Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (81) Surah: An-Nahl
وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّمَّا خَلَقَ ظِلَٰلٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡجِبَالِ أَكۡنَٰنٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ سَرَٰبِيلَ تَقِيكُمُ ٱلۡحَرَّ وَسَرَٰبِيلَ تَقِيكُم بَأۡسَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ يُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُسۡلِمُونَ
Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga punong-kahoy at mga gusali ng nasisilungan ninyo laban sa init; gumawa para sa inyo mula sa mga bundok ng mga lagusan, mga groto, at mga yungib na nakapagtatago kayo sa loob ng mga ito palayo sa ginaw, init, at kaaway; gumawa para sa inyo ng mga kamisa at mga damit na yari sa bulak at iba pa rito na nagtutulak palayo sa inyo ng init at lamig; at gumawa para sa inyo ng mga kalasag na nagsasanggalang sa inyo sa karahasan ng iba sa inyo sa digmaan para hindi tumagos ang sandata sa mga katawan ninyo. Gaya ng pagbiyaya ni Allāh sa inyo ng mga biyayang nauna, naglulubos Siya ng mga biyaya Niya sa inyo sa pag-asang magpaakay kayo sa Kanya lamang at hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• دلت الآيات على جواز الانتفاع بالأصواف والأوبار والأشعار على كل حال، ومنها استخدامها في البيوت والأثاث.
Nagpatunay ang mga talata ng Qur'ān sa pagpayag sa pakikinabang sa mga lana, mga balahibo, at mga buhok sa bawat kalagayan. Kabilang doon ang paggamit ng mga ito sa mga bahay at mga kasangkapan.

• كثرة النعم من الأسباب الجالبة من العباد مزيد الشكر، والثناء بها على الله تعالى.
Ang dami ng mga biyaya ay kabilang sa mga kadahilanang hayag mula sa mga tao ang karagdagan ng pagpapasalamat at pagbubunyi dahil sa mga ito kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الشهيد الذي يشهد على كل أمة هو أزكى الشهداء وأعدلهم، وهم الرسل الذين إذا شهدوا تمّ الحكم على أقوامهم.
Ang saksi na sasaksi sa bawat kalipunan ay ang pinakadalisay sa mga saksi at ang pinakamakatarungan sa kanila. Sila ay ang mga sugong kapag sumaksi ay matutupad ang kahatulan sa mga tao nila.

• في قوله تعالى: ﴿وَسَرَابِيلَ تَقِيكُم بِأْسَكُمْ﴾ دليل على اتخاذ العباد عدّة الجهاد؛ ليستعينوا بها على قتال الأعداء.
Sa sabi Niya – pagkataas-taas Siya: "mga kasuutang nagsasanggalang sa inyo sa karahasan sa inyo" ay may isang patunay sa paggawa ng mga tao ng kagamitan sa pakikibaka upang ipantulong nila sa pakikipaglaban sa mga kaaway.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (81) Surah: An-Nahl
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara