Check out the new design

แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับหนังสืออรรถาธิบายอัลกุรอานอย่างสรุป (อัลมุคตะศ็อร ฟีตัฟซีร อัลกุรอานิลกะรีม) * - สารบัญ​คำแปล


แปลความหมาย​ สูเราะฮ์: Tā-ha   อายะฮ์:
فَأَخۡرَجَ لَهُمۡ عِجۡلٗا جَسَدٗا لَّهُۥ خُوَارٞ فَقَالُواْ هَٰذَآ إِلَٰهُكُمۡ وَإِلَٰهُ مُوسَىٰ فَنَسِيَ
Saka nagpalabas ang Sāmirīy mula sa mga hiyas na iyon para sa mga anak ni Israel ng isang rebulto ng isang guyang walang kaluluwa rito, na mayroon itong pag-ungal gaya ng pag-ungal ng baka, saka nagsabi ang mga sinusulit kabilang sa kanila sa pamamagitan ng gawain ng Sāmirīy: "Ito ay ang sinasamba ninyo at ang sinasamba ni Moises; nakalimutan niya at iniwan niya ito rito."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
أَفَلَا يَرَوۡنَ أَلَّا يَرۡجِعُ إِلَيۡهِمۡ قَوۡلٗا وَلَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا
Kaya hindi ba nakakikita itong mga sinulit sa pamamagitan ng guya saka sinamba naman nila, na ang guya ay hindi nangungusap sa kanila, hindi sumasagot sa kanila, at hindi nakakakaya ng pagtulak ng isang pinsala palayo sa kanila ni palayo sa iba pa sa kanila, ni ng paghatak ng isang pakinabang para sa [sarili] nito o para sa iba pa rito.
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
وَلَقَدۡ قَالَ لَهُمۡ هَٰرُونُ مِن قَبۡلُ يَٰقَوۡمِ إِنَّمَا فُتِنتُم بِهِۦۖ وَإِنَّ رَبَّكُمُ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَٱتَّبِعُونِي وَأَطِيعُوٓاْ أَمۡرِي
Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago ng pagbabalik ni Moises sa kanila: "Walang [layon] sa pagbuo ng guya mula sa ginto at pag-unga nito kundi isang pagsubok para sa inyo upang malantad ang mananampalataya sa tagatangging sumampalataya. Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay ang nakapagdudulot ng awa, hindi ang sinumang hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang pakinabang, huwag nang sabihin na maawa sa inyo. Kaya sumunod kayo sa akin sa pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya – at tumalima kayo sa utos ko sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
قَالُواْ لَن نَّبۡرَحَ عَلَيۡهِ عَٰكِفِينَ حَتَّىٰ يَرۡجِعَ إِلَيۡنَا مُوسَىٰ
Nagsabi ang mga sinusulit sa pamamagitan ng pagsamba sa guya: "Hindi kami titigil dito bilang mga nananatili sa pagsamba rito hanggang sa manumbalik sa amin si Moises."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
قَالَ يَٰهَٰرُونُ مَا مَنَعَكَ إِذۡ رَأَيۡتَهُمۡ ضَلُّوٓاْ
Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron: "Ano ang pumigil sa iyo nang nakakita ka sa kanila na naligaw dahil sa pagsamba sa guya bukod pa kay Allāh?"
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
أَلَّا تَتَّبِعَنِۖ أَفَعَصَيۡتَ أَمۡرِي
na hinayaan mo sila at sumunod ka sa akin? Kaya sumuway ka ba sa utos ko sa iyo nang nagtalaga ako sa iyo sa kanila?"
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
قَالَ يَبۡنَؤُمَّ لَا تَأۡخُذۡ بِلِحۡيَتِي وَلَا بِرَأۡسِيٓۖ إِنِّي خَشِيتُ أَن تَقُولَ فَرَّقۡتَ بَيۡنَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَلَمۡ تَرۡقُبۡ قَوۡلِي
Noong dumaklot si Moises sa balbas ng kapatid niya at ulo nito, habang hinihila ito tungo sa kanya habang nagmamasama rito sa ginawa nito, nagsabi sa kanya si Aaron habang nagsusumamo sa kanya: "Huwag kang dumaklot sa balbas ko ni sa buhok ng ulo ko sapagkat tunay na mayroon akong isang maidadahilan sa pananatili ko kasama nila. Nangamba ako, kung iniwan ko sila nang sila-sila, na magkahati-hati sila saka magsabi kang tunay na ako ay naghati-hati sa pagitan nila at tunay na ako ay hindi nag-ingat sa tagubilin mo sa kanila."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
قَالَ فَمَا خَطۡبُكَ يَٰسَٰمِرِيُّ
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga – sa Sāmirīy: "Kaya ano ang punto mo, O Sāmirīy? Ano ang nagtulak sa iyo sa ginawa mo?"
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
قَالَ بَصُرۡتُ بِمَا لَمۡ يَبۡصُرُواْ بِهِۦ فَقَبَضۡتُ قَبۡضَةٗ مِّنۡ أَثَرِ ٱلرَّسُولِ فَنَبَذۡتُهَا وَكَذَٰلِكَ سَوَّلَتۡ لِي نَفۡسِي
Nagsabi ang Sāmirīy kay Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Nakakita ako ng hindi nila nakita sapagkat nakita ko si Anghel Gabriel sakay ng isang kabayo. Kumuha ako ng isang dakot mula sa alabok mula sa bakas ng kabayo niya saka itinapon ko iyon sa mga tinunaw na hiyas na hinulma sa anyo ng isang guya kaya nakabuo buhat doon ng isang guyang estatwa na mayroon itong pag-unga. Gayon pinaganda para sa akin ng sarili ko ang ginawa ko."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
قَالَ فَٱذۡهَبۡ فَإِنَّ لَكَ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ أَن تَقُولَ لَا مِسَاسَۖ وَإِنَّ لَكَ مَوۡعِدٗا لَّن تُخۡلَفَهُۥۖ وَٱنظُرۡ إِلَىٰٓ إِلَٰهِكَ ٱلَّذِي ظَلۡتَ عَلَيۡهِ عَاكِفٗاۖ لَّنُحَرِّقَنَّهُۥ ثُمَّ لَنَنسِفَنَّهُۥ فِي ٱلۡيَمِّ نَسۡفًا
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga – sa Sāmirīy: "Kaya umalis ka mismo sapagkat tunay na ukol sa iyo na magsabi hanggat nanatili kang buhay: 'Hindi ako sumasaling at hindi ako sinasaling,' kaya mabubuhay kang itinataboy." Tunay na ukol sa iyo ay isang ipinangako sa Araw ng Pagbangon, na tutuusin ka roon at parurusahan ka. Hindi sisira sa iyo si Allāh sa ipinangakong ito. Tumingin ka sa guya mo na ginawa mong sinasamba mo at nanatili ka sa pagsamba niyan bukod pa kay Allāh, talagang magpapaningas nga kami riyan ng apoy hanggang sa malusaw, pagkatapos talagang magkakalat nga kami niyan sa dagat hanggang sa walang matirang bakas para riyan.
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
إِنَّمَآ إِلَٰهُكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ وَسِعَ كُلَّ شَيۡءٍ عِلۡمٗا
Tanging ang sasambahin ninyo ayon sa karapatan, O mga tao, ay si Allāh na walang sinasamba ayon sa karapatan maliban pa Siya. Sumaklaw Siya sa bawat bagay sa kaalaman kaya walang nakaaalpas sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na isang kaalaman sa isang bagay.
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
ประโยชน์​ที่​ได้รับ​:
• خداع الناس بتزوير الحقائق مسلك أهل الضلال.
Ang panlilinlang sa mga tao sa pamamagitan ng paghuhuwad sa mga katotohanan ay ugali ng mga alagad ng pagkaligaw.

• الغضب المحمود هو الذي يكون عند انتهاكِ محارم الله.
Ang galit na pinapupurihan ay ang [galit] sa sandali ng paglabag sa mga ipinagbabawal ni Allāh.

• في الآيات أصل في نفي أهل البدع والمعاصي وهجرانهم، وألا يُخَالَطوا.
Nasaan sa mga talata ng Qur'ān ang isang batayan sa pag-ayaw sa mga alagad ng mga bid`ah at mga pagsuway at sa pag-iwan sa kanila, at na huwag silang pakisamahan.

• في الآيات وجوب التفكر في معرفة الله تعالى من خلال مفعولاته في الكون.
Nasaan sa mga talata ng Qur'ān ang pagkatungkulin ng pag-iisip-isip sa pagkakilala kay Allāh – Napakataas Siya – sa pamamagitan ng mga ginawa Niya sa Sansinukob.

 
แปลความหมาย​ สูเราะฮ์: Tā-ha
สารบัญสูเราะฮ์ หมายเลข​หน้า​
 
แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับหนังสืออรรถาธิบายอัลกุรอานอย่างสรุป (อัลมุคตะศ็อร ฟีตัฟซีร อัลกุรอานิลกะรีม) - สารบัญ​คำแปล

โดย ศูนย์ตัฟซีรเพื่อการศึกษาอัลกุรอาน

ปิด