Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (74) Surah: Yūnus
ثُمَّ بَعَثۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِۦ رُسُلًا إِلَىٰ قَوۡمِهِمۡ فَجَآءُوهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَمَا كَانُواْ لِيُؤۡمِنُواْ بِمَا كَذَّبُواْ بِهِۦ مِن قَبۡلُۚ كَذَٰلِكَ نَطۡبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلۡمُعۡتَدِينَ
Pagkatapos, matapos ng isang yugto ng panahon ay nagpadala Kami, nang matapos ni Noe, ng mga sugo sa mga tao nila. Kaya naghatid ang mga sugo sa mga kalipunan nila ng mga tanda at mga patotoo. Ngunit hindi nagkaroon ang mga iyon ng pagnanais na sumampalataya dahilan sa naunang pagpupumilit ng mga iyon sa pagpapasinungaling sa mga sugo, kaya nagsara si Allāh sa mga puso ng mga ito. Tulad ng pagsasarang ito na isinara Niya sa mga puso ng mga tagasunod ng mga sugong nagdaan, magsasara Siya nito sa mga puso ng mga tagatangging sumampalataya, na mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya sa bawat panahon at pook.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• سلاح المؤمن في مواجهة أعدائه هو التوكل على الله.
Ang sandata ng mananampalataya sa pagharap sa mga kaaway niya ay ang pananalig kay Allāh.

• الإصرار على الكفر والتكذيب بالرسل يوجب الختم على القلوب فلا تؤمن أبدًا.
Ang pagpupumilit sa kawalang-pananampalataya at ang pagpapasinungaling sa mga sugo ay nag-oobliga ng pagsasara sa mga puso kaya hindi sasampalataya ang mga ito magpakailanman.

• حال أعداء الرسل واحد، فهم دائما يصفون الهدى بالسحر أو الكذب.
Ang kalagayan ng mga kaaway ng mga sugo ay iisa sapagkat sila ay palaging naglalarawan sa patnubay bilang panggagaway o kasinungalingan.

• إن الساحر لا يفلح أبدًا.
Tunay na ang manggagaway ay hindi magtatagumpay magpakailanman.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (74) Surah: Yūnus
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara