పవిత్ర ఖురాన్ యొక్క భావార్థాల అనువాదం - ఫిలిపినో అనువాదం (తగలాగ్) * - అనువాదాల విషయసూచిక

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

భావార్ధాల అనువాదం సూరహ్: సూరహ్ అల్ ఖమర్   వచనం:

Al-Qamar

ٱقۡتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلۡقَمَرُ
Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak[601] ang buwan [sa dalawa].
[601] o nabaak.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَإِن يَرَوۡاْ ءَايَةٗ يُعۡرِضُواْ وَيَقُولُواْ سِحۡرٞ مُّسۡتَمِرّٞ
Kung makakikita sila [na mga tagatangging sumampalataya] ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: “Isang panggagaway na nagpapatuloy.”
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَكَذَّبُواْ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَكُلُّ أَمۡرٖ مُّسۡتَقِرّٞ
Nagpasinungaling sila [sa Qur’ān] at sumunod sila sa mga pithaya nila. Bawat bagay ay mananahan.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّنَ ٱلۡأَنۢبَآءِ مَا فِيهِ مُزۡدَجَرٌ
Talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita [ng mga kalipunan] ang may pantaboy [sa kawalang-pananampalataya].
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
حِكۡمَةُۢ بَٰلِغَةٞۖ فَمَا تُغۡنِ ٱلنُّذُرُ
[Ang Qur’ān ay] isang masidhing karunungan, ngunit hindi nagpapakinabang [sa kanila] ang mga babala.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡۘ يَوۡمَ يَدۡعُ ٱلدَّاعِ إِلَىٰ شَيۡءٖ نُّكُرٍ
Kaya tumalikod ka sa kanila [hanggang] sa araw na mananawagan ang [anghel na] tagapanawagan tungo sa isang bagay na kakila-kilabot.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
خُشَّعًا أَبۡصَٰرُهُمۡ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ كَأَنَّهُمۡ جَرَادٞ مُّنتَشِرٞ
Habang mga nagtataimtim ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat,
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
مُّهۡطِعِينَ إِلَى ٱلدَّاعِۖ يَقُولُ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَسِرٞ
na mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay isang araw na mahirap.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
۞ كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ فَكَذَّبُواْ عَبۡدَنَا وَقَالُواْ مَجۡنُونٞ وَٱزۡدُجِرَ
Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin [na si Noe] at nagsabi silang baliw [siya] at ipinagtabuyan siya.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَغۡلُوبٞ فَٱنتَصِرۡ
Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: “Tunay na ako ay nadaig kaya mag-adya Ka.”
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَفَتَحۡنَآ أَبۡوَٰبَ ٱلسَّمَآءِ بِمَآءٖ مُّنۡهَمِرٖ
Kaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَفَجَّرۡنَا ٱلۡأَرۡضَ عُيُونٗا فَٱلۡتَقَى ٱلۡمَآءُ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ قَدۡ قُدِرَ
Nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَحَمَلۡنَٰهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلۡوَٰحٖ وَدُسُرٖ
Nagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
تَجۡرِي بِأَعۡيُنِنَا جَزَآءٗ لِّمَن كَانَ كُفِرَ
Naglalayag ito sa [pagsusubaybay ng] mga mata Namin bilang ganti para sa dating tinanggihang sampalatayanan.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَد تَّرَكۡنَٰهَآ ءَايَةٗ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nag-iwan Kami nito bilang tanda, kaya may tagapag-alaala kaya?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
كَذَّبَتۡ عَادٞ فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Nagpasinungaling ang [liping] `Ād [sa propeta nilang si Hūd], kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِي يَوۡمِ نَحۡسٖ مُّسۡتَمِرّٖ
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa isang araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٖ مُّنقَعِرٖ
Humuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga tuod ng mga punong datiles na nasungkal.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala [at pag-unawa], kaya may tagapag-alaala kaya?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِٱلنُّذُرِ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٗا مِّنَّا وَٰحِدٗا نَّتَّبِعُهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٍ
Kaya nagsabi sila: “[Kay Ṣaliḥ na] taong nag-iisa kabilang sa amin ba susunod kami? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at isang pagkaulol.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
أَءُلۡقِيَ ٱلذِّكۡرُ عَلَيۡهِ مِنۢ بَيۡنِنَا بَلۡ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرٞ
Iniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na walang-galang.”
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
سَيَعۡلَمُونَ غَدٗا مَّنِ ٱلۡكَذَّابُ ٱلۡأَشِرُ
Makaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنَّا مُرۡسِلُواْ ٱلنَّاقَةِ فِتۡنَةٗ لَّهُمۡ فَٱرۡتَقِبۡهُمۡ وَٱصۡطَبِرۡ
Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَنَبِّئۡهُمۡ أَنَّ ٱلۡمَآءَ قِسۡمَةُۢ بَيۡنَهُمۡۖ كُلُّ شِرۡبٖ مُّحۡتَضَرٞ
Magbalita ka sa kanila na ang tubig ay binabahagi sa pagitan nila; bawat pag-inom ay halinhinan.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَنَادَوۡاْ صَاحِبَهُمۡ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ
Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila, kaya kinuha nito [ang tabak] at kinatay nito.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَكَانُواْ كَهَشِيمِ ٱلۡمُحۡتَظِرِ
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng hiyaw na nag-iisa kaya sila ay naging gaya ng mga tuyot na sanga [na tinanggihan ng] ng nagkukural.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala [at pag-unawa], kaya may tagapag-alaala kaya?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطِۭ بِٱلنُّذُرِ
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga babala.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ حَاصِبًا إِلَّآ ءَالَ لُوطٖۖ نَّجَّيۡنَٰهُم بِسَحَرٖ
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng mga bato [na sumalanta sa kanila] maliban sa mag-anak ni Lot; nagligtas Kami sa kanila sa huling bahagi ng gabi
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
نِّعۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَن شَكَرَ
bilang pagpapala mula sa ganang Amin. Gayon Kami gumaganti sa sinumang nagpasalamat.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ أَنذَرَهُم بَطۡشَتَنَا فَتَمَارَوۡاْ بِٱلنُّذُرِ
Talaga ngang nagbabala siya sa kanila ng pagsunggab Namin ngunit nagtaltalan sila hinggil sa mga babala.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ رَٰوَدُوهُ عَن ضَيۡفِهِۦ فَطَمَسۡنَآ أَعۡيُنَهُمۡ فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ
Talaga ngang humiling sila sa kanya [na manghalay] sa panauhin niya kaya pumawi Kami sa mga mata nila, [na nagsasabi:] “Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.”
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ صَبَّحَهُم بُكۡرَةً عَذَابٞ مُّسۡتَقِرّٞ
Talaga ngang may sumapit sa kanila sa umaga na isang pagdurusang nananahan.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ جَآءَ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ ٱلنُّذُرُ
Talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang mga babala.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذۡنَٰهُمۡ أَخۡذَ عَزِيزٖ مُّقۡتَدِرٍ
Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito kaya dumaklot Kami sa kanila ng pagdaklot ng isang Makapangyarihan, isang Tagakaya.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
أَكُفَّارُكُمۡ خَيۡرٞ مِّنۡ أُوْلَٰٓئِكُمۡ أَمۡ لَكُم بَرَآءَةٞ فِي ٱلزُّبُرِ
Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba ay higit na mabuti kaysa sa mga [nalipol na kalipunang] iyon o mayroon kayong kawalang-kaugnayan sa [pagdurusang nasaad sa] mga kasulatan?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
أَمۡ يَقُولُونَ نَحۡنُ جَمِيعٞ مُّنتَصِرٞ
O nagsasabi sila: “Kami ay katipunang nananaig?”
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
سَيُهۡزَمُ ٱلۡجَمۡعُ وَيُوَلُّونَ ٱلدُّبُرَ
Matatalo ang pagkakabuklod at magbabaling sila ng mga likod [nila].
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
بَلِ ٱلسَّاعَةُ مَوۡعِدُهُمۡ وَٱلسَّاعَةُ أَدۡهَىٰ وَأَمَرُّ
Bagkus ang Huling Sandali ay ang tipanan nila at ang Huling Sandali ay higit na masaklap at higit na mapait.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٖ
Tunay na ang mga salarin ay nasa isang pagkaligaw [sa Mundo] at isang pagdurusa [sa Kabilang-buhay].
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
يَوۡمَ يُسۡحَبُونَ فِي ٱلنَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ ذُوقُواْ مَسَّ سَقَرَ
Sa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila, [sasabihin sa kanila]: “Lumasap kayo ng saling ng [impiyernong] Init!”
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنَّا كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَٰهُ بِقَدَرٖ
Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَمَآ أَمۡرُنَآ إِلَّا وَٰحِدَةٞ كَلَمۡحِۭ بِٱلۡبَصَرِ
Walang iba ang utos Namin kundi nag-iisa gaya ng kisap ng paningin.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَآ أَشۡيَاعَكُمۡ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpahamak Kami ng mga kakampi ninyo, kaya may tagapag-alaala kaya?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَكُلُّ شَيۡءٖ فَعَلُوهُ فِي ٱلزُّبُرِ
Bawat bagay na ginawa nila ay nasa mga kasulatan.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَكُلُّ صَغِيرٖ وَكَبِيرٖ مُّسۡتَطَرٌ
Bawat maliit at malaki ay nakatitik.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَنَهَرٖ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog,
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فِي مَقۡعَدِ صِدۡقٍ عِندَ مَلِيكٖ مُّقۡتَدِرِۭ
sa upuan ng katapatan sa piling [ni Allāh ang] Haring Tagakaya.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
 
భావార్ధాల అనువాదం సూరహ్: సూరహ్ అల్ ఖమర్
సూరాల విషయసూచిక పేజీ నెంబరు
 
పవిత్ర ఖురాన్ యొక్క భావార్థాల అనువాదం - ఫిలిపినో అనువాదం (తగలాగ్) - అనువాదాల విషయసూచిక

www.islamhouse.com ఖుర్ఆన్ యొక్క అర్థాలను ఫిలిబ్బీన్ లో అనువదించడం. దారుల్ ఇస్లాం సహకారంతో రువాద్ అనువాద సెంటర్ యొక్క ఒక వర్గం దాన్ని అనువదించింది.

మూసివేయటం