Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (40) Surja: Suretu El A’raf
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱسۡتَكۡبَرُواْ عَنۡهَا لَا تُفَتَّحُ لَهُمۡ أَبۡوَٰبُ ٱلسَّمَآءِ وَلَا يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ حَتَّىٰ يَلِجَ ٱلۡجَمَلُ فِي سَمِّ ٱلۡخِيَاطِۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Tunay na ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Naming maliwanag at nagpakamapagmalaki sa pag-ayaw sa pagpapaakay at pagpapahinuhod sa mga ito ay mga nawawalan ng pag-asa sa bawat kabutihan sapagkat hindi bubuksan ang mga pinto ng langit para sa mga gawa nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila ni para sa mga kaluluwa nila kapag namatay sila. Hindi sila papasok sa Paraiso magpakailanman hanggang sa pumasok ang kamelyo – na kabilang sa pinakamalaki sa mga hayop – sa butas ng karayom – na kabilang sa pinakamasikip sa mga bagay. Ito ay kabilang sa imposible kaya ang nakaugnay rito, ang pagpasok nila sa Paraiso, ay imposible. Tulad ng ganting ito gaganti si Allāh sa sinumang bumigat ang mga pagkakasala niya.
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• المودة التي كانت بين المكذبين في الدنيا تنقلب يوم القيامة عداوة وملاعنة.
Ang pagmamahalang nasa pagitan ng mga tagapasinungaling sa Mundo ay mapapalitan sa Araw ng Pagbangon ng pagkamuhi at pagpapalitan ng sumpa.

• أرواح المؤمنين تفتح لها أبواب السماء حتى تَعْرُج إلى الله، وتبتهج بالقرب من ربها والحظوة برضوانه.
Ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya ay pagbubuksan ng mga pinto ng langit hanggang sa makapanik ang mga ito kay Allāh at magalak sa pagkalapit sa Panginoon ng mga ito at sa pagkakatamo ng kaluguran Niya.

• أرواح المكذبين المعرضين لا تفتح لها أبواب السماء، وإذا ماتوا وصعدت فهي تستأذن فلا يؤذن لها، فهي كما لم تصعد في الدنيا بالإيمان بالله ومعرفته ومحبته، فكذلك لا تصعد بعد الموت، فإن الجزاء من جنس العمل.
Ang mga kaluluwa ng mga tagapasinungaling na umaayaw ay hindi pagbubuksan ng mga pinto ng langit kapag namatay sila at umangat. Ang mga ito ay magpapaalam ngunit hindi magpapahintulot sa mga ito sapagkat ang mga ito, kung paanong hindi umaangat sa Mundo sa pananampalataya kay Allāh, pagkakilala sa Kanya, at pag-ibig sa Kanya, gayon din naman hindi aangat ang mga ito matapos ng kamatayan sapagkat tunay na ang ganti ay kauri ng ginawa.

• أهل الجنة نجوا من النار بعفو الله، وأدخلوا الجنة برحمة الله، واقتسموا المنازل وورثوها بالأعمال الصالحة وهي من رحمته، بل من أعلى أنواع رحمته.
Ang mga maninirahan sa Paraiso ay maliligtas sa Apoy dahil sa paumanhin ni Allāh at ipapasok sa Paraiso dahil sa awa ni Allāh. Maghahati-hati sila sa mga antas at magmamana ng mga ito dahil sa mga gawang matuwid. Ito ay bahagi ng awa Niya, bagkus kabilang sa pinakamataas sa mga uri ng awa Niya.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (40) Surja: Suretu El A’raf
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll