Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Ibrāhīm
مِّن وَرَآئِهِۦ جَهَنَّمُ وَيُسۡقَىٰ مِن مَّآءٖ صَدِيدٖ
Mula sa harapan ng nagpapakamalaking ito sa Araw ng Pagbangon ay Impiyerno sapagkat ito sa kanya ay nakatambang. Paiinumin siya roon mula sa nana ng mga maninirahan sa Apoy, na dadaloy mula sa kanila, kaya hindi mapapawi ang uhaw niya at hindi titigil na pagdurusahin siya sa pamamagitan ng uhaw at iba pa rito na mga uri ng pagdurusa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• أن الأنبياء والرسل بشرٌ من بني آدم، غير أن الله تعالى فضلهم بحمل الرسالة واصطفاهم لها من بين بني آدم.
Na ang mga propeta at ang mga sugo ay mga taong kabilang sa mga anak ni Adan, gayon pa man si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagtangi sa kanila sa pagdadala ng pasugo at humirang sa kanila para rito mula sa mga anak ni Adan.

• على الداعية الذي يريد التغيير أن يتوقع أن هناك صعوبات جَمَّة سوف تقابله، ومنها الطرد والنفي والإيذاء القولي والفعلي.
Kailangan sa tagapag-anyaya na nagnanais ng pagbabago na asahan na mayroong maraming hirap na haharap sa kanya. Kabilang sa mga ito ang pagtataboy, ang pagpapatapon, at ang pananakit sa salita at gawa.

• أن الدعاة والصالحين موعودون بالنصر والاستخلاف في الأرض.
Na ang mga tagapag-anyaya ng Islām at ang mga maayos ay mga pinangakuan ng pag-aadya at pamamahala sa lupa.

• بيان إبطال أعمال الكافرين الصالحة، وعدم اعتبارها بسبب كفرهم.
Ang paglilinaw sa pagpapawalang-saysay sa mga maayos na gawain ng mga tagatangging sumampalataya at kawalan ng pagsasaalang-alang sa mga ito dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Ibrāhīm
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara