Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - ibisobanuro byabafilipine muncamake yibisobanuro bya Qoraan ntagatifu * - Ishakiro ry'ibisobanuro


Ibisobanuro by'amagambo Umurongo: (21) Isura: Al An’am (Amatungo)
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Walang isang higit na sukdulan sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang nag-ugnay kay Allāh ng isang katambal saka sumamba rito kasama sa Kanya o nagpasinungaling sa mga tanda Niya na pinababa Niya sa Sugo Niya. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal kay Allāh at ng pagpapasinungaling sa mga tanda Niya ay hindi magtatamo [ng tagumpay] magpakailanman kapag sila ay hindi nagbalik-loob.
Ibisobanuro by'icyarabu:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• بيان الحكمة في إرسال النبي عليه الصلاة والسلام بالقرآن، من أجل البلاغ والبيان، وأعظم ذلك الدعوة لتوحيد الله.
Ang paglilinaw sa kasanhian ng pagsusugo sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – dala ang Qur'ān alang-alang sa pagpapaabot at paglilinaw. Ang pinakasukdulan doon ay ang pag-aanyaya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.

• نفي الشريك عن الله تعالى، ودحض افتراءات المشركين في هذا الخصوص.
Ang pagkakaila ng katambal kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagpapabula sa mga gawa-gawang paninira ng mga tagapagtambal kaugnay sa usaping ito.

• بيان معرفة اليهود والنصارى للنبي عليه الصلاة والسلام، برغم جحودهم وكفرهم.
Ang paglilinaw sa pagkakilala ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – sa kabila ng pagtanggi nila at kawalang-pananampalataya nila.

 
Ibisobanuro by'amagambo Umurongo: (21) Isura: Al An’am (Amatungo)
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - ibisobanuro byabafilipine muncamake yibisobanuro bya Qoraan ntagatifu - Ishakiro ry'ibisobanuro

ibisobanuro byabafilipine kuncamake kubisobanuro bya Qoraan ntagatifu bifite inkomoko kukigo gishinzwe amasomo ya Qoraan

Gufunga