Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (133) Surja: Suretu El A’raf
فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلطُّوفَانَ وَٱلۡجَرَادَ وَٱلۡقُمَّلَ وَٱلضَّفَادِعَ وَٱلدَّمَ ءَايَٰتٖ مُّفَصَّلَٰتٖ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ
Kaya nagpadala Kami sa kanila ng maraming tubig bilang parusa para sa kanila sa pagpapasinungaling nila at pagmamatigas nila, kaya nilunod ang mga pananim nila at ang mga bunga nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga balang, kaya kinain ng mga ito ang mga aanihin nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga kulisap na tinatawag na mga kuto, na namiminsala ng pananim o nakasasakit sa tao sa buhok nito. Nagpadala Kami sa kanila ng mga palaka, kaya pinuno ng mga ito ang mga lalagyan nila, sinira ng mga ito ang mga pagkain nila, at pinuyat ng mga ito sa mga higaan nila. Nagpadala Kami sa kanila ng dugo, kaya ang mga tubig ng mga balon nila at mga ilog nila ay naging dugo. Nagpadala Kami ng lahat ng iyon bilang mga tanda na naglilinaw at nagtatangi, na sumusunod ang ilan sa mga ito sa iba. Sa kabila ng lahat ng tumama sa kanila na mga kaparusahan ay nagmataas sila laban sa pagsampalataya kay Allāh at sa paniniwala sa inihatid ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Sila noon ay mga taong gumagawa ng mga pagsuway. Hindi sila kumakalas sa kabulaanan at hindi sila napapatnubayan tungo sa katotohanan.
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• الخير والشر والحسنات والسيئات كلها بقضاء الله وقدره، لا يخرج منها شيء عن ذلك.
Ang kabutihan, ang kasamaan, ang mga magandang gawa, at ang mga masagwang gawa, ang lahat ng mga ito ay ayon sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Walang nakalalabas mula sa mga ito na anuman.

• شأن الناس في وقت المحنة والمصائب اللجوء إلى الله بدافع نداء الإيمان الفطري.
Ang pumapatungkol sa mga tao sa oras ng mga pagsubok at mga kasawian ay ang dumulog kay Allāh sa pamamagitan ng udyok ng panawagan ng pananampalatayang likas.

• يحسن بالمؤمن تأمل آيات الله وسننه في الخلق، والتدبر في أسبابها ونتائجها.
Nakabubuti sa mananampalataya ang pagninilay-nilay sa mga tanda ni Allāh at mga kalakaran Niya sa nilikha at ang pagbubulay-bulay sa mga kadahilanan ng mga ito at mga resulta ng mga ito.

• تتلاشى قوة الأفراد والدول أمام قوة الله العظمى، والإيمان بالله هو مصدر كل قوة.
Naglalayo ang lakas ng mga indibiduwal at mga estado sa harapan ng pinakasukdulang lakas ni Allāh. Ang pananampalataya ay ang pinagmumulan ng bawat lakas.

• يكافئ الله تعالى عباده المؤمنين الصابرين بأن يمكِّنهم في الأرض بعد استضعافهم.
Tinutumbasan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ang mga lingkod Niyang mga mananampalatayang nagtitiis sa pamamagitan ng pagpapatatag sa kanila sa lupa matapos ng paniniil sa kanila.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (133) Surja: Suretu El A’raf
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll