Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (109) Surah: Yūnus
وَٱتَّبِعۡ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيۡكَ وَٱصۡبِرۡ حَتَّىٰ يَحۡكُمَ ٱللَّهُۚ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Sumunod ka, O Sugo, sa ikinakasi sa iyo ng Panginoon mo, gumawa ka ayon dito, magtiis ka sa pananakit ng sinumang sumalungat sa iyo kabilang sa mga kababayan mo at sa pagpapaabot sa ipinag-utos sa iyo ang pagpapaabot niyon, at magpatuloy ka sa gayon hanggang sa humatol si Allāh sa kanila ng hatol Niya sa pamamagitan ng pag-aadya sa iyo laban sa kanila sa Mundo at sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kanila sa Kabilang-buhay kung namatay sila sa kawalang-pananampalataya nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• إن الخير والشر والنفع والضر بيد الله دون ما سواه.
Tunay na ang kabutihan, ang kasamaan, ang pakinabang, at ang pinsala ay nasa kamay ni Allāh, wala sa iba pa sa Kanya.

• وجوب اتباع الكتاب والسُّنَّة والصبر على الأذى وانتظار الفرج من الله.
Ang pagkatungkulin ng pagsunod sa Qur'ān at Sunnah, ang pagtitiis sa pananakit, at ang paghihintay ng pagpapaginhawa mula kay Allāh.

• آيات القرآن محكمة لا يوجد فيها خلل ولا باطل، وقد فُصِّلت الأحكام فيها تفصيلًا تامَّا.
Ang mga talata ng Qur'ān ay hinusto, na hindi nakatatagpo sa mga ito ng kasiraan ni kabulaanan, at dinetalye nga ang mga patakaran sa mga ito ayon sa isang pagdedetalyeng lubusan.

• وجوب المسارعة إلى التوبة والندم على الذنوب لنيل المطلوب والنجاة من المرهوب.
Ang pagkatungkulin ng pagdadali-dali sa pagbabalik-loob at pagsisisi sa mga pagkakasala para sa pagtamo ng hinihiling at kaligtasan mula sa pinangingilabutan.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (109) Surah: Yūnus
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara