Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (87) Surah: Al-Hijr
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ سَبۡعٗا مِّنَ ٱلۡمَثَانِي وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِيمَ
Talaga ngang ibinigay Namin sa iyo ang Fātiḥah, na pitong talata, at ang Dakilang Qur’ān.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• أن الله تعالى إذا أراد أن يهلك قرية ازداد شرهم وطغيانهم، فإذا انتهى أوقع بهم من العقوبات ما يستحقونه.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – kapag nagnais na magpahamak ng isang pamayanan ay nadaragdagan ang kasamaan nila at ang pagmamalabis nila. Kaya kapag nagwakas ito, nagpapabagsak Siya sa kanila ng mga kaparusahang naging karapat-dapat sila.

• كراهة دخول مواطن العذاب، ومثلها دخول مقابر الكفار، فإن دخل الإنسان إلى تلك المواضع والمقابر فعليه الإسراع.
Ang pagkasuklam sa pagpasok sa mga pook ng pagdurusa, na ang tulad ng mga ito ay ang mga libingan ng mga tagatangging sumampalataya; ngunit kung papasok ang tao sa mga lugar at mga libingang iyon, kailangan sa kanya ang magmadali.

• ينبغي للمؤمن ألا ينظر إلى زخارف الدنيا وزهرتها، وأن ينظر إلى ما عند الله من العطاء.
Nararapat sa mananampalataya na hindi tumingin sa mga palamuti ng Mundo at kaningningan nito at na tumingin [na lamang] sa ibinibigay na nasa ganang kay Allāh.

• على المؤمن أن يكون بعيدًا من المشركين، ولا يحزن إن لم يؤمنوا، قريبًا من المؤمنين، متواضعًا لهم، محبًّا لهم ولو كانوا فقراء.
Kailangan sa mananampalataya na maging malayo sa mga tagapagtambal – at huwag siyang malungkot kung hindi sila sumampalataya – at maging malapit sa mga mananampalataya, mapagpakumbaba sa kanila, umiibig sa kanila kahit pa man sila ay mga maralita.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (87) Surah: Al-Hijr
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara