Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (5) Surah: Al-Isrā’
فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ أُولَىٰهُمَا بَعَثۡنَا عَلَيۡكُمۡ عِبَادٗا لَّنَآ أُوْلِي بَأۡسٖ شَدِيدٖ فَجَاسُواْ خِلَٰلَ ٱلدِّيَارِۚ وَكَانَ وَعۡدٗا مَّفۡعُولٗا
Kaya kapag nangyari mula sa kanila ang unang panggugulo ay magpapangibabaw Kami sa kanila ng mga lingkod para sa Amin na mga nagtataglay ng lakas at dahas na sukdulan, na papatay sa kanila at magpapalayas sa kanila saka gagalugad sa gitna ng mga tahanan nila habang nanggugulo sa anumang madaanan ng mga ito. Ang pangako ni Allāh noon hinggil doon ay magaganap nang walang pasubali.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• في قوله: ﴿الْمَسْجِدِ الْأَقْصَا﴾: إشارة لدخوله في حكم الإسلام؛ لأن المسجد موطن عبادةِ المسلمين.
Ang sabi Niya: "Masjid na Pinakamalayo" ay isang pahiwatig sa pagkapaloob nito sa patakaran ng Islām dahil ang masjid ay pook ng pagsamba ng Muslim.

• بيان فضيلة الشكر، والاقتداء بالشاكرين من الأنبياء والمرسلين.
Ang paglilinaw sa kalamangan ng pagpapasalamat at ng pagtulad sa mga tagapagpasalamat kabilang sa mga propeta at mga sugo.

• من حكمة الله وسُنَّته أن يبعث على المفسدين من يمنعهم من الفساد؛ لتتحقق حكمة الله في الإصلاح.
Bahagi ng karunungan ni Allāh at kalakaran Niya na magpadala sa mga tagagulo ng sinumang pipigil sa kanila sa kaguluhan upang maisakatuparan ang kasanhian ni Allāh sa pagsasaayos.

• التحذير لهذه الأمة من العمل بالمعاصي؛ لئلا يصيبهم ما أصاب بني إسرائيل، فسُنَّة الله واحدة لا تتبدل ولا تتحول.
Ang pagbibigay-babala sa kalipunang ito laban sa paggawa ng mga pagsuway upang hindi tumama sa kanila ang tumama sa mga anak ni Israel sapagkat ang kalakaran ni Allāh ay iisa, hindi napapalitan at hindi nababago.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (5) Surah: Al-Isrā’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara