Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - ibisobanuro byabafilipine muncamake yibisobanuro bya Qoraan ntagatifu * - Ishakiro ry'ibisobanuro


Ibisobanuro by'amagambo Umurongo: (145) Isura: Al An’am (Amatungo)
قُل لَّآ أَجِدُ فِي مَآ أُوحِيَ إِلَيَّ مُحَرَّمًا عَلَىٰ طَاعِمٖ يَطۡعَمُهُۥٓ إِلَّآ أَن يَكُونَ مَيۡتَةً أَوۡ دَمٗا مَّسۡفُوحًا أَوۡ لَحۡمَ خِنزِيرٖ فَإِنَّهُۥ رِجۡسٌ أَوۡ فِسۡقًا أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۚ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَإِنَّ رَبَّكَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi ni Allāh sa akin ng isang bagay na ipinagbabawal maliban sa namatay nang walang pagkakatay o dugong dumadaloy o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaang ipinagbabawal o ito ay kabilang sa kinatay sa hindi pangalan ni Allāh gaya ng kinatay para sa mga anito nila. Ngunit ang sinumang napilit ng pangangailangan sa pagkain ng mga ipinagbabawal na ito dahil sa tindi ng gutom nang hindi naghahangad ng pagpapasarap sa pagkain nito, hindi lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, ay walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Mapagpatawad sa napipilitan kahit nakakain mula sa mga ito, Maawain sa kanya."
Ibisobanuro by'icyarabu:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• في الآيات دليل على إثبات المناظرة في مسائل العلم، وإثبات القول بالنظر والقياس.
Sa mga talatang ito ng Qur'ān ay may patunay sa pagpapatibay sa pakikipagtalakayan kaugnay sa mga usapin ng kaalaman at pagpapatibay sa paniniwala sa pagmamasid at paghahambing.

• الوحي وما يستنبط منه هو الطريق لمعرفة الحلال والحرام.
Ang pagkakasi [ni Allāh] at ang anumang nahihinuha mula rito ay ang daan sa pagkilala sa ipinahihintulot at ipinagbabawal.

• إن من الظلم أن يُقْدِم أحد على الإفتاء في الدين ما لم يكن قد غلب على ظنه أنه يفتي بالصواب الذي يرضي الله.
Tunay na bahagi ng kawalang-katarungan na mangahas ang isang tao sa paghahatol kaugnay sa relihiyon ng [opinyong] hindi nga nanaig sa palagay niya na siya ay naghahatol ng tumpak na nagpapalugod kay Allāh.

• من رحمة الله بعباده الإذن لهم في تناول المحرمات عند الاضطرار.
Bahagi ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya ang pagpapahintulot para sa kanila sa paggamit ng mga ipinagbabawal sa sandali ng matinding pangangailangan.

 
Ibisobanuro by'amagambo Umurongo: (145) Isura: Al An’am (Amatungo)
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - ibisobanuro byabafilipine muncamake yibisobanuro bya Qoraan ntagatifu - Ishakiro ry'ibisobanuro

ibisobanuro byabafilipine kuncamake kubisobanuro bya Qoraan ntagatifu bifite inkomoko kukigo gishinzwe amasomo ya Qoraan

Gufunga