Check out the new design

அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: அல்அஃராப்   வசனம்:
وَلَقَدۡ ذَرَأۡنَا لِجَهَنَّمَ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ لَهُمۡ قُلُوبٞ لَّا يَفۡقَهُونَ بِهَا وَلَهُمۡ أَعۡيُنٞ لَّا يُبۡصِرُونَ بِهَا وَلَهُمۡ ءَاذَانٞ لَّا يَسۡمَعُونَ بِهَآۚ أُوْلَٰٓئِكَ كَٱلۡأَنۡعَٰمِ بَلۡ هُمۡ أَضَلُّۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡغَٰفِلُونَ
Talaga ngang lumalang Kami para sa Impiyerno ng marami kabilang sa jinn at tao. Mayroon silang mga puso na hindi sila nakauunawa sa pamamagitan ng mga ito, mayroon silang mga mata na hindi sila nakakikita sa pamamagitan ng mga ito, at mayroon silang mga tainga na hindi sila nakaririnig sa pamamagitan ng mga ito. Ang mga iyon ay gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلِلَّهِ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰ فَٱدۡعُوهُ بِهَاۖ وَذَرُواْ ٱلَّذِينَ يُلۡحِدُونَ فِيٓ أَسۡمَٰٓئِهِۦۚ سَيُجۡزَوۡنَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Taglay ni Allāh ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga lumalapastangan sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمِمَّنۡ خَلَقۡنَآ أُمَّةٞ يَهۡدُونَ بِٱلۡحَقِّ وَبِهِۦ يَعۡدِلُونَ
Mayroon sa nilikha Namin na isang kalipunang nagpapatnubay ayon sa katotohanan at ayon dito ay nagpapatupad ng katarungan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا سَنَسۡتَدۡرِجُهُم مِّنۡ حَيۡثُ لَا يَعۡلَمُونَ
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay magpapain Kami sa kanila mula sa kung saan hindi nila nalalaman.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَأُمۡلِي لَهُمۡۚ إِنَّ كَيۡدِي مَتِينٌ
Magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang panlalansi Ko ay matibay.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَوَلَمۡ يَتَفَكَّرُواْۗ مَا بِصَاحِبِهِم مِّن جِنَّةٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Hindi ba sila nag-isip-isip? Sa kasamahan nila [na si Muḥammad] ay walang anumang kabaliwan. Walang iba siya kundi isang mapagbabalang malinaw [ng parusa ni Allāh].
அரபு விரிவுரைகள்:
أَوَلَمۡ يَنظُرُواْ فِي مَلَكُوتِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا خَلَقَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٖ وَأَنۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ قَدِ ٱقۡتَرَبَ أَجَلُهُمۡۖ فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَهُۥ يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba sila tumingin sa kaharian ng mga langit at lupa at nilikha ni Allāh na bagay, at na marahil maging napalapit na ang taning nila? Kaya sa aling pag-uusap matapos nito sasampalataya sila?
அரபு விரிவுரைகள்:
مَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَا هَادِيَ لَهُۥۚ وَيَذَرُهُمۡ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang tagapagpatnubay para sa kanya. Nagpapabaya Siya sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَاۖ قُلۡ إِنَّمَا عِلۡمُهَا عِندَ رَبِّيۖ لَا يُجَلِّيهَا لِوَقۡتِهَآ إِلَّا هُوَۚ ثَقُلَتۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَا تَأۡتِيكُمۡ إِلَّا بَغۡتَةٗۗ يَسۡـَٔلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِيٌّ عَنۡهَاۖ قُلۡ إِنَّمَا عِلۡمُهَا عِندَ ٱللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali: Kailan ang pagdaong niyon? Sabihin mo: “Ang kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang; walang maglalantad dito para sa oras nito kundi Siya. Bumigat ito sa mga langit at lupa. Hindi ito pupunta sa inyo malibang biglaan.” Nagtatanong sila sa iyo na para bang ikaw ay mausisa tungkol dito. Sabihin mo: “Ang kaalaman dito ay nasa Panginoon ko lamang, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.”
அரபு விரிவுரைகள்:
 
மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: அல்அஃராப்
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

அர்ருவ்வாத் மொழிபெயர்ப்பு மையத்தின் குழு அல்-ரப்வா அழைப்பு சங்கம் மற்றும் பல் மொழிகளில் இஸ்லாமிய உள்ளடக்கத்திற்கு சேவை செய்யும் சங்கத்துடன் இணைந்து மொழிபெயர்த்துள்ளது.

மூடுக