அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன்ஸ் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: ஸூரா அத்துகான்   வசனம்:

Ad-Dukhān

حمٓ
Ḥā. Mīm. [554]
[554] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Sumpa man sa Aklat na naglilinaw,
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةٖ مُّبَٰرَكَةٍۚ إِنَّا كُنَّا مُنذِرِينَ
tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing biniyayaan. Tunay Kami ay laging Tagapagbabala [sa tao at jinn].
அரபு விரிவுரைகள்:
فِيهَا يُفۡرَقُ كُلُّ أَمۡرٍ حَكِيمٍ
Sa [gabing] ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak,
அரபு விரிவுரைகள்:
أَمۡرٗا مِّنۡ عِندِنَآۚ إِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ
bilang usaping mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagsusugo,
அரபு விரிவுரைகள்:
رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
அரபு விரிவுரைகள்:
رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ
Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay mga nakatityak.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Walang Diyos kundi Siya, nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga sinauna.
அரபு விரிவுரைகள்:
بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ يَلۡعَبُونَ
Bagkus sila ay nasa isang pagdududa, na naglalaro.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَٱرۡتَقِبۡ يَوۡمَ تَأۡتِي ٱلسَّمَآءُ بِدُخَانٖ مُّبِينٖ
Kaya mag-abang ka sa Araw na magdadala ang langit ng isang usok na malinaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَغۡشَى ٱلنَّاسَۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Babalot ito sa mga tao; ito ay isang pagdurusang masakit.
அரபு விரிவுரைகள்:
رَّبَّنَا ٱكۡشِفۡ عَنَّا ٱلۡعَذَابَ إِنَّا مُؤۡمِنُونَ
Panginoon Namin, pumawi Ka sa amin ng pagdurusa [dahil sa tagtuyot]; tunay na Kami ay mga mananampalataya.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَنَّىٰ لَهُمُ ٱلذِّكۡرَىٰ وَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مُّبِينٞ
Paanong ukol sa kanila ang paalaala gayong may dumating ng sa kanilang isang Sugong malinaw [na si Propeta Muḥammad]?
அரபு விரிவுரைகள்:
ثُمَّ تَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ وَقَالُواْ مُعَلَّمٞ مَّجۡنُونٌ
Pagkatapos tumalikod sila palayo sa kanya at nagsabi sila: “Isang baliw na tinuruan [ng iba].”
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّا كَاشِفُواْ ٱلۡعَذَابِ قَلِيلًاۚ إِنَّكُمۡ عَآئِدُونَ
Tunay na Kami ay papawi ng pagdurusa nang kaunti. Tunay na kayo ay mga manunumbalik.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَوۡمَ نَبۡطِشُ ٱلۡبَطۡشَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ إِنَّا مُنتَقِمُونَ
Sa Araw [ng Labanan sa Badr] na susunggab Kami [sa kanila] ng pagsunggab na pinakamalaki, tunay na Kami ay maghihiganti.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ وَلَقَدۡ فَتَنَّا قَبۡلَهُمۡ قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَ وَجَآءَهُمۡ رَسُولٞ كَرِيمٌ
Talaga ngang sumubok Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal [na si Moises],
அரபு விரிவுரைகள்:
أَنۡ أَدُّوٓاْ إِلَيَّ عِبَادَ ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
na [nagsasabi]: “Ipaubaya ninyo sa akin ang mga [anak ni Israel na] lingkod Ni Allāh – tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan –
அரபு விரிவுரைகள்:
وَأَن لَّا تَعۡلُواْ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنِّيٓ ءَاتِيكُم بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
at na huwag kayong magmataas kay Allāh; tunay na ako ay pumupunta sa inyo nang may kapamahalaang malinaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِنِّي عُذۡتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمۡ أَن تَرۡجُمُونِ
Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka bumato kayo sa akin.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِن لَّمۡ تُؤۡمِنُواْ لِي فَٱعۡتَزِلُونِ
Kung hindi kayo naniwala sa akin ay lumayo kayo sa akin.”
அரபு விரிவுரைகள்:
فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٞ مُّجۡرِمُونَ
Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya na ang mga ito ay mga taong salarin.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَأَسۡرِ بِعِبَادِي لَيۡلًا إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ
Kaya [nag-utos si Allāh]: “Kaya maglakbay ka kasabay ng mga [anak ni Israel na] lingkod Ko sa isang gabi; tunay na kayo ay mga susundan.”
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱتۡرُكِ ٱلۡبَحۡرَ رَهۡوًاۖ إِنَّهُمۡ جُندٞ مُّغۡرَقُونَ
Iwan mo ang dagat nang payapa; tunay na sila ay mga kawal na malulunod.
அரபு விரிவுரைகள்:
كَمۡ تَرَكُواْ مِن جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ
Kay rami ng iniwan nila na mga hardin at mga bukal,
அரபு விரிவுரைகள்:
وَزُرُوعٖ وَمَقَامٖ كَرِيمٖ
mga pananim at pinanatilihang marangal,
அரபு விரிவுரைகள்:
وَنَعۡمَةٖ كَانُواْ فِيهَا فَٰكِهِينَ
at biyayang sila dati roon ay mga nagpapasarap!
அரபு விரிவுரைகள்:
كَذَٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَٰهَا قَوۡمًا ءَاخَرِينَ
Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga ibang tao.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَمَا بَكَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلسَّمَآءُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَا كَانُواْ مُنظَرِينَ
Kaya hindi umiyak sa kanila ang langit at ang lupa at sila noon ay hindi mga ipagpapaliban.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَقَدۡ نَجَّيۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ مِنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡمُهِينِ
Talaga ngang nagligtas Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang manghahamak
அரபு விரிவுரைகள்:
مِن فِرۡعَوۡنَۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَالِيٗا مِّنَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
mula kay Paraon. Tunay na siya dati ay nagmamataas kabilang sa mga nagpapakalabis.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَقَدِ ٱخۡتَرۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ عِلۡمٍ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talaga ngang pumili Kami sa kanila [na mga anak ni Israel] ayon sa kaalaman, higit sa mga nilalang [ng panahon nila].
அரபு விரிவுரைகள்:
وَءَاتَيۡنَٰهُم مِّنَ ٱلۡأٓيَٰتِ مَا فِيهِ بَلَٰٓؤٞاْ مُّبِينٌ
Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda na may isang pagsubok na malinaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَيَقُولُونَ
Tunay na ang mga [tagapagtambal] ito ay talagang nagsasabi:
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنۡ هِيَ إِلَّا مَوۡتَتُنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُنشَرِينَ
“Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una at kami ay hindi mga bubuhayin.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَأۡتُواْ بِـَٔابَآئِنَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Kaya maglahad kayo ng mga magulang namin kung kayo ay mga tapat.”
அரபு விரிவுரைகள்:
أَهُمۡ خَيۡرٌ أَمۡ قَوۡمُ تُبَّعٖ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ مُجۡرِمِينَ
Sila ba ay higit na mabuti o ang mga tao ng Tubba` at ang mga bago pa nila, na ipinahamak Namin [dahil sa kasalanan]? Tunay na sila ay mga salarin noon.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا لَٰعِبِينَ
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito nang naglalaro.
அரபு விரிவுரைகள்:
مَا خَلَقۡنَٰهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Hindi Kami lumikha ng mga ito malibang ayon sa katotohanan subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ مِيقَٰتُهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay tipanan nila nang magkakasama,
அரபு விரிவுரைகள்:
يَوۡمَ لَا يُغۡنِي مَوۡلًى عَن مَّوۡلٗى شَيۡـٔٗا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
sa Araw na walang magpapakinabang na isang pinagpapatangkilikan sa isang nagpapatangkilik ng anuman ni sila ay iaadya,
அரபு விரிவுரைகள்:
إِلَّا مَن رَّحِمَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh; tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ شَجَرَتَ ٱلزَّقُّومِ
Tunay na ang puno ng Zaqqūm
அரபு விரிவுரைகள்:
طَعَامُ ٱلۡأَثِيمِ
ay pagkain ng makasalanan.
அரபு விரிவுரைகள்:
كَٱلۡمُهۡلِ يَغۡلِي فِي ٱلۡبُطُونِ
Gaya ng latak ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan [nila],
அரபு விரிவுரைகள்:
كَغَلۡيِ ٱلۡحَمِيمِ
gaya ng pagkulo ng nakapapasong tubig.
அரபு விரிவுரைகள்:
خُذُوهُ فَٱعۡتِلُوهُ إِلَىٰ سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ
[Sasabihin]: “Kunin ninyo siya at kaladkarin ninyo siya patungo sa kalagitnaan ng Impiyerno.
அரபு விரிவுரைகள்:
ثُمَّ صُبُّواْ فَوۡقَ رَأۡسِهِۦ مِنۡ عَذَابِ ٱلۡحَمِيمِ
Pagkatapos magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo niya mula sa pagdurusa sa nakapapasong tubig.
அரபு விரிவுரைகள்:
ذُقۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡكَرِيمُ
Lasapin mo; tunay na ikaw ay ang makapangyarihan, ang mapagbigay.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ هَٰذَا مَا كُنتُم بِهِۦ تَمۡتَرُونَ
Tunay na ito ay ang [bagay na] dati kayo hinggil dito ay nagtataltalan.”
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي مَقَامٍ أَمِينٖ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa pinananatilihang ligtas,
அரபு விரிவுரைகள்:
فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ
sa mga hardin at mga bukal,
அரபு விரிவுரைகள்:
يَلۡبَسُونَ مِن سُندُسٖ وَإِسۡتَبۡرَقٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
na magsusuot ng manipis na sutla at makapal na sutla, na mga magkaharapan.
அரபு விரிவுரைகள்:
كَذَٰلِكَ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينٖ
Gayon nga, at ipakakasal Namin sila sa mga dilag na may maningning na mata.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَدۡعُونَ فِيهَا بِكُلِّ فَٰكِهَةٍ ءَامِنِينَ
Mananawagan sila roon ng bawat bungang-kahoy habang mga natitiwasay.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَا يَذُوقُونَ فِيهَا ٱلۡمَوۡتَ إِلَّا ٱلۡمَوۡتَةَ ٱلۡأُولَىٰۖ وَوَقَىٰهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ
Hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay at magsasanggalang Siya sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno
அரபு விரிவுரைகள்:
فَضۡلٗا مِّن رَّبِّكَۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
bilang kabutihang-loob mula sa Panginoon mo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَإِنَّمَا يَسَّرۡنَٰهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Kaya nagpadali lamang Kami nito sa dila mo nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَٱرۡتَقِبۡ إِنَّهُم مُّرۡتَقِبُونَ
Kaya mag-abang ka [ng wakas nila]; tunay na sila ay mga nag-aabang.
அரபு விரிவுரைகள்:
 
மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: ஸூரா அத்துகான்
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன்ஸ் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

புனித அல் குர்ஆனுக்கான பிலிப்பீனோ (தகலாகு) மொழிபெயர்ப்பு- அர்ருவ்வாத் மொழிபெயர்ப்பு நிலையத்தின் ஆய்வுக்குழு தாருல் இஸ்லாம் இணையத்தளத்துடன் இணைந்து மொழிபெயர்த்தது.

மூடுக