Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: Esh Shuara   Ajeti:
وَٱجۡعَل لِّي لِسَانَ صِدۡقٖ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Gumawa Ka para sa akin ng isang magandang pagbubunyi sa mga huling [salinlahi].
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَٱجۡعَلۡنِي مِن وَرَثَةِ جَنَّةِ ٱلنَّعِيمِ
Gumawa Ka sa akin na kabilang sa mga tagapagmana ng Hardin ng Kaginhawahan.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَٱغۡفِرۡ لِأَبِيٓ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ
Magpatawad Ka sa ama ko; tunay na siya noon ay kabilang sa mga ligaw.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَلَا تُخۡزِنِي يَوۡمَ يُبۡعَثُونَ
Huwag Kang magpahiya sa akin sa araw na bubuhayin sila:
Tefsiret në gjuhën arabe:
يَوۡمَ لَا يَنفَعُ مَالٞ وَلَا بَنُونَ
sa Araw na walang makapagpapakinabang na yaman ni mga anak,
Tefsiret në gjuhën arabe:
إِلَّا مَنۡ أَتَى ٱللَّهَ بِقَلۡبٖ سَلِيمٖ
maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas.[6]
[6] na walang shirk dito, walang pagpapaimbabaw, at walang kapalaluan
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ
Ilalapit ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِلۡغَاوِينَ
Itatanghal ang Impiyerno sa mga nalilisya.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَقِيلَ لَهُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ
Sasabihin sa kanila: “Nasaan na ang dati ninyong sinasamba
Tefsiret në gjuhën arabe:
مِن دُونِ ٱللَّهِ هَلۡ يَنصُرُونَكُمۡ أَوۡ يَنتَصِرُونَ
bukod pa kay Allāh? Mag-aadya kaya sila sa inyo o maiaadya sila?
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَكُبۡكِبُواْ فِيهَا هُمۡ وَٱلۡغَاوُۥنَ
Kaya ibubulid sila nang pasubsob doon [sa Impiyerno]: sila at ang mga nalilisya,
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَجُنُودُ إِبۡلِيسَ أَجۡمَعُونَ
at ang mga kawal ni Satanas, na magkakasama.
Tefsiret në gjuhën arabe:
قَالُواْ وَهُمۡ فِيهَا يَخۡتَصِمُونَ
Magsasabi sila habang sila roon ay nag-aalitan:
Tefsiret në gjuhën arabe:
تَٱللَّهِ إِن كُنَّا لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
“Sumpa man kay Allāh, tunay na kami dati ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw,
Tefsiret në gjuhën arabe:
إِذۡ نُسَوِّيكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
noong nagpapantay kami sa inyo sa Panginoon ng mga nilalang.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَمَآ أَضَلَّنَآ إِلَّا ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Walang nagligaw sa amin kundi ang mga salarin.[7]
[7] na nag-anyaya sa amin sa pagsamba sa iba pa kay Allāh
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَمَا لَنَا مِن شَٰفِعِينَ
Kaya walang ukol sa amin na anumang mga tagapamagitan,
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَلَا صَدِيقٍ حَمِيمٖ
ni kaibigang malapit.
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَلَوۡ أَنَّ لَنَا كَرَّةٗ فَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya kung sakaling mayroon kaming panunumbalik [sa Mundo], kami ay magiging kabilang sa mga mananampalataya.
Tefsiret në gjuhën arabe:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
Tefsiret në gjuhën arabe:
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ نُوحٍ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo
Tefsiret në gjuhën arabe:
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ نُوحٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Noe: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
Tefsiret në gjuhën arabe:
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.”
Tefsiret në gjuhën arabe:
۞ قَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لَكَ وَٱتَّبَعَكَ ٱلۡأَرۡذَلُونَ
Nagsabi sila: “Maniniwala ba kami sa iyo samantalang sumunod sa iyo ang mga pinakahamak?”
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: Esh Shuara
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll