Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (24) Surja: Suretu Zumer
أَفَمَن يَتَّقِي بِوَجۡهِهِۦ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَقِيلَ لِلظَّٰلِمِينَ ذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡسِبُونَ
Nagkakapantay ba itong pinatnubayan ni Allāh, itinuon Niya [habang] nasa Mundo, at pinapasok Niya sa Hardin sa Kabilang-buhay, at ang sinumang tumangging sumampalataya at namatay sa kawalang-pananampalataya nito kaya pinapasok Niya ito sa Apoy na nakagapos ang mga kamay at ang mga paa, na hindi nakakakaya na sumangga sa apoy malibang sa pamamagitan ng mukha nitong isinubsob? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway bilang panunumbat: "Lasapin ninyo ang dati ninyong kinakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sapagkat ito ay ang ganti sa inyo."
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• أهل الإيمان والتقوى هم الذين يخشعون لسماع القرآن، وأهل المعاصي والخذلان هم الذين لا ينتفعون به.
Ang mga alagad ng pananampalataya at pangingilag sa pagkakasala ay ang mga nagpapakataimtim sa pagdinig sa Qur'ān samantalang ang mga alagad ng mga pagsuway at pagtatwa ay ang mga hindi nakikinabang dito.

• التكذيب بما جاءت به الرسل سبب نزول العذاب إما في الدنيا أو الآخرة أو فيهما معًا.
Ang pagpapasinungaling sa inihatid ng mga sugo ay isang kadahilanan ng pagbaba ng pagdurusa sa Mundo man o Kabilang-buhay man o sa dalawang ito nang magkasama.

• لم يترك القرآن شيئًا من أمر الدنيا والآخرة إلا بيَّنه، إما إجمالًا أو تفصيلًا، وضرب له الأمثال.
Hindi nag-iwan ang Qur'ān ng anuman sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay malibang nilinaw nito iyon sa pagbubuod man o pagdedetalye man at naglahad ito ng mga paghahalintulad.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (24) Surja: Suretu Zumer
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll