Check out the new design

Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. * - Ishakiro ry'ibisobanuro

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Ibisobanuro by'amagambo Isura: Alhadid   Umurongo:
يَوۡمَ تَرَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ يَسۡعَىٰ نُورُهُم بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَبِأَيۡمَٰنِهِمۖ بُشۡرَىٰكُمُ ٱلۡيَوۡمَ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Sa Araw na makakikita ka ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya habang sumisinag ang liwanag nila sa harapan nila at sa mga kanan nila. [Sasabihin sa kanila sa Araw na iyon:] “Ang balitang nakagagalak sa inyo sa Araw na ito ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito.” Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
يَوۡمَ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتُ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱنظُرُونَا نَقۡتَبِسۡ مِن نُّورِكُمۡ قِيلَ ٱرۡجِعُواْ وَرَآءَكُمۡ فَٱلۡتَمِسُواْ نُورٗاۖ فَضُرِبَ بَيۡنَهُم بِسُورٖ لَّهُۥ بَابُۢ بَاطِنُهُۥ فِيهِ ٱلرَّحۡمَةُ وَظَٰهِرُهُۥ مِن قِبَلِهِ ٱلۡعَذَابُ
Sa araw na magsasabi ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw sa mga sumampalataya: “Maghintay kayo sa amin; magpaparikit kami mula sa liwanag ninyo!” Sasabihin [sa kanila]: “Bumalik kayo sa likuran ninyo at maghanap kayo ng isang liwanag.” Kaya maglalagay sa pagitan nila [at ng mga mananampalataya] ng isang pader na mayroon itong isang pinto, na ang loob nito ay narito ang awa at ang labas nito mula sa harap nito ay ang pagdurusa.
Ibisobanuro by'icyarabu:
يُنَادُونَهُمۡ أَلَمۡ نَكُن مَّعَكُمۡۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَلَٰكِنَّكُمۡ فَتَنتُمۡ أَنفُسَكُمۡ وَتَرَبَّصۡتُمۡ وَٱرۡتَبۡتُمۡ وَغَرَّتۡكُمُ ٱلۡأَمَانِيُّ حَتَّىٰ جَآءَ أَمۡرُ ٱللَّهِ وَغَرَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ
Mananawagan sila [na mga mapagpaimbabaw] sa kanila [na mga mananampalataya]: “Hindi ba kami dati ay kasama sa inyo?” Magsasabi sila: “Oo; subalit kayo ay nagpasawi sa mga sarili ninyo, nag-abang, at nag-alinlangan. Luminlang sa inyo ang mga mithiin hanggang sa dumating ang pasya ni Allāh at luminlang sa inyo kay Allāh [si Satanas,] ang mapanlinlang.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَٱلۡيَوۡمَ لَا يُؤۡخَذُ مِنكُمۡ فِدۡيَةٞ وَلَا مِنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ مَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُۖ هِيَ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Kaya sa Araw na iyon ay hindi kukuha mula sa inyo ng isang pantubos ni mula sa mga tumangging sumampalataya. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy; ito ay ang pagpapatangkilikan ninyo. Kay saklap ang kahahantungan!
Ibisobanuro by'icyarabu:
۞ أَلَمۡ يَأۡنِ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن تَخۡشَعَ قُلُوبُهُمۡ لِذِكۡرِ ٱللَّهِ وَمَا نَزَلَ مِنَ ٱلۡحَقِّ وَلَا يَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلُ فَطَالَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَمَدُ فَقَسَتۡ قُلُوبُهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Hindi ba sumapit para sa mga sumampalataya na magpakataimtim ang mga puso nila para sa pag-alaala kay Allāh at [para sa] anumang bumaba mula sa katotohanan at [na] hindi sila maging gaya ng mga nabigyan ng Kasulatan [na mga Hudyo at mga Kristiyano] bago pa niyan saka humaba sa mga ito ang yugto kaya tumigas ang mga puso ng mga ito? Marami sa mga ito ay mga suwail.
Ibisobanuro by'icyarabu:
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ قَدۡ بَيَّنَّا لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Alamin ninyo na si Allāh ay nagbibigay-buhay sa lupa matapos ng pagkamatay nito. Nilinaw na Namin para sa inyo ang mga tanda nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِنَّ ٱلۡمُصَّدِّقِينَ وَٱلۡمُصَّدِّقَٰتِ وَأَقۡرَضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا يُضَٰعَفُ لَهُمۡ وَلَهُمۡ أَجۡرٞ كَرِيمٞ
Tunay na ang mga lalaking tagapagkawanggawa at ang mga babaing tagapagkawanggawa at nagpapautang kay Allāh ng isang magandang pautang[3] ay magpapaibayo Siya para sa kanila [ng gantimpala]. Ukol sa kanila ay isang pabuyang marangal [sa Paraiso].
[3] Ibig sabihin: kusang-loob na gumugol sa kawanggawa dahil.
Ibisobanuro by'icyarabu:
 
Ibisobanuro by'amagambo Isura: Alhadid
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. - Ishakiro ry'ibisobanuro

Yasobanuwe n'itsinda ry'ikigo Rowad cy'ubusobanuzi ku bufatanye n'ishyirahamwe ryo kwamamaza idini ry'ahitwa Rab'wat hamwe n'umuryango Islamic Content mu ndimi zitandukanye.

Gufunga