Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (150) Surja: Suretu El Enam
قُلۡ هَلُمَّ شُهَدَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ يَشۡهَدُونَ أَنَّ ٱللَّهَ حَرَّمَ هَٰذَاۖ فَإِن شَهِدُواْ فَلَا تَشۡهَدۡ مَعَهُمۡۚ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ وَهُم بِرَبِّهِمۡ يَعۡدِلُونَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh at nag-aangkin na si Allāh ay ang nagbawal niyon: "Magdala kayo ng mga saksi ninyo na sasaksi na si Allāh ay nagbawal ng mga bagay na ito na ipinagbawal ninyo." Ngunit kung sumaksi sila nang walang kaalaman na si Allāh ay nagbawal niyon, huwag kang maniwala sa kanila, O Sugo, sa pagsasaksi nila dahil ito ay isang pagsaksi sa kabulaanan. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpapahatol sa mga pithaya nila sapagkat nagpasinungaling nga sila sa mga tanda ni Allāh nang ipinagbawal nila ang ipinahintulot ni Allāh sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay samantalang sila sa Panginoon nila ay nagtatambal saka nagpapantay sila sa Kanya sa iba pa sa Kanya. Papaanong sinusunod ang sinumang ito ang saloobin niya sa Panginoon niya?"
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• الحذر من الجرائم الموصلة لبأس الله؛ لأنه لا يُرَدُّ بأسه عن القوم المجرمين إذا أراده.
Ang babala laban sa mga krimeng nagpapahantong sa kaparusahan ni Allāh dahil hindi napipigilan ang kaparusahan Niya laban sa mga taong salarin kapag ninais Niya.

• الاحتجاج بالقضاء والقدر بعد أن أعطى الله تعالى كل مخلوق قُدْرة وإرادة يتمكَّن بهما من فعل ما كُلِّف به؛ ظُلْمٌ مَحْض وعناد صرف.
Ang pangangatwiran ng pagtatadhana at ang pagtatakda matapos na nagbigay si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa bawat nilikha ng kakayahan at pagnanais na makakakaya siya sa pamamagitan ng mga ito sa paggawa ng iniatang sa kanya ay isang dalisay na kawalang-katarungan at isang payak na pagmamatigas.

• دَلَّتِ الآيات على أنه بحسب عقل العبد يكون قيامه بما أمر الله به.
Nagpatunay ang mga talatang ito ng Qur'ān na alinsunod sa pagkaunawa ng tao nangyayari ang pagsasagawa niya ng ipinag-utos ni Allāh.

• النهي عن قربان الفواحش أبلغ من النهي عن مجرد فعلها، فإنه يتناول النهي عن مقدماتها ووسائلها الموصلة إليها.
Ang pagsaway sa paglapit sa mga mahalay ay higit na masidhi kaysa sa pagsaway sa paggawa lamang nito sapagkat tunay ito ay nagsasagawa ng pagsaway sa mga panimulang gawain ng mga ito at mga kaparaanan ng mga ito na nagpapahantong sa mga ito.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (150) Surja: Suretu El Enam
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll