Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - ibisobanuro byabafilipine muncamake yibisobanuro bya Qoraan ntagatifu * - Ishakiro ry'ibisobanuro


Ibisobanuro by'amagambo Umurongo: (160) Isura: Al An’am (Amatungo)
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ عَشۡرُ أَمۡثَالِهَاۖ وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَلَا يُجۡزَىٰٓ إِلَّا مِثۡلَهَا وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Ang sinumang naghatid sa Araw ng Pagbangon ng isang gawang maganda kabilang sa mga mananampalataya ay pag-iibayuhin ito ni Allāh para sa kanya na maging sampung magandang gawa. Ang sinumang naghatid ng isang gawang masagwa ay hindi siya parurusahan maliban ng tulad nito sa gaan at bigat, hindi higit kaysa rito. Sila, sa Araw ng Pagbangon, ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa gantimpala sa mga magandang gawa ni ng pagdagdag sa parusa sa mga masagwang gawa.
Ibisobanuro by'icyarabu:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• أن الدين يأمر بالاجتماع والائتلاف، وينهى عن التفرق والاختلاف.
Tunay na ang Islām ay nag-uutos ng pagkakaisa at pagkakabuklod at sumasaway sa pagkakahati-hati at pagkakaiba-iba.

• من تمام عدله تعالى وإحسانه أنه يجازي بالسيئة مثلها، وبالحسنة عشرة أمثالها، وهذا أقل ما يكون من التضعيف.
Bahagi ng kalubusan ng katarungan Niya – pagkataas-taas Siya – at paggawa Niya ng maganda ay na Siya ay gumaganti sa masagwang gawa ng tulad nito at sa magandang gawa ng sampung tulad nito. Ito ay ang pinakakaunting nangyayaring pag-iibayo.

• الدين الحق القَيِّم يتطَلب تسخير كل أعمال العبد واهتماماته لله عز وجل، فله وحده يتوجه العبد بصلاته وعبادته ومناسكه وذبائحه وجميع قرباته وأعماله في حياته وما أوصى به بعد وفاته.
Ang relihiyong totoong matuwid ay humihiling ng pagpapasilbi ng lahat ng mga gawain ng tao at mga pinahahalagahan nito para kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan Siya – sapagkat [dapat] sa Kanya lamang nagtutuon ang tao ng dasal nito, pagsamba nito, mga gawaing panrelihiyon nito, mga alay nito, lahat ng mga pampalapit-loob nito at mga gawain nito sa buhay nito, at anumang inihabilin nito matapos ng pagyao nito.

 
Ibisobanuro by'amagambo Umurongo: (160) Isura: Al An’am (Amatungo)
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - ibisobanuro byabafilipine muncamake yibisobanuro bya Qoraan ntagatifu - Ishakiro ry'ibisobanuro

ibisobanuro byabafilipine kuncamake kubisobanuro bya Qoraan ntagatifu bifite inkomoko kukigo gishinzwe amasomo ya Qoraan

Gufunga