Check out the new design

அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: அல்கஸஸ்   வசனம்:
وَلَمَّا تَوَجَّهَ تِلۡقَآءَ مَدۡيَنَ قَالَ عَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يَهۡدِيَنِي سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
Noong nakadako siya sa bandang Madyan ay nagsabi [si Moises]: “Marahil ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin sa katumpakan ng landas.”
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَمَّا وَرَدَ مَآءَ مَدۡيَنَ وَجَدَ عَلَيۡهِ أُمَّةٗ مِّنَ ٱلنَّاسِ يَسۡقُونَ وَوَجَدَ مِن دُونِهِمُ ٱمۡرَأَتَيۡنِ تَذُودَانِۖ قَالَ مَا خَطۡبُكُمَاۖ قَالَتَا لَا نَسۡقِي حَتَّىٰ يُصۡدِرَ ٱلرِّعَآءُۖ وَأَبُونَا شَيۡخٞ كَبِيرٞ
Noong nakarating siya sa tubigan ng Madyan, nakatagpo siya roon ng isang kalipunan ng mga tao na nagpapainom [ng kawan] at nakatagpo siya bukod pa sa kanila ng dalawang babaing pumipigil [sa kawan]. Nagsabi [si Moises]: “Ano ang lagay ninyong dalawa?” Nagsabi silang dalawa: “Hindi kami nagpapainom [ng kawan] hanggang sa magpaalis ang mga pastol [ng kawan nila]. Ang ama namin ay lubhang matanda.”
அரபு விரிவுரைகள்:
فَسَقَىٰ لَهُمَا ثُمَّ تَوَلَّىٰٓ إِلَى ٱلظِّلِّ فَقَالَ رَبِّ إِنِّي لِمَآ أَنزَلۡتَ إِلَيَّ مِنۡ خَيۡرٖ فَقِيرٞ
Kaya nagpainom [si Moises sa kawan] para sa kanilang dalawa. Pagkatapos tumalikod siya patungo sa lilim saka nagsabi: “Panginoon ko, tunay na ako, sa pinababa Mo sa akin na anumang biyaya, ay maralita.”
அரபு விரிவுரைகள்:
فَجَآءَتۡهُ إِحۡدَىٰهُمَا تَمۡشِي عَلَى ٱسۡتِحۡيَآءٖ قَالَتۡ إِنَّ أَبِي يَدۡعُوكَ لِيَجۡزِيَكَ أَجۡرَ مَا سَقَيۡتَ لَنَاۚ فَلَمَّا جَآءَهُۥ وَقَصَّ عَلَيۡهِ ٱلۡقَصَصَ قَالَ لَا تَخَفۡۖ نَجَوۡتَ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Saka dumating sa kanya ang isa sa dalawang babae, na naglalakad nang mahiyain. Nagsabi ito: “Tunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo upang gumanti siya sa iyo ng pabuya sa pagpainom mo [sa kawan namin] para sa amin.” Kaya noong dumating siya roon at nagsalaysay siya roon ng mga kasaysayan [niya], nagsabi iyon: “Huwag kang mangamba; naligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
அரபு விரிவுரைகள்:
قَالَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا يَٰٓأَبَتِ ٱسۡتَـٔۡجِرۡهُۖ إِنَّ خَيۡرَ مَنِ ٱسۡتَـٔۡجَرۡتَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡأَمِينُ
Nagsabi ang isa sa dalawang babae: “O Ama ko, upahan mo siya; tunay na ang pinakamabuti na sinumang upahan mo ay ang malakas na mapagkakatiwalaan.”
அரபு விரிவுரைகள்:
قَالَ إِنِّيٓ أُرِيدُ أَنۡ أُنكِحَكَ إِحۡدَى ٱبۡنَتَيَّ هَٰتَيۡنِ عَلَىٰٓ أَن تَأۡجُرَنِي ثَمَٰنِيَ حِجَجٖۖ فَإِنۡ أَتۡمَمۡتَ عَشۡرٗا فَمِنۡ عِندِكَۖ وَمَآ أُرِيدُ أَنۡ أَشُقَّ عَلَيۡكَۚ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Nagsabi iyon: “Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal ko sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong magpaupa ka sa akin nang walong taon, ngunit kung lulubusin mo sa sampung [taon] ay nasa ganang iyo. Hindi ako nagnanais na magpabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos.”
அரபு விரிவுரைகள்:
قَالَ ذَٰلِكَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَۖ أَيَّمَا ٱلۡأَجَلَيۡنِ قَضَيۡتُ فَلَا عُدۡوَٰنَ عَلَيَّۖ وَٱللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٞ
Nagsabi [si Moises]: “Iyon ay [kasunduan] sa pagitan ko at sa pagitan mo. Alin man sa dalawang taning na matatapos ko ay walang paglabag sa akin. Si Allāh sa anumang sinasabi natin ay Pinananaligan.”
அரபு விரிவுரைகள்:
 
மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: அல்கஸஸ்
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

அர்ருவ்வாத் மொழிபெயர்ப்பு மையத்தின் குழு அல்-ரப்வா அழைப்பு சங்கம் மற்றும் பல் மொழிகளில் இஸ்லாமிய உள்ளடக்கத்திற்கு சேவை செய்யும் சங்கத்துடன் இணைந்து மொழிபெயர்த்துள்ளது.

மூடுக