Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: El Haxh   Ajeti:
ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٖ لِّلَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡۚ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; hahatol Siya sa pagitan nila. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga hardin ng kaginhawahan.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ قُتِلُوٓاْ أَوۡ مَاتُواْ لَيَرۡزُقَنَّهُمُ ٱللَّهُ رِزۡقًا حَسَنٗاۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ
Ang mga lumikas sa landas ni Allāh, pagkatapos napatay sila o namatay sila, ay talagang magtutustos sa kanila si Allāh ng isang panustos na maganda. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos.
Tefsiret në gjuhën arabe:
لَيُدۡخِلَنَّهُم مُّدۡخَلٗا يَرۡضَوۡنَهُۥۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَعَلِيمٌ حَلِيمٞ
Talagang magpapapasok nga Siya sa kanila sa isang pinagpapasukang kalulugdan nila. Tunay na si Allāh ay talagang Maalam, Matimpiin.
Tefsiret në gjuhën arabe:
۞ ذَٰلِكَۖ وَمَنۡ عَاقَبَ بِمِثۡلِ مَا عُوقِبَ بِهِۦ ثُمَّ بُغِيَ عَلَيۡهِ لَيَنصُرَنَّهُ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٞ
Iyon nga. Ang sinumang nagpasakit ng tulad sa ipinasakit sa kanya, pagkatapos siniil siya, talagang mag-aadya nga sa kanya si Allāh. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
Tefsiret në gjuhën arabe:
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَأَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٞ
Iyon ay dahil si Allāh ay nagpapalagos ng gabi sa maghapon at nagpapalagos ng maghapon sa gabi at dahil si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
Tefsiret në gjuhën arabe:
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ هُوَ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ
Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at dahil si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.
Tefsiret në gjuhën arabe:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَتُصۡبِحُ ٱلۡأَرۡضُ مُخۡضَرَّةًۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٞ
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya ang lupa ay nagiging luntian? Tunay na si Allāh ay Mapagtalos, Mapagbatid.
Tefsiret në gjuhën arabe:
لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang sa nasa lupa. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: El Haxh
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll