Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: Ali Imran   Ajeti:
ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَآ إِنَّنَآ ءَامَنَّا فَٱغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَا وَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ
Ang mga nagsasabi: “Panginoon Namin, tunay na kami ay sumampalataya kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.”
Tefsiret në gjuhën arabe:
ٱلصَّٰبِرِينَ وَٱلصَّٰدِقِينَ وَٱلۡقَٰنِتِينَ وَٱلۡمُنفِقِينَ وَٱلۡمُسۡتَغۡفِرِينَ بِٱلۡأَسۡحَارِ
[Sila] ang mga matiisin, ang mga tapat,[2] ang mga masunurin, ang mga gumugugol,[3] at ang mga humihingi ng tawad sa mga huling bahagi ng gabi.
[2] sa mga sinasabi nila at mga ginagawa nila
[3] sa landas ni Allāh
Tefsiret në gjuhën arabe:
شَهِدَ ٱللَّهُ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَأُوْلُواْ ٱلۡعِلۡمِ قَآئِمَۢا بِٱلۡقِسۡطِۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Tefsiret në gjuhën arabe:
إِنَّ ٱلدِّينَ عِندَ ٱللَّهِ ٱلۡإِسۡلَٰمُۗ وَمَا ٱخۡتَلَفَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām. Hindi nagkaiba-iba ang mga binigyan ng kasulatan kundi matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Ang sinumang tatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَإِنۡ حَآجُّوكَ فَقُلۡ أَسۡلَمۡتُ وَجۡهِيَ لِلَّهِ وَمَنِ ٱتَّبَعَنِۗ وَقُل لِّلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡأُمِّيِّـۧنَ ءَأَسۡلَمۡتُمۡۚ فَإِنۡ أَسۡلَمُواْ فَقَدِ ٱهۡتَدَواْۖ وَّإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Kaya kung nangatwiran sila sa iyo [O Propeta Muḥammad] ay sabihin mo: “Nagpasakop ako ng mukha ko kay Allāh at ang sinumang sumunod sa akin.” Sabihin mo sa mga binigyan ng Kasulatan at mga iliterato:[4] “Nagpasakop ba kayo?” Kung nagpasakop sila ay napatnubayan nga sila; at kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot. Si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod.
[4] mga walang Kasulatan
Tefsiret në gjuhën arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَيَقۡتُلُونَ ٱلَّذِينَ يَأۡمُرُونَ بِٱلۡقِسۡطِ مِنَ ٱلنَّاسِ فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, pumapatay sa mga propeta nang walang isang karapatan, at pumapatay sa mga nag-uutos sa pagkamakatarungan kabilang sa mga tao ay magbalita ka sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
Tefsiret në gjuhën arabe:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ
Ang mga iyon ay ang mga nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay, at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya.
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: Ali Imran
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll