Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (45) Surah: Hūd
وَنَادَىٰ نُوحٞ رَّبَّهُۥ فَقَالَ رَبِّ إِنَّ ٱبۡنِي مِنۡ أَهۡلِي وَإِنَّ وَعۡدَكَ ٱلۡحَقُّ وَأَنتَ أَحۡكَمُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Nanawagan si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa Panginoon niya habang nagpapasaklolo sa Kanya saka nagsabi: "O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko na nangako Ka sa akin ng pagliligtas sa kanila. Tunay na ang pangako Mo ay ang tapat na walang pagsira rito. Ikaw ay ang pinakamakatarungan sa mga tagahatol at ang pinakamaalam sa kanila."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• بيان عادة المشركين في الاستهزاء والسخرية بالأنبياء وأتباعهم.
Ang paglilinaw sa kaugalian ng mga tagapagtambal sa pangungutya at panunuya sa mga propeta at mga tagasunod ng mga ito.

• بيان سُنَّة الله في الناس وهي أن أكثرهم لا يؤمنون.
Ang paglilinaw sa kalakaran ni Allāh sa mga tao: na ang higit na marami sa kanila ay hindi sumasampalataya.

• لا ملجأ من الله إلا إليه، ولا عاصم من أمره إلا هو سبحانه.
Walang madudulugan mula kay Allāh kundi sa Kanya at walang tagapagsanggalang laban sa pasya Niya kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (45) Surah: Hūd
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara