Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (71) Surja: Suretu El Enam
قُلۡ أَنَدۡعُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُنَا وَلَا يَضُرُّنَا وَنُرَدُّ عَلَىٰٓ أَعۡقَابِنَا بَعۡدَ إِذۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُ كَٱلَّذِي ٱسۡتَهۡوَتۡهُ ٱلشَّيَٰطِينُ فِي ٱلۡأَرۡضِ حَيۡرَانَ لَهُۥٓ أَصۡحَٰبٞ يَدۡعُونَهُۥٓ إِلَى ٱلۡهُدَى ٱئۡتِنَاۗ قُلۡ إِنَّ هُدَى ٱللَّهِ هُوَ ٱلۡهُدَىٰۖ وَأُمِرۡنَا لِنُسۡلِمَ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sasamba ba kami sa bukod pa kay Allāh, na mga diyus-diyusang hindi nakapagdudulot ng pakinabang para magpakinabang sa amin ni ng pinsala para maminsala sa amin; at tatalikod kami sa pananampalataya matapos na magtuon sa amin si Allāh rito kaya kami ay magiging tulad ng iniligaw ng mga demonyo saka iniwang litung-lito na hindi napapatnubayan sa landas, habang mayroon siyang mga kasamahan sa daang tuwid na nag-aanyaya sa kanya tungo sa katotohanan samantalang siya naman ay nagpipigil sa pagtugon sa kanila sa inaanyaya nila sa kanya?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay na totoo. Nag-utos nga sa amin si Allāh na magpaakay kami sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pananatili sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang sapagkat Siya ay Panginoon ng mga nilalang.
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• الداعية إلى الله تعالى ليس مسؤولًا عن محاسبة أحد، بل هو مسؤول عن التبليغ والتذكير.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay hindi pananagutin sa pagtutuos sa isang tao, bagkus siya ay pananagutin sa pagpapaabot at pagpapaalaala.

• الوعظ من أعظم وسائل إيقاظ الغافلين والمستكبرين.
Ang pangangaral ay kabilang sa pinakadakila sa mga kaparaanan ng paggising sa mga nalilingat at mga nagmamalaki.

• من دلائل التوحيد: أن من لا يملك نفعًا ولا ضرًّا ولا تصرفًا، هو بالضرورة لا يستحق أن يكون إلهًا معبودًا.
Kabilang sa mga pahiwatig ng Tawḥīd ay na ang sinumang hindi nakapagdudulot ng pakinabang ni pinsala ni malayang pagkilos, siya ay kinakailangang hindi nagiging karapat-dapat na maging isang diyos na sinasamba.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (71) Surja: Suretu El Enam
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll