۗ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay sa kawalang-pananampalataya nila ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila ang kasimbigat ng Mundo na ginto at kahit pa man magkaloob siya nito kapalit ng pagkaalpas niya mula sa Apoy. Ang mga iyon ay ang mga may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya sa Araw ng Pagbangon, na magsasanggalang sa kanila sa pagdurusa.
Ibisobanuro by'icyarabu:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• يجب الإيمان بجميع الأنبياء الذين أرسلهم الله تعالى، وجميع ما أنزل عليهم من الكتب، دون تفريق بينهم.
Kinakailangan ang pananampalataya sa lahat ng mga propetang isinugo ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at lahat ng pinababa sa kanila na mga kasulatan nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila.

• لا يقبل الله تعالى من أحد دينًا أيًّا كان بعد بعثة النبي محمد صلى الله عليه وسلم إلا الإسلام الذي جاء به.
Hindi tumatanggap si Allāh – pagkataas-taas Siya – mula sa isa ng isang relihiyon maging anuman ito matapos ng pagpapadala kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – maliban sa Islām na inihatid niya.

• مَنْ أصر على الضلال، واستمر عليه، فقد يعاقبه الله بعدم توفيقه إلى التوبة والهداية.
Ang sinumang nagpumilit sa pagkaligaw at nagpatuloy rito ay maaaring parusahan ni Allāh sa pamamagitan ng hindi pagtutuon sa kanya sa pagbabalik-loob at kapatnubayan.

• باب التوبة مفتوح للعبد ما لم يحضره الموت، أو تشرق الشمس من مغربها، فعندئذ لا تُقْبل منه التوبة.
Ang pintuan ng pagbabalik-loob ay nakabukas para sa tao hanggat hindi dumating sa kanya ang kamatayan o sumikat ang araw mula sa kanluran nito sapagkat sa sandaling iyon ay hindi tatanggapin mula sa kanya ang pagbabalik-loob.

• لا ينجي المرء يوم القيامة من عذاب النار إلا عمله الصالح، وأما المال فلو كان ملء الأرض لم ينفعه شيئًا.
Walang magliligtas sa tao sa Araw ng Pagbangon mula sa pagdurusa sa Impiyerno kundi ang gawa niyang maayos. Tungkol naman sa yaman, kahit pa man ito ay kasukat ng Mundo ay hindi ito magpapakinabang sa kanya ng anuman.

 
Ibisobanuro by'amagambo Isura: Al Im’ran
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu. - Ishakiro ry'ibisobanuro

Yasohowe n'ikigo Tafsir of Quranic Studies.

Gufunga