Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (46) Surja: Suretu El A’raf
وَبَيۡنَهُمَا حِجَابٞۚ وَعَلَى ٱلۡأَعۡرَافِ رِجَالٞ يَعۡرِفُونَ كُلَّۢا بِسِيمَىٰهُمۡۚ وَنَادَوۡاْ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ أَن سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡۚ لَمۡ يَدۡخُلُوهَا وَهُمۡ يَطۡمَعُونَ
Sa pagitan ng dalawang pangkat na ito na mga maninirahan sa Paraiso at mga maninirahan sa Impiyerno ay may isang harang na mataas na tinatawag bilang mga tuktok. Sa ibabaw ng harang na mataas na ito ay may mga lalaking nagkapantay ang mga magandang gawa nila at ang mga masagwang gawa nila. Sila ay nakakikilala sa mga maninirahan sa Paraiso ayon sa mga palatandaan ng mga iyon gaya ng kaputian ng mga mukha at sa mga maninirahan sa Impiyerno ayon sa mga palatandaan ng mga iyon gaya ng kaitiman ng mga mukha. Mananawagan ang mga lalaking ito sa mga maninirahan sa Paraiso bilang pagpaparangal sa mga iyon, habang mga nagsasabi: "Kapayapaan ay sumainyo." Ang mga tao ng mga tuktok ay hindi pa pumasok sa Paraiso at sila ay umaasa ng pagpasok doon dahil sa awa mula kay Allāh.
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• عدم الإيمان بالبعث سبب مباشر للإقبال على الشهوات.
Ang kawalan ng pananampalataya sa pagbubuhay [ng patay] ay isang direktang kadahilanan para sa pagkawili sa mga pagnanasa.

• يتيقن الناس يوم القيامة تحقق وعد الله لأهل طاعته، وتحقق وعيده للكافرين.
Makatitiyak ang mga tao sa Araw ng Pagbangon sa pagsasakatuparan ng pangako ni Allāh para sa mga alagad ng pagtalima sa Kanya at pagsasakatuparan sa banta Niya sa mga tagatangging sumampalataya.

• الناس يوم القيامة فريقان: فريق في الجنة وفريق في النار، وبينهما فريق في مكان وسط لتساوي حسناتهم وسيئاتهم، ومصيرهم إلى الجنة.
Ang mga tao sa Araw ng Pagbangon ay dalawang pangkat: isang pangkat sa Paraiso at isang pangkat sa Apoy, at sa pagitan ng dalawang ito ay may isang pangkat sa isang gitnang lugar dahil sa pagkakapantay ng mga magandang gawa nila at mga masagwang gawa nila, ngunit ang kahahantungan nila ay ang Paraiso.

• على الذين يملكون المال والجاه وكثرة الأتباع أن يعلموا أن هذا كله لن يغني عنهم من الله شيئًا، ولن ينجيهم من عذاب الله.
Kailangan sa mga nagmamay-ari ng yaman, impluwensiya, at dami ng mga tagasunod, na malaman nila na ito sa kabuuan nito ay hindi makagagawa laban kay Allāh ng anuman at hindi makapagliligtas sa kanila laban sa parusa ni Allāh.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (46) Surja: Suretu El A’raf
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll