Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) * - Përmbajtja e përkthimeve


Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (86) Surja: Suretu El A’raf
وَلَا تَقۡعُدُواْ بِكُلِّ صِرَٰطٖ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ مَنۡ ءَامَنَ بِهِۦ وَتَبۡغُونَهَا عِوَجٗاۚ وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ كُنتُمۡ قَلِيلٗا فَكَثَّرَكُمۡۖ وَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Huwag kayong umupo sa bawat daan, habang nagbabanta kayo sa mga taong tumatahak dito upang mandambong kayo ng mga ari-arian nila, at habang bumabalakid kayo sa Relihiyon ni Allāh sa sinumang nagnais ng pagkapatnubay, samantalang mga humihiling na ang landas ni Allāh ay maging baluktot upang hindi ito tahakin ng mga tao. Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo upang magpasalamat kayo sa kanya sapagkat noon ang bilang ninyo ay kakaunti ngunit pinarami Niya kayo. Magnilay-nilay kayo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga tagagulo sa lupa noong bago ninyo sapagkat tunay na ang kinahinatnan nila ay ang kapahamakan at ang pagkawasak.
Tefsiret në gjuhën arabe:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• اللواط فاحشة تدلُّ على انتكاس الفطرة، وناسب أن يكون عقابهم من جنس عملهم فنكس الله عليهم قُراهم.
Ang sodomiya ay isang malaswang gawaing nagpapahiwatig ng pagkapinsala ng kalikasan ng pagkalalang. Bumagay na ang parusa sa kanila ay maging kauri ng gawain nila.

• تقوم دعوة الأنبياء - ومنهم شعيب عليه السلام - على أصلين: تعظيم أمر الله: ويشمل الإقرار بالتوحيد وتصديق النبوة. والشفقة على خلق الله: ويشمل ترك البَخْس وترك الإفساد وكل أنواع الإيذاء.
Nakasalalay ang pag-aanyaya ng mga propeta, na kabilang sa kanila si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa dalawang batayan: ang pagdakila sa nauukol kay Allāh, na sumasaklaw sa pagkilala sa kaisahan Niya at paniniwala sa pagkapropeta; at ang pagkahabag sa nilikha ni Allāh, na sumasaklaw naman sa pag-iwan sa pandaraya at pag-iwan sa panggugulo at sa lahat ng mga uri ng pananakit.

• الإفساد في الأرض بعد الإصلاح جُرْم اجتماعي في حق الإنسانية؛ لأن صلاح الأرض بالعقيدة والأخلاق فيه خير للجميع، وإفساد الأرض عدوان على الناس.
Ang panggugulo sa lupa matapos ng pagsasaayos ay isang krimeng panlipunan sa karapatan ng sangkatauhan dahil ang kaayusan ng lupa ayon sa pinaniniwalaan at mga kaasalan dito ay higit na mabuti para sa lipunan at ang panggugulo sa lupa ay isang pangangaway sa mga tao.

• من أعظم الذنوب وأكبرها وأشدها وأفحشها أخذُ ما لا يحقُّ أخذه شرعًا من الوظائف المالية بالقهر والجبر؛ فإنه غصب وظلم وعسف على الناس وإذاعة للمنكر وعمل به ودوام عليه وإقرار له.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga pagkakasala, pinakamalaki sa mga ito, pinakamatindi sa mga ito, at pinakamalaswa sa mga ito ay ang pagkuha sa anumang hindi nagigindapat kunin ayon sa Batas ng Islām gaya ng mga gawaing pampananalapi sa pamamagitan ng paniniil at pamimilit sapagkat ito ay pangangamkam, kawalang-katarungan, paniniil sa mga tao, pagkakalat ng nakasasama, paggawa nito, pamamalagi rito, at pagkilala rito.

 
Përkthimi i kuptimeve Ajeti: (86) Surja: Suretu El A’raf
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Përmbajtja e përkthimeve

Libri "El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim" i përkthyer në filipinisht (tagalogisht) - Botuar nga Qendra e Tefsirit për Studime Kuranore.

Mbyll