Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - ibisobanuro byabafilipine muncamake yibisobanuro bya Qoraan ntagatifu * - Ishakiro ry'ibisobanuro


Ibisobanuro by'amagambo Umurongo: (54) Isura: Al A’araf
إِنَّ رَبَّكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ يُغۡشِي ٱلَّيۡلَ ٱلنَّهَارَ يَطۡلُبُهُۥ حَثِيثٗا وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ وَٱلنُّجُومَ مُسَخَّرَٰتِۭ بِأَمۡرِهِۦٓۗ أَلَا لَهُ ٱلۡخَلۡقُ وَٱلۡأَمۡرُۗ تَبَارَكَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa ayon sa walang naunang pagkakatulad sa anim na araw. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan sa Kanya, na hindi tayo nakatatalos sa pamamaraan nito. Nag-aalis Siya ng dilim ng gabi sa pamamagitan ng tanglaw ng maghapon at [nag-aalis] ng tanglaw ng maghapon sa pamamagitan ng dilim ng gabi. Ang bawat isa sa dalawang ito ay humahabol sa isa pa, sa isang mabilis na paghabol yayamang hindi nagpapahuli. Kaya kapag umalis itong isa ay pumapasok yaong isa. Nilikha Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ang araw, ang buwan, at ang mga bituin bilang mga sunud-sunuran at mga nakalaan. Pansinin, sa kay Allāh lamang ang paglikha sa kabuuan nito sapagkat sino ang Tagapaglikhang iba pa sa Kanya at sa Kanya ang pag-uutos – tanging sa Kanya. Sumidhi ang kabutihan Niya at dumami ang paggawa Niya ng maganda sapagkat Siya ay ang nailalarawan sa mga katangian ng pagkapinagpipitaganan at kalubusan, ang Panginoon ng mga nilalang.
Ibisobanuro by'icyarabu:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• القرآن الكريم كتاب هداية فيه تفصيل ما تحتاج إليه البشرية، رحمة من الله وهداية لمن أقبل عليه بقلب صادق.
Ang Marangal na Qur'ān ay isang aklat ng kapatnubayan na sa loob nito ay may pagdedetalye sa kinakailangan ng sangkatauhan bilang awa mula kay Allāh at kapatnubayan para sa sinumang dumulog dito nang may pusong tapat.

• خلق الله السماوات والأرض في ستة أيام لحكمة أرادها سبحانه، ولو شاء لقال لها: كوني فكانت.
Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa sa anim na araw dahil sa isang kasanhiang ninais Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang nagsabi Siya rito: "Mangyari," at mangyayari ito.

• يتعين على المؤمنين دعاء الله تعالى بكل خشوع وتضرع حتى يستجيب لهم بفضله.
Kinakailangan sa mga mananampalataya ang pagdalangin kay Allāh – pagkataas-taas Siya – nang buong pagpapakumbaba at kataimtiman upang tumugon Siya ng kabutihang-loob Niya.

• الفساد في الأرض بكل صوره وأشكاله منهيٌّ عنه.
Ang kaguluhan sa lupa sa lahat ng mga anyo nito at mga hugis nito ay ibinabawal.

 
Ibisobanuro by'amagambo Umurongo: (54) Isura: Al A’araf
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - ibisobanuro byabafilipine muncamake yibisobanuro bya Qoraan ntagatifu - Ishakiro ry'ibisobanuro

ibisobanuro byabafilipine kuncamake kubisobanuro bya Qoraan ntagatifu bifite inkomoko kukigo gishinzwe amasomo ya Qoraan

Gufunga