ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) * - පරිවර්තන පටුන


අර්ථ කථනය වාක්‍යය: (143) පරිච්ඡේදය: සූරා අල් බකරා
وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَٰكُمۡ أُمَّةٗ وَسَطٗا لِّتَكُونُواْ شُهَدَآءَ عَلَى ٱلنَّاسِ وَيَكُونَ ٱلرَّسُولُ عَلَيۡكُمۡ شَهِيدٗاۗ وَمَا جَعَلۡنَا ٱلۡقِبۡلَةَ ٱلَّتِي كُنتَ عَلَيۡهَآ إِلَّا لِنَعۡلَمَ مَن يَتَّبِعُ ٱلرَّسُولَ مِمَّن يَنقَلِبُ عَلَىٰ عَقِبَيۡهِۚ وَإِن كَانَتۡ لَكَبِيرَةً إِلَّا عَلَى ٱلَّذِينَ هَدَى ٱللَّهُۗ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُضِيعَ إِيمَٰنَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِٱلنَّاسِ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Kung paanong gumawa si Allāh para sa inyo ng isang qiblah na kinalugdan Niya para sa inyo, gumawa siya sa inyo bilang kalipunang mabuti, makatarungan, makakatamtaman sa gitna ng mga kalipunan sa kabuuan ng mga ito sa mga pinaniniwalaan, mga pagsamba, at mga pakikitungo upang kayo sa Araw ng Pagbangon ay maging mga saksi para sa mga sugo ni Allāh na sila ay nagpaabot ng ipinag-utos sa kanila ni Allāh na ipaabot sa mga kalipunan nila, at upang ang Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – gayon din ay maging isang saksi sa inyo na siya ay nagpaabot sa inyo ng ipinasugo sa inyo. Hindi gumawa si Allāh ng pagpapalit sa qiblah na dati mong hinaharapan, ang Jerusalem, maliban upang malaman Niya ayon sa kaalaman ng pagpapalitaw – na nagreresulta ito para roon ng pagganti – sa kung sino ang malulugod sa isinabatas Niya at magpapasakop doon para sumunod sa Sugo at kung sino naman ang tatalikod sa relihiyon nito at susunod sa mga pithaya nito para hindi magpasakop sa isinabatas ni Allāh. Talaga ngang ang pag-uutos ng pagpapalit sa unang qiblah ay mabigat maliban sa mga itinuon ni Allāh sa pananampalataya sa Kanya at sa [katotohanang] ang isinasabatas Niya para sa mga lingkod Niya ay isinasabatas Niya lamang dahil sa mga kasanhiang malalim. Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na magsayang ng pananampalataya ninyo sa Kanya. Kabilang dito ang dasal ninyong dinasal ninyo bago ng pagpapalit sa qiblah. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain kaya hindi Siya nagpapahirap sa kanila ni nagsasayang sa gantimpala ng mga gawa nila.
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
මෙ⁣ම පිටුවේ තිබෙන වැකිවල ප්‍රයෝජන:
• أن الاعتراض على أحكام الله وشرعه والتغافل عن مقاصدها دليل على السَّفَه وقلَّة العقل.
Na ang pagtutol sa mga patakaran ni Allāh at batas Niya at ang pagpapanggap ng pagkalingat sa mga layon ng mga ito ay patunay ng kahunghangan at kaliitan ng pagkaunawa.

• فضلُ هذه الأمة وشرفها، حيث أثنى عليها الله ووصفها بالوسطية بين سائر الأمم.
Ang kalamangan ng Kalipunang ito at dangal nito yayamang ipinagkapuri ito ni Allāh at inilarawan Niya ito ng pagkakatamtaman sa gitna ng lahat ng mga kalipunan.

• التحذير من متابعة أهل الكتاب في أهوائهم؛ لأنهم أعرضوا عن الحق بعد معرفته.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagsunod sa mga May Kasulatan sa mga pithaya nila dahil sila ay umayaw sa katotohanan matapos ng pagkakilala rito.

• جواز نَسْخِ الأحكام الشرعية في الإسلام زمن نزول الوحي، حيث نُسِخَ التوجه إلى بيت المقدس، وصار إلى المسجد الحرام.
Ang pagpayag sa pagpapawalang-bisa sa mga patakarang pambatas sa Islām sa panahon ng pagbaba ng pagkasi yayamang pinawalang-bisa ang pagharap sa Bahay ng Pinagbanalan [sa Jerusalem], at naging sa Bahay na Pinakababanal [sa Makkah].

 
අර්ථ කථනය වාක්‍යය: (143) පරිච්ඡේදය: සූරා අල් බකරා
සූරා පටුන පිටු අංක
 
ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) - පරිවර්තන පටුන

ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) අල්කුර්ආන් අධ්‍යයන සඳහා වූ තෆ්සීර් මධ්‍යස්ථානය විසින් නිකුත් කරන ලදී.

වසන්න