Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (21) Surah: Al-Hijr
وَإِن مِّن شَيۡءٍ إِلَّا عِندَنَا خَزَآئِنُهُۥ وَمَا نُنَزِّلُهُۥٓ إِلَّا بِقَدَرٖ مَّعۡلُومٖ
Walang anumang bagay na pinakikinabangan ng mga tao at mga hayop malibang Kami ay nakakakaya sa pagpapairal nito at pagpapakinabang sa mga tao nito. Hindi Kami nagpapairal ng pinaiiral Namin kabilang doon malibang ayon sa sukat na tinakdaan, na hinihiling ng karunungan Namin at kalooban Namin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• ينبغي للعبد التأمل والنظر في السماء وزينتها والاستدلال بها على باريها.
Nararapat para sa tao ang pagninilay-nilay, ang pagmamasid sa langit at gayak nito, at ang pagpapatunay sa pamamagitan nito sa Maykapal nito.

• جميع الأرزاق وأصناف الأقدار لا يملكها أحد إلا الله، فخزائنها بيده يعطي من يشاء، ويمنع من يشاء، بحسب حكمته ورحمته.
Ang lahat ng mga panustos at mga uri ng mga pagtatakda ay walang nagmamay-ari sa mga ito ni isa man kundi si Allāh sapagkat ang mga imbakan ng mga ito ay nasa Kamay Niya. Nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya at nagkakait Siya sa sinumang niloloob Niya alinsunod sa karunungan Niya at awa Niya.

• الأرض مخلوقة ممهدة منبسطة تتناسب مع إمكان الحياة البشرية عليها، وهي مثبّتة بالجبال الرواسي؛ لئلا تتحرك بأهلها، وفيها من النباتات المختلفة ذات المقادير المعلومة على وفق الحكمة والمصلحة.
Ang lupa ay nilikha, pinatag, at nakalatag, na nababagay sa posibilidad ng buhay pantao sa ibabaw nito. Ito ay pinatatag sa pamamagitan ng mga bundok na matitibay upang hindi magpagalaw-galaw sa mga naninirahan dito. Dito ay may mga halamang nagkakaiba-iba, na may mga pagtatakdang nalalaman sang-ayon sa kasanhian at kapakanan.

• الأمر للملائكة بالسجود لآدم فيه تكريم للجنس البشري.
Ang utos sa mga anghel ng pagpapatirapa kay Adan ay may pagpaparangal sa uring tao.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (21) Surah: Al-Hijr
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara