Check out the new design

Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. * - Ishakiro ry'ibisobanuro

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Ibisobanuro by'amagambo Isura: Ar’aadu   Umurongo:

Ar-Ra‘d

الٓمٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِۗ وَٱلَّذِيٓ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ ٱلۡحَقُّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ
Alif. Lām. Mīm. Rā’.[1] Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat. Ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang katotohanan, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
Ibisobanuro by'icyarabu:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي رَفَعَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ بِغَيۡرِ عَمَدٖ تَرَوۡنَهَاۖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِي لِأَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَ يُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُم بِلِقَآءِ رَبِّكُمۡ تُوقِنُونَ
Si Allāh ang nag-angat ng mga langit nang walang mga haligi na nakikita ninyo. Pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Pinagsilbi Niya ang araw at ang buwan; bawat isa ay umiinog para sa isang taning na tinukoy. Nangangasiwa Siya ng nauukol. Nagdedetalye Siya ng mga tanda nang sa gayon kayo sa pakikipagkita sa Panginoon ninyo ay nakatitiyak.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَهُوَ ٱلَّذِي مَدَّ ٱلۡأَرۡضَ وَجَعَلَ فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۡهَٰرٗاۖ وَمِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ جَعَلَ فِيهَا زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِۖ يُغۡشِي ٱلَّيۡلَ ٱلنَّهَارَۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Siya ang bumanat ng lupa at naglagay rito ng mga matatag na bundok at mga ilog. Mula sa lahat ng mga bunga ay gumawa Siya sa mga ito ng dalawang magkapares. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَفِي ٱلۡأَرۡضِ قِطَعٞ مُّتَجَٰوِرَٰتٞ وَجَنَّٰتٞ مِّنۡ أَعۡنَٰبٖ وَزَرۡعٞ وَنَخِيلٞ صِنۡوَانٞ وَغَيۡرُ صِنۡوَانٖ يُسۡقَىٰ بِمَآءٖ وَٰحِدٖ وَنُفَضِّلُ بَعۡضَهَا عَلَىٰ بَعۡضٖ فِي ٱلۡأُكُلِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Sa lupa ay may mga lote na nagkakatabihan, mga hardin ng mga ubas, pananim, at mga punong datiles na magkakumpol o hindi magkakumpol, na dinidilig ng nag-iisang tubig. Nagtangi Kami sa iba sa mga ito higit sa iba sa bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.
Ibisobanuro by'icyarabu:
۞ وَإِن تَعۡجَبۡ فَعَجَبٞ قَوۡلُهُمۡ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبًا أَءِنَّا لَفِي خَلۡقٖ جَدِيدٍۗ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ ٱلۡأَغۡلَٰلُ فِيٓ أَعۡنَاقِهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Kung magtataka ka ay kataka-taka ang sabi nila: “Kapag kami ba ay naging alabok, tunay na kami ba ay talagang nasa isang pagkakalikhang bago?” Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay ang [lalagyan ng] mga kulyar sa mga leeg nila. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mananatili.
Ibisobanuro by'icyarabu:
 
Ibisobanuro by'amagambo Isura: Ar’aadu
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. - Ishakiro ry'ibisobanuro

Yasobanuwe n'itsinda ry'ikigo Rowad cy'ubusobanuzi ku bufatanye n'ishyirahamwe ryo kwamamaza idini rya Rabwa n'ishyirahamwe ryo gutanga serivisi z'ibikubiyemo idini mu ndimi zitandukanye.

Gufunga