Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (98) Surah: Yūsuf
قَالَ سَوۡفَ أَسۡتَغۡفِرُ لَكُمۡ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Hihiling ako para sa inyo ng kapatawaran mula sa Panginoon ko; tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga nagbabalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• بر الوالدين وتبجيلهما وتكريمهما واجب، ومن ذلك المسارعة بالبشارة لهما فيما يدخل السرور عليهما.
Ang pagpapakabuti sa mga magulang, ang pagpapakundangan sa kanila, at ang pagpaparangal sa kanila ay isang tungkulin. Bahagi niyon ang pagdadali-dali sa pagbabalita sa kanila ng nagdudulot ng galak sa kanila.

• التحذير من نزغ الشيطان، ومن الذي يسعى بالوقيعة بين الأحباب؛ ليفرق بينهم.
Ang pagbibigay-babala laban sa udyok ng demonyo at laban sa sinumang nagpupunyagi sa pagkaganap nito sa pagitan ng mga minamahal upang magpawatak-watak sa pagitan nila.

• مهما ارتفع العبد في دينه أو دنياه فإنَّ ذلك كله مرجعه إلى تفضّل الله تعالى وإنعامه عليه.
Gaano man umangat ang tao sa relihiyon niya at makamundong buhay niya, tunay na iyon sa kabuuan niyon ay bumabalik sa pagmamagandang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at pagbibiyaya Nito sa kanya.

• سؤال الله حسن الخاتمة والسلامة والفوز يوم القيامة والالتحاق برفقة الصالحين في الجنان.
Ang paghingi kay Allāh ng kagandahan ng pagwawakas [ng buhay], kaligtasan, pananagumpay sa Araw ng Pagbangon, at pagkakasama sa kapisanan ng mga matuwid sa Paraiso.

• من فضل الله تعالى أنه يُطْلع أنبياءه على بعض من أمور الغيب لغايات وحكم.
Bahagi ng kagandahang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nagpabatid sa mga propeta Niya ng ilan sa mga nauukol sa Lingid dahil sa mga layunin at mga kasanhian.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (98) Surah: Yūsuf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara