Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (33) Surja: Suretu El A’raf
قُلۡ إِنَّمَا حَرَّمَ رَبِّيَ ٱلۡفَوَٰحِشَ مَا ظَهَرَ مِنۡهَا وَمَا بَطَنَ وَٱلۡإِثۡمَ وَٱلۡبَغۡيَ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَأَن تُشۡرِكُواْ بِٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ سُلۡطَٰنٗا وَأَن تَقُولُواْ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na mga nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh: "Tunay na si Allāh ay nagbawal lamang sa mga lingkod Niya ng mga malaswa – ang mga pangit sa mga pagkakasala – na nakalantad man o nakakubli; nagbawal lamang sa mga pagsuway sa kabuuan ng mga ito at sa paglabag dala ng kawalang-katarungan sa mga tao sa mga buhay nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila; nagbawal lamang sa inyo na magtambal kayo kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya nang wala naman kayong katwiran doon; at nagbawal lamang sa inyo ng pagsasabi hinggil sa Kanya nang walang kaalaman kaugnay sa mga pangalan Niya, mga katangian Niya, mga gawain Niya, at batas Niya."
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• المؤمن مأمور بتعظيم شعائر الله من خلال ستر العورة والتجمل في أثناء صلاته وخاصة عند التوجه للمسجد.
Ang mga mananampalataya ay inuutusang dumakila sa mga sagisag ni Allāh sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga kahubaran at ng pagpapaganda sa sandali ng pagdarasal at lalo na sa oras ng pagsasadya sa masjid.

• من فسر القرآن بغير علم أو أفتى بغير علم أو حكم بغير علم فقد قال على الله بغير علم وهذا من أعظم المحرمات.
Ang sinumang nagpakahulugan sa Qur'ān nang walang kaalaman o nagbigay ng opinyong panrelihiyon nang walang kaalaman o humatol nang walang kaalaman ay nagsabi nga hinggil kay Allāh nang walang kaalaman. Ito ay kabilang sa pinakamabigat sa mga ipinagbabawal.

• في الآيات دليل على أن المؤمنين يوم القيامة لا يخافون ولا يحزنون، ولا يلحقهم رعب ولا فزع، وإذا لحقهم فمآلهم الأمن.
Sa mga talatang ito ng Qur'ān ay may patunay na ang mga mananampalataya sa Araw ng Pagbangon ay hindi mangangamba ni malulungkot ni dadapuan sila ng sindak ni hilakbot; at kapag dumapo man ito sa kanila, ang kauuwian nila ay ang katiwasayan.

• أظلم الناس من عطَّل مراد الله تعالى من جهتين: جهة إبطال ما يدل على مراده، وجهة إيهام الناس بأن الله أراد منهم ما لا يريده الله.
Ang pinakatagalabag sa katarungan sa mga tao ay ang sinumang nagpawalang-kahulugan sa ninanais ipakahulugan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ayon sa dalawang aspeto: aspeto ng pagpapabula sa ipinahihiwatig ng ninanais ipakahulugan ni Allāh at aspeto ng pagpapaakala sa mga tao na si Allāh ay nagnais mula sa kanila ng hindi naman ninanais ni Allāh.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (33) Surja: Suretu El A’raf
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll