Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro mu gifiripine (tagalog) * - Ishakiro ry'ibisobanuro

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Ibisobanuro by'amagambo Isura: Al Qaswasw (Inkuru)   Umurongo:

Al-Qasas

طسٓمٓ
Tā’. Sīn. Mīm.[393]
[393] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
Ibisobanuro by'icyarabu:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat[394] na malinaw.
[394] Ibig sabihin: ang Qur’an.
Ibisobanuro by'icyarabu:
نَتۡلُواْ عَلَيۡكَ مِن نَّبَإِ مُوسَىٰ وَفِرۡعَوۡنَ بِٱلۡحَقِّ لِقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Bumibigkas Kami sa iyo mula sa balita kay Moises at kay Paraon ayon sa katotohanan para sa mga taong sumasampalataya.
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِنَّ فِرۡعَوۡنَ عَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَجَعَلَ أَهۡلَهَا شِيَعٗا يَسۡتَضۡعِفُ طَآئِفَةٗ مِّنۡهُمۡ يُذَبِّحُ أَبۡنَآءَهُمۡ وَيَسۡتَحۡيِۦ نِسَآءَهُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Tunay na si Paraon ay nagmataas sa lupain at gumawa sa mga naninirahan doon bilang mga kampihan habang naniniil sa isang pangkatin[395] kabilang sa kanila: pinagkakatay niya ang mga lalaking anak nila at pinamumuhay niya ang mga babae nila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo.
[395] Ibig sabihin: ang mga anak ni Israel.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَنُرِيدُ أَن نَّمُنَّ عَلَى ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَنَجۡعَلَهُمۡ أَئِمَّةٗ وَنَجۡعَلَهُمُ ٱلۡوَٰرِثِينَ
Nagnanais Kami na magmagandang-loob Kami sa mga siniil sa lupain,[396] gumawa Kami sa kanila na mga pasimuno, gumawa Kami sa kanila na mga tagapagmana,
[396] Ang mga siniil ay ang mga anak ni Israel.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَنُمَكِّنَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَنُرِيَ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا مِنۡهُم مَّا كَانُواْ يَحۡذَرُونَ
[Nagnanais Kami na] magbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupain at magpakita Kami kay Paraon, kay Hāmān, at sa mga kawal nilang dalawa kabilang sa kanila ng pinangingilagan nila noon.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَرۡضِعِيهِۖ فَإِذَا خِفۡتِ عَلَيۡهِ فَأَلۡقِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ وَلَا تَخَافِي وَلَا تَحۡزَنِيٓۖ إِنَّا رَآدُّوهُ إِلَيۡكِ وَجَاعِلُوهُ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagkasi Kami sa ina ni Moises, na [nagsasabi]: “Magpasuso ka sa kanya; ngunit kapag nangamba ka para sa kanya ay itapon mo siya sa ilog at huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na Kami ay magsasauli sa kanya sa iyo at gagawa sa kanya kabilang sa mga isinugo.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَٱلۡتَقَطَهُۥٓ ءَالُ فِرۡعَوۡنَ لِيَكُونَ لَهُمۡ عَدُوّٗا وَحَزَنًاۗ إِنَّ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا كَانُواْ خَٰطِـِٔينَ
Kaya napulot siya [sa ilog] ng mag-anak ni Paraon upang siya para sa kanila ay maging isang kaaway at isang kalungkutan. Tunay na si Paraon, si Hāmān, at ang mga kawal nilang dalawa ay mga nagkakamali noon.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقَالَتِ ٱمۡرَأَتُ فِرۡعَوۡنَ قُرَّتُ عَيۡنٖ لِّي وَلَكَۖ لَا تَقۡتُلُوهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوۡ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagsabi ang maybahay ni Paraon: “Isang ginhawa ng mata para sa akin at para sa iyo, huwag ninyo siyang patayin; marahil magpakinabang siya sa atin o magturing tayo sa kanya bilang anak,” habang sila ay hindi nakararamdam.[397]
[397] sa kauuwian ng paghahari nila sa kamay niya.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَأَصۡبَحَ فُؤَادُ أُمِّ مُوسَىٰ فَٰرِغًاۖ إِن كَادَتۡ لَتُبۡدِي بِهِۦ لَوۡلَآ أَن رَّبَطۡنَا عَلَىٰ قَلۡبِهَا لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Ang puso ng ina ni Moises ay naging hungkag.[398] Tunay na muntik talagang maglantad ito sa kanya[399] kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalataya.
[398] sa lahat ng alalahanin maliban kay Moises
[399] na siya ay anak nito
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقَالَتۡ لِأُخۡتِهِۦ قُصِّيهِۖ فَبَصُرَتۡ بِهِۦ عَن جُنُبٖ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagsabi ito sa babaing kapatid niya: “Magsubaybay ka sa kanya.” Kaya nakakita iyon sa kanya mula sa malayo habang sila ay hindi nakararamdam.
Ibisobanuro by'icyarabu:
۞ وَحَرَّمۡنَا عَلَيۡهِ ٱلۡمَرَاضِعَ مِن قَبۡلُ فَقَالَتۡ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰٓ أَهۡلِ بَيۡتٖ يَكۡفُلُونَهُۥ لَكُمۡ وَهُمۡ لَهُۥ نَٰصِحُونَ
Nagbawal Kami sa kanya ng [ibang] mga tagapasuso bago pa niyan, kaya nagsabi [ang kapatid niyang] iyon: “Magtuturo po kaya ako sa inyo ng isang bahay na kakandili sa kanya para sa inyo habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَرَدَدۡنَٰهُ إِلَىٰٓ أُمِّهِۦ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَ وَلِتَعۡلَمَ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Kaya nagsauli Kami sa kanya sa ina niya upang guminhawa ang mata nito at hindi ito malungkot at upang makaalam ito na ang pangako ni Allāh ay totoo, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَٱسۡتَوَىٰٓ ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Noong umabot [si Moises] sa katindihan niya at nalubos siya sa pag-iisip, nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَدَخَلَ ٱلۡمَدِينَةَ عَلَىٰ حِينِ غَفۡلَةٖ مِّنۡ أَهۡلِهَا فَوَجَدَ فِيهَا رَجُلَيۡنِ يَقۡتَتِلَانِ هَٰذَا مِن شِيعَتِهِۦ وَهَٰذَا مِنۡ عَدُوِّهِۦۖ فَٱسۡتَغَٰثَهُ ٱلَّذِي مِن شِيعَتِهِۦ عَلَى ٱلَّذِي مِنۡ عَدُوِّهِۦ فَوَكَزَهُۥ مُوسَىٰ فَقَضَىٰ عَلَيۡهِۖ قَالَ هَٰذَا مِنۡ عَمَلِ ٱلشَّيۡطَٰنِۖ إِنَّهُۥ عَدُوّٞ مُّضِلّٞ مُّبِينٞ
Pumasok siya [isang araw] sa lungsod sa isang sandali ng pagkalingat ng mga naninirahan doon saka nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aaway. Itong [una] ay kabilang sa kakampi niya at itong [ikalawa] ay kabilang sa kaaway niya. Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa kabilang sa kaaway niya. Kaya binuntal ito ni Moises saka napaslang niya ito. Nagsabi siya: “Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo; tunay na siya ay isang kaaway na tagapagligaw na malinaw.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ رَبِّ إِنِّي ظَلَمۡتُ نَفۡسِي فَٱغۡفِرۡ لِي فَغَفَرَ لَهُۥٓۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Nagsabi [si Moises]: “Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin.” Kaya nagpatawad Siya rito. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ فَلَنۡ أَكُونَ ظَهِيرٗا لِّلۡمُجۡرِمِينَ
Nagsabi siya: “Panginoon ko, dahil sa ibiniyaya Mo sa akin, hindi ako magiging isang mapagtaguyod para sa mga salarin.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَأَصۡبَحَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا ٱلَّذِي ٱسۡتَنصَرَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَسۡتَصۡرِخُهُۥۚ قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰٓ إِنَّكَ لَغَوِيّٞ مُّبِينٞ
Kaya siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay, saka biglang ang nagpaadya sa kanya kahapon ay nagpapasalba na naman sa kanya. Nagsabi sa kanya si Moises: “Tunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَلَمَّآ أَنۡ أَرَادَ أَن يَبۡطِشَ بِٱلَّذِي هُوَ عَدُوّٞ لَّهُمَا قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ أَتُرِيدُ أَن تَقۡتُلَنِي كَمَا قَتَلۡتَ نَفۡسَۢا بِٱلۡأَمۡسِۖ إِن تُرِيدُ إِلَّآ أَن تَكُونَ جَبَّارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا تُرِيدُ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلۡمُصۡلِحِينَ
Kaya noong nagnais siya na sumunggab sa isang kaaway para sa kanilang dalawa ay nagsabi iyon: “O Moises, nagnanais ka ba na pumatay sa akin gaya ng pagpatay mo ng isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi ikaw ay maging isang palasupil sa lupain at hindi ka nagnanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَجَآءَ رَجُلٞ مِّنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّ ٱلۡمَلَأَ يَأۡتَمِرُونَ بِكَ لِيَقۡتُلُوكَ فَٱخۡرُجۡ إِنِّي لَكَ مِنَ ٱلنَّٰصِحِينَ
May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: “O Moises, tunay ang konseho [ng mga tao ni Paraon] ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapagpayo.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَخَرَجَ مِنۡهَا خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُۖ قَالَ رَبِّ نَجِّنِي مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya lumisan siya mula roon habang kinakabahang nag-aantabay. Nagsabi siya: “Panginoon ko, iligtas Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَمَّا تَوَجَّهَ تِلۡقَآءَ مَدۡيَنَ قَالَ عَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يَهۡدِيَنِي سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
Noong nakadako siya sa bandang Madyan ay nagsabi [si Moises]: “Marahil ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin sa katumpakan ng landas.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَمَّا وَرَدَ مَآءَ مَدۡيَنَ وَجَدَ عَلَيۡهِ أُمَّةٗ مِّنَ ٱلنَّاسِ يَسۡقُونَ وَوَجَدَ مِن دُونِهِمُ ٱمۡرَأَتَيۡنِ تَذُودَانِۖ قَالَ مَا خَطۡبُكُمَاۖ قَالَتَا لَا نَسۡقِي حَتَّىٰ يُصۡدِرَ ٱلرِّعَآءُۖ وَأَبُونَا شَيۡخٞ كَبِيرٞ
Noong nakarating siya sa tubigan ng Madyan, nakatagpo siya roon ng isang kalipunan ng mga tao na nagpapainom [ng kawan] at nakatagpo siya bukod pa sa kanila ng dalawang babaing pumipigil [sa kawan]. Nagsabi [si Moises]: “Ano ang lagay ninyong dalawa?” Nagsabi silang dalawa: “Hindi kami nagpapainom [ng kawan] hanggang sa magpaalis ang mga pastol [ng kawan nila]. Ang ama namin ay lubhang matanda.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَسَقَىٰ لَهُمَا ثُمَّ تَوَلَّىٰٓ إِلَى ٱلظِّلِّ فَقَالَ رَبِّ إِنِّي لِمَآ أَنزَلۡتَ إِلَيَّ مِنۡ خَيۡرٖ فَقِيرٞ
Kaya nagpainom [si Moises sa kawan] para sa kanilang dalawa. Pagkatapos tumalikod siya patungo sa lilim saka nagsabi: “Panginoon ko, tunay na ako, sa pinababa Mo sa akin na anumang biyaya, ay maralita.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَجَآءَتۡهُ إِحۡدَىٰهُمَا تَمۡشِي عَلَى ٱسۡتِحۡيَآءٖ قَالَتۡ إِنَّ أَبِي يَدۡعُوكَ لِيَجۡزِيَكَ أَجۡرَ مَا سَقَيۡتَ لَنَاۚ فَلَمَّا جَآءَهُۥ وَقَصَّ عَلَيۡهِ ٱلۡقَصَصَ قَالَ لَا تَخَفۡۖ نَجَوۡتَ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Saka dumating sa kanya ang isa sa dalawang babae, na naglalakad nang mahiyain. Nagsabi ito: “Tunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo upang gumanti siya sa iyo ng pabuya sa pagpainom mo [sa kawan namin] para sa amin.” Kaya noong dumating siya roon at nagsalaysay siya roon ng mga kasaysayan [niya], nagsabi iyon: “Huwag kang mangamba; naligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا يَٰٓأَبَتِ ٱسۡتَـٔۡجِرۡهُۖ إِنَّ خَيۡرَ مَنِ ٱسۡتَـٔۡجَرۡتَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡأَمِينُ
Nagsabi ang isa sa dalawang babae: “O Ama ko, upahan mo siya; tunay na ang pinakamabuti na sinumang upahan mo ay ang malakas na mapagkakatiwalaan.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ إِنِّيٓ أُرِيدُ أَنۡ أُنكِحَكَ إِحۡدَى ٱبۡنَتَيَّ هَٰتَيۡنِ عَلَىٰٓ أَن تَأۡجُرَنِي ثَمَٰنِيَ حِجَجٖۖ فَإِنۡ أَتۡمَمۡتَ عَشۡرٗا فَمِنۡ عِندِكَۖ وَمَآ أُرِيدُ أَنۡ أَشُقَّ عَلَيۡكَۚ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Nagsabi iyon: “Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal ko sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong magpaupa ka sa akin nang walong taon, ngunit kung lulubusin mo sa sampung [taon] ay nasa ganang iyo. Hindi ako nagnanais na magpabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ ذَٰلِكَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَۖ أَيَّمَا ٱلۡأَجَلَيۡنِ قَضَيۡتُ فَلَا عُدۡوَٰنَ عَلَيَّۖ وَٱللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٞ
Nagsabi [si Moises]: “Iyon ay [kasunduan] sa pagitan ko at sa pagitan mo. Alin man sa dalawang taning na matatapos ko ay walang paglabag sa akin. Si Allāh sa anumang sinasabi natin ay Pinananaligan.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
۞ فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى ٱلۡأَجَلَ وَسَارَ بِأَهۡلِهِۦٓ ءَانَسَ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ نَارٗاۖ قَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ جَذۡوَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ لَعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ
Kaya noong natapos ni Moises ang taning at humayo siya dala kasama ng mag-anak niya, nakatanaw siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: “Manatili kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang ulat o isang baga mula sa apoy nang harinawa kayo ay makapagpapainit.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ مِن شَٰطِيِٕ ٱلۡوَادِ ٱلۡأَيۡمَنِ فِي ٱلۡبُقۡعَةِ ٱلۡمُبَٰرَكَةِ مِنَ ٱلشَّجَرَةِ أَن يَٰمُوسَىٰٓ إِنِّيٓ أَنَا ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya noong nakapunta siya roon, tinawag siya mula sa kanang pangpang ng lambak, sa pook na pinagpala, mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: “O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَأَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنّٞ وَلَّىٰ مُدۡبِرٗا وَلَمۡ يُعَقِّبۡۚ يَٰمُوسَىٰٓ أَقۡبِلۡ وَلَا تَخَفۡۖ إِنَّكَ مِنَ ٱلۡأٓمِنِينَ
Pumukol ka ng tungkod mo.” Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang lumilisan at hindi lumingon. [Sinabi]: “O Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay.
Ibisobanuro by'icyarabu:
ٱسۡلُكۡ يَدَكَ فِي جَيۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٖ وَٱضۡمُمۡ إِلَيۡكَ جَنَاحَكَ مِنَ ٱلرَّهۡبِۖ فَذَٰنِكَ بُرۡهَٰنَانِ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Isingit mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang kasagwaan [ng ketong]. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa kilabot. Kaya ang dalawang iyon ay dalawang patotoo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa konseho nito. Tunay na sila noon ay mga taong suwail.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ رَبِّ إِنِّي قَتَلۡتُ مِنۡهُمۡ نَفۡسٗا فَأَخَافُ أَن يَقۡتُلُونِ
Nagsabi [si Moises]: “Panginoon ko, tunay na ako ay nakapatay mula sa kanila ng isang tao kaya nangangamba ako na patayin nila ako.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَأَخِي هَٰرُونُ هُوَ أَفۡصَحُ مِنِّي لِسَانٗا فَأَرۡسِلۡهُ مَعِيَ رِدۡءٗا يُصَدِّقُنِيٓۖ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ
Ang kapatid ko na si Aaron ay higit na matatas kaysa sa akin sa dila, kaya isugo Mo siya kasama sa akin bilang alalay na magpapatotoo sa akin. Tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ سَنَشُدُّ عَضُدَكَ بِأَخِيكَ وَنَجۡعَلُ لَكُمَا سُلۡطَٰنٗا فَلَا يَصِلُونَ إِلَيۡكُمَا بِـَٔايَٰتِنَآۚ أَنتُمَا وَمَنِ ٱتَّبَعَكُمَا ٱلۡغَٰلِبُونَ
Nagsabi Siya: “Magpapalakas Kami sa bisig mo sa pamamagitan ng kapatid mo at maglalagay Kami para sa inyong dalawa ng isang pangingibabaw kaya hindi sila makapagpapaaabot sa inyong dalawa [ng pinsala]. Dahil sa mga tanda Namin, kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyo ay ang mga tagapanaig.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَلَمَّا جَآءَهُم مُّوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا بَيِّنَٰتٖ قَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّفۡتَرٗى وَمَا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِيٓ ءَابَآئِنَا ٱلۡأَوَّلِينَ
Kaya noong naghatid sa kanila si Moises ng mga tanda Namin bilang mga naglilinaw ay nagsabi sila: “Walang iba ito kundi isang panggagaway na ginawa-gawa. Hindi kami nakarinig ng ganito sa mga ninuno naming sinauna.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقَالَ مُوسَىٰ رَبِّيٓ أَعۡلَمُ بِمَن جَآءَ بِٱلۡهُدَىٰ مِنۡ عِندِهِۦ وَمَن تَكُونُ لَهُۥ عَٰقِبَةُ ٱلدَّارِۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Nagsabi si Moises: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay mula sa ganang Kanya at sa sinumang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan [ng Kaginhawahan]. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَأُ مَا عَلِمۡتُ لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرِي فَأَوۡقِدۡ لِي يَٰهَٰمَٰنُ عَلَى ٱلطِّينِ فَٱجۡعَل لِّي صَرۡحٗا لَّعَلِّيٓ أَطَّلِعُ إِلَىٰٓ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُۥ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi si Paraon: “O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang diyos na iba pa sa Akin. Kaya magpaningas ka para sa akin, O Hāmān, sa luwad, at gumawa ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay makapagmasid sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay kabilang sa mga sinungaling.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَٱسۡتَكۡبَرَ هُوَ وَجُنُودُهُۥ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُمۡ إِلَيۡنَا لَا يُرۡجَعُونَ
Nagmalaki siya at ang mga kawal niya sa lupain nang walang karapatan at nagpalagay sila na sila tungo sa Amin ay hindi pababalikin.
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya dumaklot Kami sa kanya at sa mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَئِمَّةٗ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلنَّارِۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا يُنصَرُونَ
Gumawa Kami sa kanila bilang mga pasimuno na nag-aanyaya tungo sa Apoy. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَأَتۡبَعۡنَٰهُمۡ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا لَعۡنَةٗۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ هُم مِّنَ ٱلۡمَقۡبُوحِينَ
Pinasundan Namin sila sa Mundong ito ng isang sumpa. Sa araw ng Pagbangon, sila ay kabilang sa mga pandidirihan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ مِنۢ بَعۡدِ مَآ أَهۡلَكۡنَا ٱلۡقُرُونَ ٱلۡأُولَىٰ بَصَآئِرَ لِلنَّاسِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan matapos na nagpahamak Kami sa mga sinaunang salinlahi bilang mga pagpapatalos para sa mga tao, bilang patnubay, at bilang awa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلۡغَرۡبِيِّ إِذۡ قَضَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَى ٱلۡأَمۡرَ وَمَا كُنتَ مِنَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Hindi ka noon nasa gilid ng kanluraning bahagi [ng bundok] noong nagtadhana Kami kay Moises ng utos at hindi ka noon kabilang sa mga saksi.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَٰكِنَّآ أَنشَأۡنَا قُرُونٗا فَتَطَاوَلَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡعُمُرُۚ وَمَا كُنتَ ثَاوِيٗا فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ تَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ
Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga salinlahi saka naghabaan sa kanila ang edad. Hindi ka noon nanunuluyan sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin [sa Qur’ān], subalit Kami noon ay tagapagsugo.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلطُّورِ إِذۡ نَادَيۡنَا وَلَٰكِن رَّحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٖ مِّن قَبۡلِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Hindi ka noon nasa gilid ng bundok noong nanawagan Kami [kay Moises] subalit [isinugo ka] bilang awa mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala, bago mo pa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَوۡلَآ أَن تُصِيبَهُم مُّصِيبَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ فَيَقُولُواْ رَبَّنَا لَوۡلَآ أَرۡسَلۡتَ إِلَيۡنَا رَسُولٗا فَنَتَّبِعَ ءَايَٰتِكَ وَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kung hindi dahil na may tumama sa kanila na isang kasawian dahil sa ipinauna ng mga kamay nila para magsabi sila: “Panginoon Namin, bakit hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga talata Mo at kami ay maging kabilang sa mga mananampalataya?”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ مِنۡ عِندِنَا قَالُواْ لَوۡلَآ أُوتِيَ مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ مُوسَىٰٓۚ أَوَلَمۡ يَكۡفُرُواْ بِمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ مِن قَبۡلُۖ قَالُواْ سِحۡرَانِ تَظَٰهَرَا وَقَالُوٓاْ إِنَّا بِكُلّٖ كَٰفِرُونَ
Ngunit noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: “Bakit hindi siya binigyan ng tulad sa ibinigay kay Moises?” Hindi ba sila tumangging sumampalataya sa ibinigay kay Moises bago pa niyan? Nagsabi sila: “[Ang Qur’ān at ang Torah ay] dalawang panggagaway na nagtataguyudan.” Nagsabi sila: “Tunay na kami sa bawat [isa] ay mga tagatangging sumampalataya.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قُلۡ فَأۡتُواْ بِكِتَٰبٖ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ هُوَ أَهۡدَىٰ مِنۡهُمَآ أَتَّبِعۡهُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Sabihin mo: “Kaya magbigay kayo ng isang kasulatan mula sa ganang kay Allāh na higit na mapaggabay kaysa sa dalawang ito, susunod ako roon kung kayo ay mga tapat.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَإِن لَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكَ فَٱعۡلَمۡ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّنِ ٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ بِغَيۡرِ هُدٗى مِّنَ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Ngunit kung hindi sila tumugon sa iyo ay alamin mo na sumusunod lamang sila sa mga pithaya nila. Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh? Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
۞ وَلَقَدۡ وَصَّلۡنَا لَهُمُ ٱلۡقَوۡلَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Talaga ngang nagparating Kami sa kanila ng sinabi, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
Ibisobanuro by'icyarabu:
ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِهِۦ هُم بِهِۦ يُؤۡمِنُونَ
Ang mga binigyan Namin ng kasulatan bago pa nito, sila rito ay sumasampalataya.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَإِذَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِهِۦٓ إِنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّنَآ إِنَّا كُنَّا مِن قَبۡلِهِۦ مُسۡلِمِينَ
Kapag binibigkas ito sa kanila ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami rito. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon Namin. Tunay na kami dati bago pa niyon ay mga tagapagpasakop [kay Allāh].”
Ibisobanuro by'icyarabu:
أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡتَوۡنَ أَجۡرَهُم مَّرَّتَيۡنِ بِمَا صَبَرُواْ وَيَدۡرَءُونَ بِٱلۡحَسَنَةِ ٱلسَّيِّئَةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
Ang mga iyon ay bibigyan ng pabuya nila nang dalawang ulit dahil nagtiis sila at nagtataboy sila sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَإِذَا سَمِعُواْ ٱللَّغۡوَ أَعۡرَضُواْ عَنۡهُ وَقَالُواْ لَنَآ أَعۡمَٰلُنَا وَلَكُمۡ أَعۡمَٰلُكُمۡ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡ لَا نَبۡتَغِي ٱلۡجَٰهِلِينَ
Kapag nakarinig sila ng kabalbalan ay umaayaw sila rito at nagsasabi sila: “Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kapayapaan sa inyo. Hindi kami naghahangad [ng paraan] ng mga mangmang.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِنَّكَ لَا تَهۡدِي مَنۡ أَحۡبَبۡتَ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napapatnubayan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقَالُوٓاْ إِن نَّتَّبِعِ ٱلۡهُدَىٰ مَعَكَ نُتَخَطَّفۡ مِنۡ أَرۡضِنَآۚ أَوَلَمۡ نُمَكِّن لَّهُمۡ حَرَمًا ءَامِنٗا يُجۡبَىٰٓ إِلَيۡهِ ثَمَرَٰتُ كُلِّ شَيۡءٖ رِّزۡقٗا مِّن لَّدُنَّا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Nagsabi sila: “Kung susunod kami sa patnubay kasama sa iyo ay pagtatangayin kami [ng mga kaaway] mula sa lupain namin.” Hindi ba nagbigay-kapangyarihan Kami para sa kanila sa isang pinagbanalang tiwasay na hinahakot doon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin? Subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةِۭ بَطِرَتۡ مَعِيشَتَهَاۖ فَتِلۡكَ مَسَٰكِنُهُمۡ لَمۡ تُسۡكَن مِّنۢ بَعۡدِهِمۡ إِلَّا قَلِيلٗاۖ وَكُنَّا نَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثِينَ
Kay rami ng ipinahamak Namin na pamayanang nagpawalang-pakundangan sa pamumuhay nito, kaya iyon ang mga tirahan nila na hindi tinirahan matapos na nila maliban ng kaunti. Laging Kami ay ang Tagapagmana.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَمَا كَانَ رَبُّكَ مُهۡلِكَ ٱلۡقُرَىٰ حَتَّىٰ يَبۡعَثَ فِيٓ أُمِّهَا رَسُولٗا يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَاۚ وَمَا كُنَّا مُهۡلِكِي ٱلۡقُرَىٰٓ إِلَّا وَأَهۡلُهَا ظَٰلِمُونَ
Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay magpapahamak ng mga pamayanan hanggang sa magpadala Siya sa ina ng mga ito ng isang sugong bibigkas sa kanila ng mga talata Namin [sa Qur’ān]. Hindi nangyaring Kami ay magpapahamak ng mga pamayanan maliban [kung] ang mga naninirahan sa mga iyon ay mga tagalabag sa katarungan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَيۡءٖ فَمَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتُهَاۚ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Ang ibinigay sa inyo na anumang bagay ay isang natatamasa sa buhay na pangmundo at gayak nito. Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
Ibisobanuro by'icyarabu:
أَفَمَن وَعَدۡنَٰهُ وَعۡدًا حَسَنٗا فَهُوَ لَٰقِيهِ كَمَن مَّتَّعۡنَٰهُ مَتَٰعَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا ثُمَّ هُوَ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ
Kaya ba ang sinumang pinangakuan Namin ng isang pangakong maganda – saka siya ay makakatagpo niyon – ay gaya ng sinumang pinagtamasa Namin ng natatamasa sa buhay na pangmundo, pagkatapos siya sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa mga padadaluhin [sa Impiyerno]?
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
[Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: “Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin?”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ ٱلَّذِينَ حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَغۡوَيۡنَآ أَغۡوَيۡنَٰهُمۡ كَمَا غَوَيۡنَاۖ تَبَرَّأۡنَآ إِلَيۡكَۖ مَا كَانُوٓاْ إِيَّانَا يَعۡبُدُونَ
Nagsabi ang mga magkakatotoo sa kanila ang pag-atas [ng pagdurasa]: “Panginoon namin, ang mga inilisya naming ito ay inilisya namin sila kung paanong nalisya kami. Nagpapawalang-kaugnayan kami sa harap Mo [mula sa kanila]. Hindi dati sila sa Amin sumasamba.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقِيلَ ٱدۡعُواْ شُرَكَآءَكُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَرَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۚ لَوۡ أَنَّهُمۡ كَانُواْ يَهۡتَدُونَ
Sasabihin: “Dumalangin kayo sa mga pantambal ninyo,” saka dadalangin sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at makikita nila ang pagdurusa. Kung sana sila noon ay napapatnubayan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ مَاذَآ أَجَبۡتُمُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
[Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi Siya: “Ano ang isinagot ninyo sa mga isinugo [ni Allāh]?”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَعَمِيَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَنۢبَآءُ يَوۡمَئِذٖ فَهُمۡ لَا يَتَسَآءَلُونَ
Ngunit nalingid sa kanila ang mga balita sa Araw na iyon kaya sila ay hindi magtatanungan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَأَمَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَعَسَىٰٓ أَن يَكُونَ مِنَ ٱلۡمُفۡلِحِينَ
Ngunit hinggil sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, marahil siya ay maging kabilang sa mga magtatagumpay.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَرَبُّكَ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُ وَيَخۡتَارُۗ مَا كَانَ لَهُمُ ٱلۡخِيَرَةُۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Ang Panginoon mo ay lumilikha ng anumang niloloob Niya at pinipili Niya. Hindi naging ukol sa kanila ang pagpili. Kaluwalhatian kay Allāh at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَرَبُّكَ يَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Ang Panginoon mo ay nakaaalam sa anumang kinimkim ng mga dibdib nila at anumang ipinahahayag nila.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَهُوَ ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلۡأُولَىٰ وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَلَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Siya ay si Allāh; walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang papuri sa Unang-buhay at Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo.
Ibisobanuro by'icyarabu:
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلَّيۡلَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِضِيَآءٍۚ أَفَلَا تَسۡمَعُونَ
Sabihin mo: “Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw? Kaya hindi ba kayo nakaririnig?”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلنَّهَارَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِلَيۡلٖ تَسۡكُنُونَ فِيهِۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
Sabihin mo: “Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang gabi na tatahan kayo roon? Kaya hindi ba kayo nakakikita?”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَمِن رَّحۡمَتِهِۦ جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Bahagi ng awa Niya, gumawa Siya para inyo ng gabi at maghapon upang mamahinga kayo roon at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
[Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: “Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin?”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَنَزَعۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا فَقُلۡنَا هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ فَعَلِمُوٓاْ أَنَّ ٱلۡحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Huhugot Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi, saka magsasabi Kami [sa mga tagapagpasinungaling]: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo,” saka makaaalam sila na ang katotohanan ay sa kay Allāh. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa [na mga diyus-diyusan].
Ibisobanuro by'icyarabu:
۞ إِنَّ قَٰرُونَ كَانَ مِن قَوۡمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيۡهِمۡۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡكُنُوزِ مَآ إِنَّ مَفَاتِحَهُۥ لَتَنُوٓأُ بِٱلۡعُصۡبَةِ أُوْلِي ٱلۡقُوَّةِ إِذۡ قَالَ لَهُۥ قَوۡمُهُۥ لَا تَفۡرَحۡۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡفَرِحِينَ
Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises ngunit nagpakapalalo siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga kayamanan, na tunay na ang mga susi niya ay talagang makabibigat sa pangkat na mga may lakas. Noong [nagpakapalalo siya,] nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: “Huwag kang matuwa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa [gaya nito].
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَٱبۡتَغِ فِيمَآ ءَاتَىٰكَ ٱللَّهُ ٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَۖ وَلَا تَنسَ نَصِيبَكَ مِنَ ٱلدُّنۡيَاۖ وَأَحۡسِن كَمَآ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ إِلَيۡكَۖ وَلَا تَبۡغِ ٱلۡفَسَادَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo. Gumawa ka ng maganda kung paanong gumawa ng maganda si Allāh sa iyo at huwag mong hangarin ang kaguluhan sa lupa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلۡمٍ عِندِيٓۚ أَوَلَمۡ يَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَهۡلَكَ مِن قَبۡلِهِۦ مِنَ ٱلۡقُرُونِ مَنۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُ قُوَّةٗ وَأَكۡثَرُ جَمۡعٗاۚ وَلَا يُسۡـَٔلُ عَن ذُنُوبِهِمُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Nagsabi [si Qārūn]: “Binigyan lamang ako nito dahil sa isang kaalamang taglay ko.” Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanya sa lakas at higit na marami sa natipon. Hindi tatanungin tungkol sa mga pagkakasala nila ang mga salarin.[400]
[400] Ibig sabihin: hindi tatanungin ang mga salarin tungkol sa pagkakasala nila dahil sa kaalaman ni Allāh dito bagkus ang tanong sa kanila ay tanong ng paninisi at pagsumbat.
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ فِي زِينَتِهِۦۖ قَالَ ٱلَّذِينَ يُرِيدُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا يَٰلَيۡتَ لَنَا مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ قَٰرُونُ إِنَّهُۥ لَذُو حَظٍّ عَظِيمٖ
Kaya lumabas siya sa mga kalipi niya sa gayak niya. Nagsabi ang mga nagnanais sa buhay na pangmundo: “O kung sana mayroon tayong tulad ng ibinigay kay Qārūn; tunay na siya ay talagang may isang bahaging sukdulan.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ وَيۡلَكُمۡ ثَوَابُ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لِّمَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗاۚ وَلَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلصَّٰبِرُونَ
Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman: “Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh ay higit na mabuti para sa sinumang sumampalataya at gumawa ng maayos. Walang gagawaran niyon kundi ang mga tagapagtiis.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَخَسَفۡنَا بِهِۦ وَبِدَارِهِ ٱلۡأَرۡضَ فَمَا كَانَ لَهُۥ مِن فِئَةٖ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُنتَصِرِينَ
Kaya ipinalamon Namin si Qārūn at ang tahanan niya sa lupa. Hindi siya nagkaroon ng anumang pangkat na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga inaadya.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَأَصۡبَحَ ٱلَّذِينَ تَمَنَّوۡاْ مَكَانَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَقُولُونَ وَيۡكَأَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُۖ لَوۡلَآ أَن مَّنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا لَخَسَفَ بِنَاۖ وَيۡكَأَنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Kinaumagahan, ang mga nagmithi ng kinalalagyan niya kahapon ay nagsasabi: “Sayang ka na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit.” Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin ay talaga sanang nagpalamon Siya sa atin [sa lupa]. Sayang ka na hindi nagtatagumpay[401] ang mga tagatangging sumampalataya.”
[401] sa Mundo at Kabilang-buhay
Ibisobanuro by'icyarabu:
تِلۡكَ ٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ نَجۡعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوّٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فَسَادٗاۚ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلۡمُتَّقِينَ
Ang Tahanang Pangkabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin para sa mga hindi nagnanais ng kataasan sa lupa ni ng kaguluhan. Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.
Ibisobanuro by'icyarabu:
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيۡرٞ مِّنۡهَاۖ وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَلَا يُجۡزَى ٱلَّذِينَ عَمِلُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang sinumang naghatid ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon. Ang sinumang naghatid ng masagwang gawa, walang igaganti sa mga gumawa ng mga masagwang gawa kundi ang dati nilang ginagawa.
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِنَّ ٱلَّذِي فَرَضَ عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لَرَآدُّكَ إِلَىٰ مَعَادٖۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ مَن جَآءَ بِٱلۡهُدَىٰ وَمَنۡ هُوَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Tunay na ang nagsatungkulin sa iyo ng Qur’ān ay talagang ang tagapagpabalik sa iyo tungo sa pinanunumbalikan.[402] Sabihin mo: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay at sinumang nasa isang pagkaligaw na malinaw.”
[402] Ibig sabihin: ang Makkah.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَمَا كُنتَ تَرۡجُوٓاْ أَن يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبُ إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۖ فَلَا تَكُونَنَّ ظَهِيرٗا لِّلۡكَٰفِرِينَ
Hindi ka dati nag-aasam na iparating sa iyo ang Aklat maliban bilang awa mula sa Panginoon mo. Kaya huwag ngang maging isang mapagtaguyod para sa mga tagatangging sumampalataya.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَا يَصُدُّنَّكَ عَنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بَعۡدَ إِذۡ أُنزِلَتۡ إِلَيۡكَۖ وَٱدۡعُ إِلَىٰ رَبِّكَۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Huwag nga silang[403] sasagabal sa iyo sa mga talata ni Allāh matapos noong pinababa ang mga ito sa iyo. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo at huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal.
[403] Ibig sabihin: ang mga tagapagtambal.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۘ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ كُلُّ شَيۡءٍ هَالِكٌ إِلَّا وَجۡهَهُۥۚ لَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Huwag kang manalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa; walang Diyos kundi Siya. Bawat bagay ay masasawi maliban sa mukha Niya. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo.
Ibisobanuro by'icyarabu:
 
Ibisobanuro by'amagambo Isura: Al Qaswasw (Inkuru)
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro mu gifiripine (tagalog) - Ishakiro ry'ibisobanuro

ibisobanuro bya Qoraan ntagatifu mururimi rw'igifilipine byasobanuwe n'itsinda ryikigo Rawaad tarjamat gifatanyije nurubuga Darul islamu

Gufunga