Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (11) Surah: Yūsuf
قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا مَا لَكَ لَا تَأۡمَ۬نَّا عَلَىٰ يُوسُفَ وَإِنَّا لَهُۥ لَنَٰصِحُونَ
Noong nagkaisa sila sa pagpapalayo sa kanya ay nagsabi sila sa ama nilang si Jacob: "O ama namin, ano ang mayroon sa iyo? Hindi mo kami ginagawa bilang mga katiwala kay Jose? Tunay na kami ay talagang mga nagmamalasakit para sa kanya. Aalagaan namin siya laban sa pipinsala sa kanya. Kami ay mga tagapayo sa kanya sa pag-iingat sa kanya at pag-aalaga sa kanya hanggang sa umuwi siya sa iyo nang ligtas. Kaya ano ang pumipigil sa iyo sa pagpapadala sa kanya kasama sa amin?
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• ثبوت الرؤيا شرعًا، وجواز تعبيرها.
Ang pagtitibay sa panaginip ayon sa Batas ng Islām at ang pagpayag sa paghahayag nito.

• مشروعية كتمان بعض الحقائق إن ترتب على إظهارها شيءٌ من الأذى.
Ang pagkaisinasabatas ng pagkukubli sa ilan sa mga katotohanan kung magreresulta sa paghahayag ng mga ito ng anumang kabilang sa nakasasakit.

• بيان فضل ذرية آل إبراهيم واصطفائهم على الناس بالنبوة.
Ang paglilinaw sa kalamangan ng mga supling ng angkan ni Abraham at ang paghirang sa kanila higit sa mga tao sa pagkapropeta.

• الميل إلى أحد الأبناء بالحب يورث العداوة والحسد بين الإِخوة.
Ang pagkiling sa isa sa mga anak sa pag-ibig ay nagdadahilan ng pagkamuhi at inggit sa pagitan ng magkakapatid.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (11) Surah: Yūsuf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara