แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับ Al-Mukhtasar ในการตีความหมายอัลกุรอานอันสูงส่ง * - สารบัญ​คำแปล


แปลความหมาย​ อายะฮ์: (105) สูเราะฮ์: Al-An‘ām
وَكَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ وَلِيَقُولُواْ دَرَسۡتَ وَلِنُبَيِّنَهُۥ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Kung paanong nag-uri-uri ng mga patunay at mga patotoo sa kakayahan ni Allāh, nag-uuri-uri ng mga talata hinggil sa pangako, banta, at pangaral. Magsasabi ang mga tagapagtambal: "Hindi ito isang pagkakasi; nag-aral ka lamang nito buhat sa mga May Kasulatan mula sa nauna sa iyo." Ito ay upang linawin Namin ang katotohanan sa mga tao sa pamamagitan ng pagsasarisari Namin ng mga talatang ito para sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sapagkat sila ay ang mga tumatanggap sa katotohanan at sumusunod dito.
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
ประโยชน์​ที่​ได้รับ​:
• تنزيه الله تعالى عن الظلم الذي ترسِّخُه عقيدة (الجَبْر)، وبيان أن كفر العباد وشركهم أمر يحدث باختيارهم.
Ang pagwawalang-kinalaman kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa kawalang-katarungang ikinikintal ng Paniniwala ng Pagpilit at ang paglilinaw na ang kawalang-pananampalataya ng mga tao at ang pagtatambal nila kay Allāh ay isang bagay na nangyayari dahil sa pagpili nila.

• ليس بمقدور نبي من الأنبياء أن يأتي بآية من عند نفسه، أو متى شاء، بل ذلك أمر مردود لله تعالى، فهو القادر وحده على ذلك، وهو الحكيم الذي يُقَدِّر نوع الآية ووقت إظهارها.
Wala sa kakayahan ng isa sa mga propeta na magdulot ng isang tanda mula sa ganang sarili niya o kapag niloob niya, bagkus iyon ay isang bagay na isinasauli kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat Siya ay ang Nakakakaya lamang roon at Siya ay ang Marunong na nagtatakda sa uri ng tanda at oras ng paglalantad nito.

• النهي عن سب آلهة المشركين حذرًا من مفسدة أكبر وهي التعدي بالسب على جناب رب العالمين.
Ang pagsaway sa pag-alipusta sa mga diyos ng mga tagapagtambal bilang pag-iingat sa katiwaliang higit na malaki, ang paglapastangan sa pamamagitan ng pag-alipusta sa kabanalan ng Panginoon ng mga nilalang.

• قد يحول الله سبحانه وتعالى بين العبد والهداية، ويُصرِّف بصره وقلبه على غير الطاعة؛ عقوبة له على اختياره الكفر.
Maaaring humarang si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa pagitan ng tao at ng kapatnubayan, at magbaling Siya ng paningin nito at puso nito sa hindi pagtalima bilang kaparusahan para rito sa pagpili nito sa kawalang-pananampalataya.

 
แปลความหมาย​ อายะฮ์: (105) สูเราะฮ์: Al-An‘ām
สารบัญสูเราะฮ์ หมายเลข​หน้า​
 
แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับ Al-Mukhtasar ในการตีความหมายอัลกุรอานอันสูงส่ง - สารบัญ​คำแปล

คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับ Al-Mukhtasar ในการตีความหมายอัลกุรอานอันสูงส่ง - ออกโดย ศูนย์ตัฟซีร์เพื่อการศึกษาอัลกุรอาน

ปิด