Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (66) Surja: Suretu El A’raf
قَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦٓ إِنَّا لَنَرَىٰكَ فِي سَفَاهَةٖ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pinapanginoon kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo Niya: "Tunay na kami ay talagang nakaaalam na ikaw, O Hūd, ay nasa isang kahinaan ng isip at isang katunggakan nang nag-aanyaya ka sa amin sa pagsamba kay Allāh lamang at sa pag-iwan sa pagsamba sa mga anito. Tunay na kami ay talagang naniniwala nang kumbinsido na ikaw ay kabilang sa mga sinungaling kaugnay sa inaangkin mo na ikaw ay isang isinugo."
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• الأرض الطيبة مثال للقلوب الطيبة حين ينزل عليها الوحي الذي هو مادة الحياة، وكما أن الغيث مادة الحياة، فإن القلوب الطيبة حين يجيئها الوحي، تقبله وتعلمه وتنبت بحسب طيب أصلها، وحسن عنصرها، والعكس.
Ang lupang kaaya-aya ay isang paghahalintulad para sa mga pusong kaaya-aya kapag bumababa sa mga ito ang kasi na siyang sangkap ng buhay kung paanong ang ulan ay sangkap ng buhay sapagkat tunay na ang mga pusong kaaya-aya kapag dinadatnan ng kasi ay tumatanggap nito, nakaaalam nito, at tumutubo alinsunod sa pagkakaaya-aya ng pinag-ugatan nito at kagandahan ng elemento nito, at ang kabaliktaran ay gayon din.

• الأنبياء والمرسلون يشفقون على الخلق أعظم من شفقة آبائهم وأمهاتهم.
Ang mga propeta at ang mga isinugo ay nalulunos sa nilikha nang higit na masidhi kaysa sa pagkalunos ng mga ama nila at mga ina nila.

• من سُنَّة الله إرسال كل رسول من قومه وبلسانهم؛ تأليفًا لقلوب الذين لم تفسد فطرتهم، وتيسيرًا على البشر.
Bahagi ng kalakaran ni Allāh ang pagsusugo ng isang sugong kabilang sa mga kalipi nito ayon sa wika nila bilang pagbubuklod para sa mga puso ng mga hindi nagulo ang kalikasan ng pagkalalang sa kanila at bilang pagpapadali sa sangkatauhan.

• من أعظم السفهاء من قابل الحق بالرد والإنكار، وتكبر عن الانقياد للعلماء والنصحاء، وانقاد قلبه وقالبه لكل شيطان مريد.
Kabilang sa pinakamasidhi sa mga hunghang ay ang sinumang tumumbas sa katotohanan ng pagtanggi, pagmamasama, at pagkamapagmalaki sa pag-ayaw sa pagpapaakay sa mga maalam at mga tagapagpayo, ngunit nagpaakay ang puso niya at ang katawan niya sa bawat demonyong mapaghimagsik.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (66) Surja: Suretu El A’raf
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll