ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්)

external-link copy
52 : 29

قُلۡ كَفَىٰ بِٱللَّهِ بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡ شَهِيدٗاۖ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ وَكَفَرُواْ بِٱللَّهِ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

Sabihin mo, O Sugo: "Nakasapat si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – bilang tagasaksi sa katapatan ko sa anumang inihatid ko at sa pagpapasinungaling ninyo rito. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at nakaaalam Siya sa anumang nasa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan mula sa bawat sinasamba bukod pa kay Allāh at tumangging sumampalataya kay Allāh na karapat-dapat lamang para sa pagsamba, ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sa pagpapalit nila ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya." info
التفاسير:
මෙ⁣ම පිටුවේ තිබෙන වැකිවල ප්‍රයෝජන:
• مجادلة أهل الكتاب تكون بالتي هي أحسن.
Ang pakikipagtalo sa mga May Kasulatan ay ayon sa pinakamaganda. info

• الإيمان بجميع الرسل والكتب دون تفريق شرط لصحة الإيمان.
Ang pananampalataya sa lahat ng mga sugo at mga kasulatan nang walang pagtatangi-tangi ay isang kundisyon para sa katumpakan ng pananampalataya. info

• القرآن الكريم الآية الخالدة والحجة الدائمة على صدق النبي صلى الله عليه وسلم.
Ang Marangal na Qur'ān ay ang tandang walang-hanggan at ang katwirang palagian sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. info