Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: El Bekare   Ajeti:
۞ وَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ فِيٓ أَيَّامٖ مَّعۡدُودَٰتٖۚ فَمَن تَعَجَّلَ فِي يَوۡمَيۡنِ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِ وَمَن تَأَخَّرَ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۖ لِمَنِ ٱتَّقَىٰۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّكُمۡ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
Alalahanin ninyo si Allāh sa mga araw na binilang,[52] ngunit ang sinumang nagmadali [sa paglisan sa Minā] sa dalawang araw[53] ay walang kasalanan sa kanya at ang sinumang naantala[54] ay walang kasalanan sa kanya: sa sinumang nangilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na kayo ay tungo sa Kanya kakalapin.
[52] sa lambak ng Minā sa ika-11, ika-12, at ika-13 ng buwan ng Dhulḥijjah para sa mga nagsasagawa ng ḥajj.
[53] hanggang sa ika-12 ng Dhulḥijjah.
[54] hanggang sa ika-13 ng Dhulḥijjah.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُعۡجِبُكَ قَوۡلُهُۥ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَيُشۡهِدُ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا فِي قَلۡبِهِۦ وَهُوَ أَلَدُّ ٱلۡخِصَامِ
Mayroon sa mga tao na nagpapahanga sa iyo ang sabi niya hinggil sa buhay na pangmundo at nagpapasaksi siya kay Allāh sa nasa puso niya samantalang siya ay pinakapalaban sa mga kaalitan.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَإِذَا تَوَلَّىٰ سَعَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيُفۡسِدَ فِيهَا وَيُهۡلِكَ ٱلۡحَرۡثَ وَٱلنَّسۡلَۚ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلۡفَسَادَ
Kapag tumalikod siya ay nagpupunyagi siya sa lupa upang manggulo rito at mamuksa ng mga pananim at mga hayupan. Si Allāh ay hindi umiibig sa kaguluhan.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَإِذَا قِيلَ لَهُ ٱتَّقِ ٱللَّهَ أَخَذَتۡهُ ٱلۡعِزَّةُ بِٱلۡإِثۡمِۚ فَحَسۡبُهُۥ جَهَنَّمُۖ وَلَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
Kapag sinabi sa kanya: “Mangilag kang magkasala kay Allāh,” tumatangay sa kanya ang kapalaluan dahil sa kasalanan. Kaya kasapatan sa kanya ang Impiyerno. Talagang kay saklap ang himlayan!
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَشۡرِي نَفۡسَهُ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ رَءُوفُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Mayroon sa mga tao na nagbibili ng sarili niya dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh. Si Allāh ay Mahabagin sa mga lingkod.
Tefsiret në gjuhën arabe:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱدۡخُلُواْ فِي ٱلسِّلۡمِ كَآفَّةٗ وَلَا تَتَّبِعُواْ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ
O mga sumampalataya, magsipasok kayo sa pagkapasakop nang lubusan at huwag kayong sumunod sa mga yapak ng demonyo; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَإِن زَلَلۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡكُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Ngunit kung natisod kayo matapos na dumating sa inyo ang mga malinaw na patunay, alamin ninyo na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Tefsiret në gjuhën arabe:
هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّآ أَن يَأۡتِيَهُمُ ٱللَّهُ فِي ظُلَلٖ مِّنَ ٱلۡغَمَامِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila si Allāh na nasa mga lilim ng mga ulap at [gayon din] ang mga anghel at pinagpasyahan na ang usapin? Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin.
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: El Bekare
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll