Check out the new design

ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) - රුව්වාද් පරිවර්තන මධ්‍යස්ථානය * - පරිවර්තන පටුන

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

අර්ථ කථනය පරිච්ඡේදය: අන් නිසා   වාක්‍යය:
وَٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ رِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَلَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَلَا بِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۗ وَمَن يَكُنِ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَهُۥ قَرِينٗا فَسَآءَ قَرِينٗا
[Sila] ang mga gumugugol ng mga yaman nila bilang pagpapakita sa mga tao at hindi sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang ang demonyo para sa kanya ay naging isang kapisan, sumagwa ito bilang kapisan.
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
وَمَاذَا عَلَيۡهِمۡ لَوۡ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقَهُمُ ٱللَّهُۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِهِمۡ عَلِيمًا
Ano [ang pinsala] sa kanila kung sakaling sumampalataya sila kay Allāh at sa Huling Araw at gumugol sila mula sa itinustos sa kanila ni Allāh? Laging si Allāh sa kanila ay Maalam.
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَظۡلِمُ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖۖ وَإِن تَكُ حَسَنَةٗ يُضَٰعِفۡهَا وَيُؤۡتِ مِن لَّدُنۡهُ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan na kasimbigat ng isang katiting. Kung may isang magandang gawa ay pag-iibayuhin Niya ito [sa gantimpala] at magbibigay Siya mula sa taglay Niya ng isang pabuyang mabigat.
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
فَكَيۡفَ إِذَا جِئۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةِۭ بِشَهِيدٖ وَجِئۡنَا بِكَ عَلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِ شَهِيدٗا
Kaya papaano kapag naghatid Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at naghatid Kami sa iyo [O Propeta Muḥammad] sa mga ito bilang saksi?
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
يَوۡمَئِذٖ يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَعَصَوُاْ ٱلرَّسُولَ لَوۡ تُسَوَّىٰ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضُ وَلَا يَكۡتُمُونَ ٱللَّهَ حَدِيثٗا
Sa Araw na iyon ay mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya at sumuway sa Sugo na kung sana itatabon sa kanila ang lupa. Hindi sila makapagtatago kay Allāh ng isang pag-uusap.
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡرَبُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنتُمۡ سُكَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَعۡلَمُواْ مَا تَقُولُونَ وَلَا جُنُبًا إِلَّا عَابِرِي سَبِيلٍ حَتَّىٰ تَغۡتَسِلُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوًّا غَفُورًا
O mga sumampalataya, huwag kayong lumapit sa pagdarasal habang kayo ay mga lasing hanggang sa makaalam kayo sa sinasabi ninyo ni habang mga kailangang-maligo, malibang mga tumatawid sa landas [ng pagdarasalan], hanggang sa makapaligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa palikuran, o sumaling kayo ng mga babae[7] at hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka #magpahid kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.[8]
[7] Ibig sabihin: nakipagtalik kayo sa mga maybahay
[8] Tingnan ang Qur’an 5:90 tungkol sa ganap na pagbabawal sa pag-inom ng alak.
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يَشۡتَرُونَ ٱلضَّلَٰلَةَ وَيُرِيدُونَ أَن تَضِلُّواْ ٱلسَّبِيلَ
Hindi ka ba nakaalam sa mga [Hudyong] binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Bumibili sila ng kaligawan at nagnanais sila na maligaw kayo ng landas.
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
 
අර්ථ කථනය පරිච්ඡේදය: අන් නිසා
සූරා පටුන පිටු අංක
 
ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) - රුව්වාද් පරිවර්තන මධ්‍යස්ථානය - පරිවර්තන පටුන

රුව්වාද් පරිවර්තන මධ්‍යස්ථානයේ කණ්ඩායමක් විසින් රබ්වා හි පිහිටි ආරාධන සංගමය සහ විවිධ භාෂාවන් හරහා ඉස්ලාමීය අන්තර්ග සේවය සඳහා සංගමය සමඟ ඒකාබද්ධව පරිවර්තනය කරන ලදී.

වසන්න