Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (68) Surah: Hūd
كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَآۗ أَلَآ إِنَّ ثَمُودَاْ كَفَرُواْ رَبَّهُمۡۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّثَمُودَ
Para bang hindi sila namalagi sa bayan nila sa isang biyaya at isang kaalwanan ng pamumuhay. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya kay Allāh, ang Panginoon nila. Hindi sila natigil sa pagiging mga inilayo mula sa awa ni Allāh.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• عناد واستكبار المشركين حيث لم يؤمنوا بآية صالح عليه السلام وهي من أعظم الآيات.
Ang pagmamatigas at ang pagmamalaki ng mga tagapagtambal yayamang hindi sila sumampalataya sa tanda ni Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – gayong ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga tanda.

• استحباب تبشير المؤمن بما هو خير له.
Ang pagtuturing na kaibig-ibig ang pagbabalita ng nakagagalak sa mananampalataya hinggil sa mabuti para sa kanya.

• مشروعية السلام لمن دخل على غيره، ووجوب الرد.
Ang pagkaisinasabatas ng pagbati ng kapayapaan para sa sinumang pumunta sa ibang tao at ang pagkatungkulin ng pagtugon.

• وجوب إكرام الضيف.
Ang pagkatungkulin ng pagpaparangal sa panauhin.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (68) Surah: Hūd
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara