Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (5) Surja: Suretu El Fet-h
لِّيُدۡخِلَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا وَيُكَفِّرَ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عِندَ ٱللَّهِ فَوۡزًا عَظِيمٗا
[Ito ay] upang magpapasok si Allāh sa mga lalaking mananampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at ng mga punong-kahoy ng mga ito at [upang] bumura Siya para sa kanila ng mga masagwang gawa nila para hindi Siya manisi sa kanila dahil sa mga iyon. Laging ang nabanggit na iyon na pagtamo ng hinihiling, ang Paraiso, at pagpapalayo ng pinangingilabutan, ang paninisi dahil sa mga masagwang gawa, sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan, na hindi napapantayan ng isang pagkatamo.
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• صلح الحديبية بداية فتح عظيم على الإسلام والمسلمين.
Ang Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah ay simula ng isang sukdulang pagwagi sa Islām at mga Muslim.

• السكينة أثر من آثار الإيمان تبعث على الطمأنينة والثبات.
Ang katiwasayan ay isang epekto ng pananampalataya, na nagbubunsod ng kapanatagan at katatagan.

• خطر ظن السوء بالله، فإن الله يعامل الناس حسب ظنهم به سبحانه.
Ang panganib ng pagpapalagay ng kasagwaan kay Allāh sapagkat tunay na si Allāh ay nakikitungo sa mga tao alinsunod sa pagpapalagay nila sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.

• وجوب تعظيم وتوقير رسول الله صلى الله عليه وسلم.
Ang pagkatungkulin ng pagdakila at paggalang sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (5) Surja: Suretu El Fet-h
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll