Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Surja: Suretu El Mesed   Ajeti:

Al-Masad

Qëllimet e sures:
بيان خسران أبي لهب وزوجه.
Ang paglilinaw sa pagkalugi ni Abū Lahab at ng maybahay niya.

تَبَّتۡ يَدَآ أَبِي لَهَبٖ وَتَبَّ
Nalugi ang dalawang kamay ng tiyuhin ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na si Abū Lahab bin `Abdulmuṭṭalib dahil sa pagkalugi ng gawain niya yayamang siya noon ay nananakit sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at nabigo ang pagpupunyagi niya.
Tefsiret në gjuhën arabe:
مَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُ مَالُهُۥ وَمَا كَسَبَ
Aling bagay ang naidulot para sa kanya ng yaman niya at anak niya? Hindi magtutulak ang mga ito palayo sa kanya ng isang pagdurusa at hindi maghahatak ang mga ito para sa kanya ng isang awa.
Tefsiret në gjuhën arabe:
سَيَصۡلَىٰ نَارٗا ذَاتَ لَهَبٖ
Papasok siya sa Araw ng Pagbangon sa isang apoy na may lagablab, na magdurusa siya sa init niyon,
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَٱمۡرَأَتُهُۥ حَمَّالَةَ ٱلۡحَطَبِ
Papasok [din] doon ang maybahay niyang si Umm Jamīl, na dating nananakit sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga tinik sa daan niya,
Tefsiret në gjuhën arabe:
فِي جِيدِهَا حَبۡلٞ مِّن مَّسَدِۭ
habang sa leeg nito ay may tali na mahigpit ang pagkalubid, na ipang-aakay rito tungo sa Apoy.
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• المفاصلة مع الكفار.
Ang pakikipaghiwalayan sa mga tagatangging sumampalataya.

• مقابلة النعم بالشكر.
Ang pagtumbas sa mga biyaya ng pasasalamat.

• سورة المسد من دلائل النبوة؛ لأنها حكمت على أبي لهب بالموت كافرًا ومات بعد عشر سنين على ذلك.
Ang Kabanata Al-Masad ay kabilang sa mga patunay ng pagkapropeta dahil ito ay humatol kay Abū Lahab ng pagkamatay bilang tagatangging sumampalataya, at namatay siya sa gayon matapos ng sampung taon.

• صِحَّة أنكحة الكفار.
Ang katumpakan ng mga kasal ng mga tagatangging sumampalataya.

 
Përkthimi i kuptimeve Surja: Suretu El Mesed
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll