Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Yūnus
قُل لَّوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا تَلَوۡتُهُۥ عَلَيۡكُمۡ وَلَآ أَدۡرَىٰكُم بِهِۦۖ فَقَدۡ لَبِثۡتُ فِيكُمۡ عُمُرٗا مِّن قَبۡلِهِۦٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi ko bumigkas ng Qur'ān sa inyo ay hindi sana ako bumigkas nito sa inyo at hindi sana ako nagpaabot nito sa inyo. Kung sakaling niloob Niya ay hindi Niya sana ipinaalam sa inyo ang Qur'ān ayon sa dila ko. Namalagi nga ako sa gitna ninyo nang isang mahabang panahon – apatnapung taon – na hindi ako nagbabasa, hindi ako nagsusulat, hindi ako humihiling ng kalagayang ito, at hindi ako naghahanap nito. Kaya hindi ba kayo nakatatalos sa pamamagitan ng mga isip ninyo na ang inihatid ko sa inyo ay mula sa ganang kay Allāh at walang kinalaman sa akin hinggil doon?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• عظم الافتراء على الله والكذب عليه وتحريف كلامه كما فعل اليهود بالتوراة.
Ang bigat ng paggawa-gawa laban kay Allāh, ng pagsisinungaling laban sa Kanya, at ng paglilihis ng Salita Niya gaya ng ginawa ng mga Hudyo sa Torah.

• النفع والضر بيد الله عز وجل وحده دون ما سواه.
Ang pagpapakinabang at ang pamiminsala ay nasa kamay ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – tanging sa Kanya na walang iba pa sa Kanya.

• بطلان قول المشركين بأن آلهتهم تشفع لهم عند الله.
Ang kabulaanan ng sabi ng mga tagapagtambal na ang mga diyos nila ay mamamagitan para sa kanila sa ganang kay Allāh.

• اتباع الهوى والاختلاف على الدين هو سبب الفرقة.
Ang pagsunod sa pithaya at ang pagsalungat sa Relihiyon ay dahilan ng pagkakahati-hati.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Yūnus
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara