Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (60) Surja: Suretu El Ahzab
۞ لَّئِن لَّمۡ يَنتَهِ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡمُرۡجِفُونَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ لَنُغۡرِيَنَّكَ بِهِمۡ ثُمَّ لَا يُجَاوِرُونَكَ فِيهَآ إِلَّا قَلِيلٗا
Talagang kung hindi tumigil ang mga mapagpaimbabaw sa pagpapaimbabaw nila sa pamamagitan ng pagkukubli nila ng kawalang-pananampalataya at paglalantad nila ng [pagsapi sa] Islām, ang mga sa mga puso nila ay may kasamaang-loob dahil sa pagkahumaling nila sa mga ninanasa nila, at ang mga nagdadala ng mga ulat na sinungaling sa Madīnah upang magpawatak-watak sa pagitan ng mga mananampalataya, talagang mag-uutos nga Kami sa iyo, O Sugo, ng pagpaparusa sa kanila at talagang magpapangibabaw nga Kami sa iyo laban sa kanila, pagkatapos hindi sila makikitira sa Madīnah maliban sa kaunting panahon dahil sa pagpapahamak sa kanila at pagtataboy sa kanila buhat doon dahilan sa panggugulo nila sa lupain.
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• علوّ منزلة النبي صلى الله عليه وسلم عند الله وملائكته.
Ang kataasan ng kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang kay Allāh at mga anghel Niya.

• حرمة إيذاء المؤمنين دون سبب.
Ang pagkabawal ng pananakit sa mga mananampalataya nang walang kadahilanan.

• النفاق سبب لنزول العذاب بصاحبه.
Ang pagpapaimbabaw ay isang kadahilanan ng pagbaba ng pagdurusa sa nagtataglay nito.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (60) Surja: Suretu El Ahzab
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll