Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: Ez Zuhruf   Ajeti:
وَلِبُيُوتِهِمۡ أَبۡوَٰبٗا وَسُرُرًا عَلَيۡهَا يَتَّكِـُٔونَ
at para sa mga bahay nila ng mga pinto, mga kama [na pilak,] na sa mga ito sasandal sila,
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَزُخۡرُفٗاۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَٱلۡأٓخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُتَّقِينَ
at [ibang] palamuting ginto. Walang iba ang lahat ng iyon kundi natatamasa sa buhay na pangmundo. Ang Kabilang-buhay sa ganang Panginoon mo ay para sa mga tagapangilag magkasala.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَمَن يَعۡشُ عَن ذِكۡرِ ٱلرَّحۡمَٰنِ نُقَيِّضۡ لَهُۥ شَيۡطَٰنٗا فَهُوَ لَهُۥ قَرِينٞ
Ang sinumang nabubulagan sa pag-alaala sa Napakamaawain ay magtatalaga para sa kanya ng isang demonyo, kaya ito para sa kanya ay isang kapisan [na dumidikit].
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَإِنَّهُمۡ لَيَصُدُّونَهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ
Tunay na ang mga ito ay talagang sumasagabal sa kanila sa landas [ng Islām] habang nag-aakala sila na sila ay mga napapatnubayan;
Tefsiret në gjuhën arabe:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَنَا قَالَ يَٰلَيۡتَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَ بُعۡدَ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرِينُ
hanggang sa nang dumating siya sa Amin ay magsasabi siya[9] [sa kapisang demonyo]: “O kung sana sa pagitan ko at pagitan mo ay layo ng dalawang silangan sapagkat kay saklap ang kapisan!”
[9] ang tagatangging sumampalataya
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَلَن يَنفَعَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ إِذ ظَّلَمۡتُمۡ أَنَّكُمۡ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ
Hindi magpapakinabang sa inyo sa Araw na iyon yayamang lumabag kayo sa katarungan, na kayo sa pagdurusa ay mga magkalahok.
Tefsiret në gjuhën arabe:
أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ أَوۡ تَهۡدِي ٱلۡعُمۡيَ وَمَن كَانَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Kaya ikaw ba ay nagpaparinig sa mga bingi o nagpapatnubay sa mga bulag at sinumang naging nasa isang pagkaligaw na malinaw?
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَإِمَّا نَذۡهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنۡهُم مُّنتَقِمُونَ
Kaya alin sa dalawa: mag-aalis nga Kami sa iyo saka tunay na Kami sa kanila ay maghihiganti,
Tefsiret në gjuhën arabe:
أَوۡ نُرِيَنَّكَ ٱلَّذِي وَعَدۡنَٰهُمۡ فَإِنَّا عَلَيۡهِم مُّقۡتَدِرُونَ
o magpapakita nga Kami sa iyo ng ipinangako Namin sa kanila saka tunay na Kami sa kanila ay Tagakaya.
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَٱسۡتَمۡسِكۡ بِٱلَّذِيٓ أُوحِيَ إِلَيۡكَۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Kaya mangunyapit ka sa [Qur’ān na ito na] ikinasi sa iyo; tunay na ikaw ay nasa isang landasing tuwid.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَإِنَّهُۥ لَذِكۡرٞ لَّكَ وَلِقَوۡمِكَۖ وَسَوۡفَ تُسۡـَٔلُونَ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang paalaala para sa iyo at para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo [hinggil dito].
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَسۡـَٔلۡ مَنۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رُّسُلِنَآ أَجَعَلۡنَا مِن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ءَالِهَةٗ يُعۡبَدُونَ
Magtanong ka sa mga isinugo Namin bago mo pa kabilang sa mga sugo Namin kung nagtalaga ba, bukod pa sa Napakamaawain, ng mga diyos na sasambahin?
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises, kalakip ng mga tanda Namin, kay Paraon at sa konseho nito kaya nagsabi siya: “Tunay na ako ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang.”
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَلَمَّا جَآءَهُم بِـَٔايَٰتِنَآ إِذَا هُم مِّنۡهَا يَضۡحَكُونَ
Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga tanda Namin, biglang sila sa mga ito ay tumatawa.
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: Ez Zuhruf
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll