Check out the new design

แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับหนังสืออรรถาธิบายอัลกุรอานอย่างสรุป (อัลมุคตะศ็อร ฟีตัฟซีร อัลกุรอานิลกะรีม) * - สารบัญ​คำแปล


แปลความหมาย​ สูเราะฮ์: Fussilat   อายะฮ์:

Fussilat

วัตถุประสงค์ของสูเราะฮ์:
بيان حال المعرضين عن الله، وذكر عاقبتهم.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng mga tagaayaw kay Allāh at kahihinatnan nila.

حمٓ
Ha. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
تَنزِيلٞ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Ang Qur'ān na ito ay isang pagbababa mula kay Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain,
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
كِتَٰبٞ فُصِّلَتۡ ءَايَٰتُهُۥ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا لِّقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
isang Aklat na nilinaw ang mga talata nito sa pinakalubos sa paglilinaw at pinakaganap dito at ginawang isang Qur’ān na Arabe para sa mga taong umaalam dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga kahulugan nito at sa anumang narito na kapatnubayan tungo sa katotohanan,
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
بَشِيرٗا وَنَذِيرٗا فَأَعۡرَضَ أَكۡثَرُهُمۡ فَهُمۡ لَا يَسۡمَعُونَ
bilang tagapagbalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na ganting masagana, at bilang tagapagpangamba sa mga tagatangging sumampalataya laban sa masakit na pagdurusang dulot ni Allāh; ngunit umayaw ang karamihan sa kanila roon, kaya sila ay hindi dumidinig sa anumang narito na patnubay ayon sa pagdinig ng pagtanggap.
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
وَقَالُواْ قُلُوبُنَا فِيٓ أَكِنَّةٖ مِّمَّا تَدۡعُونَآ إِلَيۡهِ وَفِيٓ ءَاذَانِنَا وَقۡرٞ وَمِنۢ بَيۡنِنَا وَبَيۡنِكَ حِجَابٞ فَٱعۡمَلۡ إِنَّنَا عَٰمِلُونَ
Nagsabi sila: "Ang mga puso namin ay natatakpan ng mga pambalot kaya hindi nakapag-uunawa ng ipinaaanyaya mo sa amin. Sa mga tainga namin ay may pagkabingi kaya hindi nakaririnig ang mga ito. Sa pagitan namin at pagitan mo ay may isang takip kaya walang nakararating sa amin na anuman mula sa sinasabi mo. Kaya gumawa ka mismo sa pamamaraan mo; tunay na kami ay mga tagagawa sa pamamaraan namin. Hindi kami susunod sa iyo."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَٱسۡتَقِيمُوٓاْ إِلَيۡهِ وَٱسۡتَغۡفِرُوهُۗ وَوَيۡلٞ لِّلۡمُشۡرِكِينَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagmamatigas na ito: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Nagkakasi sa akin si Allāh na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay nag-iisang sinasamba lamang, si Allāh, kaya tumahak kayo sa daang nagpaparating sa Kanya at humiling kayo mula sa Kanya ng kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo." Kapahamakan at pagdurusa ay ukol sa mga tagapagtambal, na mga sumasamba sa iba pa kay Allāh o nagtatambal kasama sa Kanya ng isa man,
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ
na mga hindi nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila at sila sa Kabilang-buhay – at anumang naroon na kaginhawahang mananatili at pagdurusang masakit – ay mga tagatangging sumampalataya.
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونٖ
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ay isang gantimpalang mamamalagi, na hindi mapuputol, ang Paraiso.
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
۞ قُلۡ أَئِنَّكُمۡ لَتَكۡفُرُونَ بِٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ فِي يَوۡمَيۡنِ وَتَجۡعَلُونَ لَهُۥٓ أَندَادٗاۚ ذَٰلِكَ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Sabihin mo, O Sugo, habang nanunumbat sa mga tagatangging sumampalataya: "Bakit kayo ay tumatangging sumampalataya kay Allāh na lumikha ng lupa sa dalawang araw: araw ng Linggo at araw ng Lunes, at gumagawa sa Kanya ng mga kapareho na sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya? Iyon ay ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
وَجَعَلَ فِيهَا رَوَٰسِيَ مِن فَوۡقِهَا وَبَٰرَكَ فِيهَا وَقَدَّرَ فِيهَآ أَقۡوَٰتَهَا فِيٓ أَرۡبَعَةِ أَيَّامٖ سَوَآءٗ لِّلسَّآئِلِينَ
Naglagay Siya rito ng mga bundok na nakapirmi mula sa ibabaw nito, na nagpapapirmi sa mga ito upang hindi yumanig ang mga ito, at nagpala Siya sa mga ito, saka gumawa Siya sa mga ito bilang palagian sa kabutihan para sa mga naninirahan sa mga ito at nagtakda Siya sa mga ito ng mga makakain ng mga tao at mga hayop sa apat na araw bilang paglulubos sa dalawang araw na nauna: ang araw ng Martes at ang araw ng Miyerkules, nang magkapantay para sa sinumang nagnais na magtanong tungkol sa mga ito.
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰٓ إِلَى ٱلسَّمَآءِ وَهِيَ دُخَانٞ فَقَالَ لَهَا وَلِلۡأَرۡضِ ٱئۡتِيَا طَوۡعًا أَوۡ كَرۡهٗا قَالَتَآ أَتَيۡنَا طَآئِعِينَ
Pagkatapos nagsadya Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa paglikha ng langit habang ito sa araw na iyon ay usok pa saka nagsabi Siya rito at sa lupa: "Magpaakay kayo sa utos Ko bilang mga nagkukusang-loob o mga napipilitan; walang paglihis para sa inyong dalawa palayo roon." Nagsabi silang dalawa: "Pupunta kami na mga tumatalima sapagkat walang pagnanais para sa amin higit sa pagnanais Mo, O Panginoon namin."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
ประโยชน์​ที่​ได้รับ​:
• تعطيل الكافرين لوسائل الهداية عندهم يعني بقاءهم على الكفر.
Ang pagsasalanta ng mga tagatangging sumampalataya sa mga kaparaanan ng kapatnubayan sa ganang kanila ay nangangahulugan ng pananatili nila sa kawalang-pananampalataya.

• بيان منزلة الزكاة، وأنها ركن من أركان الإسلام.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng zakāh at na ito ay isa sa mga saligan ng Islām.

• استسلام الكون لله وانقياده لأمره سبحانه بكل ما فيه.
Ang pagsuko ng Sansinukob kay Allāh at ang pagpapaakay nito sa utos Niya – kaluwalhatian sa Kanya – kalakip ng bawat nasa loob nito.

 
แปลความหมาย​ สูเราะฮ์: Fussilat
สารบัญสูเราะฮ์ หมายเลข​หน้า​
 
แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับหนังสืออรรถาธิบายอัลกุรอานอย่างสรุป (อัลมุคตะศ็อร ฟีตัฟซีร อัลกุรอานิลกะรีม) - สารบัญ​คำแปล

โดย ศูนย์ตัฟซีรเพื่อการศึกษาอัลกุรอาน

ปิด